Chapter 18 - Confession

443 65 15
                                    

Dedicated to: JhaylynKo07

THANK YOU!💖

Chapter 18

LESLIE'S POV

~~K*I*N*A*U*M*A*G*A*H*A*N~~

Napabangon ako sa pagkakahilata ko sa kama ko ng tumunog ang alarm clock ko. Gizzz! parang kapipikit lang ng mata ko ah?  tsk. Bwisit kasi na message yun e hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip kung kanino ba galing yun.

Pero natauhan din naman ako, yun nga lang ilang  oras pa  bago ko napagtantong baka prank lang yun.

Wala naman akong ibang maisip na dahilan kung bakit may nagpadala sakin ng ganon klase ng message. Saka wala rin naman na akong ibang kaibigan bukod kila Ica.

'Wake up girl kaibigan mo na ang mga yon mula pagkabata, 'wag mong sabihin na pati sila na childhood best friend mo ay pag-hihinalaan mo? '

Piniling ko ang ulo ko dahil sa sinabing 'yon ng utak ko. Ughh! nakakainis ayoko na mag-isip!

Kaysa maloka sa kaiisip ay bumangon nalang ako at naligo, nagbihis at bumaba na ng kwarto.

"Morning  Princess."

"Kuya Jim!" nagising ang diwa ko ng makita ko si kuya Jim na naka-upo sa sofa habang may hawak na diyaryo! Tumakbo ako palapit sa kanya saka sya sinunggaban ng yakap gizzz kelan sya dumating??

"Hahaha you miss me?? ang bigat naman ng Prinsesa ko!" natutuwang ani kuya saka ako yinakap ng mahigpit. Huhuhu na miss ko sya.

"Wala pang 3 weeks kuya, bakit nakabalik ka agad?" tanong ko sabay hiwalay sa yakap nya. Ayaw pa nga nya akong bitawan hahaha.

"Bakit, ayaw mo na ba akong bumalik? may kapalit na ba ako?" nagulat ako sa biglaang pagkaseryoso ni kuya pero hindi ko 'yon pinahalata.

"H-hahaha. Hindi naman sa ganon kuya, ang paalam mo po kasi 3weeks po kayong mawawala hehehe" kunwaring tawa ko pa. Sa totoo lang ay nawiwirduhan ako kay kuya, parang may nag-iba sa kanya?? o baka ako lang itong paranoid?  yaan mo na nga.

"Tara kuya, kain na tayo." yakag ko sa kanya at tumalima naman sya kaya naglambitin ako sa mga braso nya, gaya ng dati kong ginagawa.

"Kamusta po yung Business na pinuntahan mo sa hongkong, kuya?" pagbubukas ko ng usapan.

"Ayos naman, baby girl. May onting gusot lang, may dumating na hindi inaasahan eh." naka kunot ang noong nilingon ko si kuya dahil 'di ko naintindihan yung huling sinabi nya, ang hina kasi ng pagkakasabi nya.

"Ano ulit yun kuya?" tanong ko.

"Ah wala kumain na tayo" kahit na nagtataka ay sumunod nalang ako.

Weird

After mag breakfast ay hinatid ako ni kuya sa School.  Nasa parking kami ngayon.

"Ahmm. Princess.. " nilingon ko si kuya Jim nang tawagin nya ako, papasok na dapat ako ng gate. Hyyy

"Kuya?"

" Ahm. M-may kinakaibigan kana bang lalaki ngayon? " nangunot ang noo ko sa tanong nya.

'luh. Nyare dito kay kuya? kelan pa sya naging interesado sa mga nagiging kaibigan ko?'

'di kaya dahil kaya hanggang ngayon  wala pang jowabels si kuya dahil... Kyahh!'

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon