Chapter 27: Pwedeng manligaw?

128 7 1
                                    

Chapter 27

Ica's Pov

~ Ding dong~~ Ding dong~~ Ding dong~~

Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng door bell ko. Ang sakit sa ulo!

" Sandali! Sandali!!" sigaw ko saka naglagay ng sapin sa paa at lumabas ng kwarto.

"Sino naman kaya 'yon? ang aga-aga nambubulabog!" pupungay-pungay ang matang binuksan ko ang pinto ng unit ko.

"Good morning Baby!" parang biglang nawala ang antok ko at gusto kong pagsaraduhan nalang ng pinto ang dumating at bumalik ng kwarto dahil sa inis!

"Hind kita kilala. Wrong address ka." sagot ko saka sana isasara ulit yung pinto nang bigla nyang i harang ang kamay nya at itulak ang pinto pabukas.

"Baby naman! ang aga ko kayang gumising para puntahan ka dito at yayain kang mag breakfast sa labas." Nakangusong sabi ni Monggo.

"Pwede ba Monggo, ang aga-aga sinisira mo ang araw ko. Ano ba kasing ginagawa dito? wala ako sa mood makipag biruan sayo, okay. Kaya umalis kana. " inis kong sabi saka sya tinalikuran. Sa may lahi ata talagang kakulitan itong si Monggo at sumunod pa hanggang sa loob.

Honestly, wala sa linya ang mood ko ngayon dahil may period ako ang sakit sakit ng puson ko! bad trip!

" Baby.. Ano yang nasa likod mo?" salubong ang kilay na nilingon ko si Monggo.

"What?! " inis na sigaw ko.

"Yan oh." sinundan ko ang nginunguso nya at pinamulhan ako ng makitang may tagos pala ako gizzz! nakakaihiya!

"Whuaaa manyak! dyan ka lang wag kang susunod!" sigaw ko saka nagmamadaling tumakbo paakyat pabalik ng kwarto ko.

"Gizzz! nakakahiya!! stupid of you Ica!"

pumunta ako sa drawer ko at kumuha ng underwear at napkin pero wala akong makapa, wala akong makapang napkin!

'Gizzz anong gagawin ko?? what to do yani? think! think! think!'

Hindi pa pala ako nakakapag grocery huhuh. hala, pano ako papasok? hindi ako makalabas nasa baba si Monggo grrr bakit ba kasi pumunta-punta pa dito yung Mongoloid na yun!

What to dooo??

No Choice!

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan..

Gizzz kaya ko to..

Whuaaa kakapalan kona ang mukha ko kahit nakakahiyaaaa huhuu no choice ako!

"Hi baby, oh? bakit hindi kapa bihis??" nagtataka nyang sabi habang naka kunot pa ang noo.

" A-ah Ammm.. kasi ano. Amm" Gizzz hindi ko alam kung pano ko sasabihin! nahihiya ako!

"Eh?? What?"

" Amm.. Kasi ano kasi.. Amm. U-ubos na yung S-stock ko ng N-napkin, hehe" di makatingin sa kanya ng deretsong sabi ko huhuhu.

Nakakahiyaaa! pakiramdam ko ay para akong tinuod sa kinatatayuan ko, ang init ng pakiramdam ko. Feeling ko umuusok nako sa sobrang init ng mukha ko whuaaa

SOBRANG NAKAKAHIYA!!

" Ganon ba baby? ahm.. Sige wait mo ko dito bibilhan lang kita ng napkin. Don't worry may malapit na grocery naman dyan sa kabilang subdivision. Dyan ka lang ah?? mabilis lang ako, promise!" sabi nya saka mabilis na nagmartsa palabas ng unit ko? Naiwan akong nakanganga.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon