Chapter 23
Leslie's POV
Morning pipol! walang GOOD kasi hindi naman good ang Morning ko.
Bakit?
Iniisip ko kasi si kuya Lei kung anong nangyari sa kanila ni ate Moi, kung okay lang ba sya. Ewan ko ba pakiramdam ko ay may hindi sya sinasabi sakin, feeling ko hindi lang yun ang dahilan kung bakit hindi sya umuwi ng bahay kagabi.
Kilala ko si kuya, Hindi nya gustong dinadamay kami sa problema nya. Ayaw niyang pati kami ay mamroblema sa problema nya. Pero kahit na ganon ang gusto nya ay gusto ko parin syang tulungan, gusto ko parin masiguro na ayus lang ang lahat.
Buong buhay ko sya at si kuya Jimpee na ang naging sandalan ko sa buhay, sila ang kumukumpleto sa pagkatao ko. Sila ang tumatayong pangalawa kong mga magulang. Sila ang nagbibigay sakin ng lakas sa tuwing mahina ako. Sila ang sumusuporta sa lahat ng pangangailangan ko, At higit sa lahat hindi sila kailan man nagkulang sa pagmamahal na binibigay nila sakin.
Bawat oras, bawat minuto, bawat araw na dumadaan ay naipaparamdam nila sa'kin kung gaano nila ako kamahal. Ramdam ko kung gaano ako kahalaga sa kanila sa pamamagitan lang ng pagpapakita nila sakin ng love and care nika. Naaappreciate ko ang mga ginagawa nila para sa'kin kaya gusto kong ibalik sa kanila ang mga 'yon kahit na sa pamamagitan lang ng pag damay sa kanila kapag malungkot o may problema sila. Kasi yun lang kaya kong maibigay sa kanila for now.
" Are you okay?" nag-angat ako ng tingin at nabungaran ko ang wala na namang emosyon na mukha ni Charles. Umupo sya sa tabi ko kaya umurong ako ng kaunti para magbigay ng space.
Nakaupo ako sa upuang kahoy dito sa may ilalim ng puno ng niyog, kanina pa'ko dito naka-upo. Nag-iisip.
"Hmm. May inisip lang ako." ngumiti ako sa kanya ng tipid.
"Halata nga. kanina ko pa kasi napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo." sabi nya saka ako nilingon.
" Iniisip ko lang yung kuya ko." nasabi ko nalang.
"Mm.. I See."
Mahabang katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Hanggang sya na ang nag open ng pag-uusapan.
" Matagal na ba kayong magkakilala ni Mp?" Tanong nya kaya nilingon ko sya at natawa haha.
"Hahahaha"
"hahaha, What?" pati sya ay nahawa na sa tawa ko.
" Pati ba naman ikaw Mp ang tawag kay Ica?? hahaha" natatwa kong sabi.
" E yun kasi tawag ni Kevin sa kanya, saka hindi kasi ako matandain sa name. " nangangamot ng batok na aniya. Nahiya ata bigla hahaha.
" Hahaha. Sabagay. Kung siya nga ambilis makalimot e. " wala sa loob na naisagot ko. Nagkatinginan pa kami saka sabay na natawa.
" Mukhang may pinanghuhugutan ha? haha" sabi nya pa. Minsan talaga hindi ko maiwasan matulala sa kanya kapag tumatawa sya o ngumingiti manlang. Ang guwapo nya kasing tignan. "Natulala ka na naman, haha. " natauhan ako nang pitikin nya ang ilong ko. Ouch!
"Ang gwapo mo kasi pag nakangiti ka. Ano pa kaya kung tumawa ka?? hahah." totoo naman. Saka wala naman akong dahilan para hindi sabihin ang totoo. Ang tipong gaya ni Charles ay hindi yung pag pinuri mo, lalaki na agad ang ulo. Sya yung tipong mahihiya pa pag kinompliment mo.
" Sayo lang naman ako ngumingiti at tumatawa haha" nagulat ako sa naging sagot nya, maging sya ay nabigla. Mukhang hindi nya inasahan na lalabas yun sa bibig nya?
BINABASA MO ANG
HIS OWN DEFINITION OF LOVE
RomanceAno nga ba ang tunay na pag-ibig? Is it the love that is full of happiness and overwhelming feelings? Or is it a mysterious thing that is full of surprises? Charles Wayne Deguzman doesn't believe in love. He never fell in love with girls-not unti...