CHAPTER 12 - NEW FRIENDS

539 86 11
                                    

dadicated to: Hernandez_Althea

Chapter 12

Leslie's POV

"Kiech" mahinang usal ni Ica pagharap nya.

Tsh. Di muna kasi kinukumpirma bago umaksyon eh. Parang yung iba ryan, nagdedesisyon agad ng mag-isa hindi muna nagtatanong, kaya laging iniiwan e choss. Naniniwala na talaga akong laging nasa huli ang pag-sisisi.

"Hi girls! " masiglang bati ni Kiech saka lumapit samin at nakipag beso.

"Hoy Nica, natulala kana dyan? do you miss me?" natatawang tanong ni Kiech.

Si Kiech ay pinsang buo ni Ica. Ang alam ko ay sa USA na sila ngayon nakatira, ewan ko lang kung anong ginagawa nya ngayon dito. Nagulat panga ako kanina nung makita ko syang nakatayo sa likod ni Ica, sinenyasan nya ako na wag maingay isusurprise nya daw pinsan nya hahaha.

"Hi sis! kelan kapa naka balik? bakit di ka manlang nagsabi na uuwi kana pala?" naka nguso niyang sabi. Umiral na naman ang pagiging matampuhin.

"Hahahaha nukaba! kahapon lang at saka wala akong contact number mo remember? nung time kasi na hinihingi ko phone number mo e hindi mo binigay kasi nagtatampo ka. Kaya ayun wala tayong communication for almost 4years now tsk. Matampuhin ka kasi masyado." nakangiting ani Kiech. Grabe mas lalo syang gumanda at Sumexy. Maganda naman talaga si Kiech same as Ica, yun ngalang e masyadong maingay itong si Ica kabaliktaran kay Kiech na tahimik at mahiyain. Pero kapag yan sinumpong, mas malala pa sa natural na pag-uugali nitong si Ica hahaha mag-pinsan ngang talaga.

"Okay fine my fault. Anyway, kumain kana ba?" - Ica

"Hmm.. Kanina nung nasa Resto kami ni Mudra pero konti lang." - kiech

"Gusto mo bang kumain?" - Ica habang naglalabit ng upuan sa kabilang table.

"Sure! why not." - energetic na ani Kiech. Wala parin pinagbago.

"Your treat hehehehe" biglang dagdag ni Ica kaya nagtawanan kami. Hmmm. Mukhang umupa na ang init ng ulo nya ha?

"kwento ka naman sa naging buhay mo sa US.. For sure nakahanap kana ng the one mo dun! hahaha" biglang sabi ni Melanie.

"Oo nga Insan kwento naman dyan. Ayy wait, pano ka nga pala nakapasok dito? e alam ko mga nag-aaral lang sa Montenolie ang pwedeng pumasok dito. How come na naka puslit ka?" tanong naman ni Ica

" Ah, that, ewan ko rin eh. Basta ang alam ko ay sinabi lang nung Boyfriend ko ang pangalan nya dun sa guard then, there, nakapasok na kami hehehe astig no? " walang halong pagmamayabang na sabi nya. Ganyan sya pag nagsasalita, hindi mo mararamdaman  na nag yayabang lang sya.  Hindi sya tulad ng iba na nakarating lang ng italy e kung maka asta akala mo nakarating ng ibang planeta.

"Ahh.. Kayo parin ba nung Bf mo? ano nagkita naba kayo?" Curious na tanong ni Ica. Nakikinig lang ako, di ako sumasali sa usapan. Baka magulo lang.

"Yep. Actually he's my Neighbor sa US." Pauna nya. Nakinig lang kami. " I can still  remember the first day we met. Nagulat  ako nang paglabas ko ng gate namin at bigla nalang nya akong binati. I was really shocked daii hahaha speechless ang ante mo gerl, kasi ang gwapo nya pala talaga sa personal. Literal na napa nganga ako. Then afterwards bigla nalang syang tumawa kaya nahiya ako gizzzz!" Kwento nya. Natawa naman kami kasi namumula sya at halatang kinikilig habang nag babalik tanaw sa pagkikita nila ng papa boyfie nya.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon