Chapter 28
**LESLIE'S POV**
Nagising ako sa sinag ng araw na nararamdaman kong tumatama sa balat ko. Minulat ko ang isa kong mata saka dahan dahang bumangon. Tatayo na sana ako nang maramdaman kong may naka dagan sa bandang baywang ko.
Nagkusot ako ng mata at nang malinaw konang nasisilayan ang paligid ay nilibot ko ang paningin ko.
MAGKAKATABI KAMING LAHAT NATULOG
Oh my gosh!
Napatingin ako sa side ko at napanganga nalang nang makita ang gwapong mukha ni Charles na mahimbing na natutulog. Nakayakap ang isa nyang kamay sa baywang ko.
'kaya naman pala hindi ako makatayo.'
Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha saka hinawi ang hibla ng buhok na humaharang sa gwapo niyang mukha. Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan, as in sobrang lapit!
Napakurap ako nang bigla syang mag mulat ng mata!
Kinakabahan na nag iwas ako ng tingin.
'Nakita kaya niyang naka titig ako sa kanya?'
Shems! Nakakahiya ka Leslie arghhh
"Good morning." Bati niya saka ngumiti ng bahagya. Napa lunok ako at naiilang na binaling ang tingin sa kanya saka ngumiti ng pilit.
"G-good morning."
Oh my gosh what's happening to me?
Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya sa baywang ko at umakyat ito papunta sa ulo ko. Pigil hininga kong sinundan ng tingin ang bawat kilos na gawin nya. Pakiramdam ko ay kakalas ang mga skin cells ko dahil sa kilabot na hatid ng presendya nya!
Shems ikalma mo, Leslie.
"You're so beautiful." Nag angat ako ng tingin sa kanya nang sabihin niya 'yon. Bigla ay pinamulahan ako.
"Ah-ahm. N-nagugutom ako, m-may pagkain ka ba riyan? Hehe." Wala sa sariling saad ko. Nag iwas ako ng tingin at nag madaling tumayo at nag ayos ng sarili.
"Arghh Monggo ang bigat mo!"
Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Ica. Napangiwi ako ng makitang naka subsob sa leeg niya si Kevin habang naka pulupot ang isang kamay sa baywang nya.
'They looks good, anyway.'
Nag pipigil ng ngiti na dumeretso ako ng banyo at nag hilamos bago lumabas.
"Good morning, Everyone!"
Malakas na bati nila Sheshe, Mel, at Ica pag labas ko ng kwarto. Tapat lang naman ng hagdan ang sala ng kwarto ni Charles.
"Good morning, guys." Bati ko pabalik saka umupo sa bakanteng upuan.
"How was your sleep baby?" Dinig kong tanong ni Kev kay Ica. Nilapag nya ang mga hawak nyang bagong luto na pagkain saka nag latag ng mga plato.
"How was your sleep your face, leche." Pasiring na sagot ni Ica saka naka kunot ang noo na binalik ang tingin sa hawak na kape.
"Baby naman. Hindi ko naman sinasadya e.." Naka ngusong ani Kevin habang naka puppy eyes pa na naka tingin kay Ica na busangot na busangot ang mukha.
BINABASA MO ANG
HIS OWN DEFINITION OF LOVE
RomanceAno nga ba ang tunay na pag-ibig? Is it the love that is full of happiness and overwhelming feelings? Or is it a mysterious thing that is full of surprises? Charles Wayne Deguzman doesn't believe in love. He never fell in love with girls-not unti...