Chapter 16 - Gunman

439 69 5
                                    

WARNING!!!! may pagka Slight po ito..

Chapter 16

ICA'S POV

" Are you okay baby?" dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nabungaran ko ang nag-aalalang tingin ni Monggo sakin. Hindi agad ako nakasagot dahil  nanginginig parin yung mga tuhod ko! "Wala na sila. Safe kana." naka ngiti niya pang sabi. Kumawala ako sa pagkakayakap  sa kanya saka tumayo ng tuwid, hahakbang sana ako paatras para magbigay ng distansya saming dalawa pero di kinaya ng tuhod ko kaya ayun! bumigay.

whuaaaa! bat ang malas ko ngayong araw?!

"Ica!" mabilis ang ginawang pagkilos ni Monggo  kaya agad nya akong nasalo.

'sya nalang ba parati ang magliligtas sakin sa kapahamakan?'

sa takot na bumagsak ako sa sahig ay pinulupot ko ang dalawa kong kamay sa leeg nya, wala akong pake kung ano man ang isipin nya e sa ayokong makipag face to face sa sahig eh.

"Parang nangyari na ito dati? " mahinang bulong ni Monggo, Hindi naman ako nakasagot. Naptitig lang ako sa kanya, Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko! para tuloy akong maduduling.

Unti-unti ay palapit ng palapit ang mukha nya sakin hanggang sa magdikit na ang mga noo namin, hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala na talaga akong lakas, hanggang ngayon ay nanginginig parin ang mga kalamnan ko.

"I want to kiss you again. Again and again." nang-aakit niyang sabi habang nakatingin sa mga labi ko. Kinilabutan naman ang buong pagkatao ko ng sandaling sabihin niya yon. May parte sa sarili ko na gusto syang itulak palayo pero ayaw makisama ng mga kamay ko ni hindi ko nga magawang igalaw maski isang paa ko, kamay ko pa kayang naka pulupot sa leeg nya??

Ang lumilipad kong utak ay nabalik sa reyalidad ng maramdaman kong dumampi ang labi nya sa labi ko! hindi ko alam pero para akong natuod sa kinapupwestuhan ko! wala akong ibang nagawa kundi ang mapa pikit nalang at magpaubaya sa kanya! hindi ko man gusto ang nangyayari pero alam ko sa sarili ko na nagugugustuhan ko ang paghalik na ginagawa nya!

'paano ko ba lulusutan ang kabaliwang pinaggagawa ko?'

natanong ko nalang sa isip ko

"Ica..." sa kalagitnaan ng ginagawang paghalik sakin ni Monggo ay nabalik ako sa ulirat at naitulak sya palayo sakin. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na yon, basta nalang gumalaw ang mga kamay ko at kusang putulin ang anong mang ginagawa namin!

NASA LABAS SI PRENNY!

"Ica... Gising kana ba??" muling tawag ni Leslie sa baba. Kinakabahang nilingon ko si Monggo na hanggang ngayon ay bakas parin ang pagka gulat sa mukha.

"Pano na to?? nasa baba si Leslie?" natataranta kong tanong kay Monggo na ngayon palang nabalik sa huwisyo. Tsk, Mongoloid talaga.

"A-aalis nako." parang wala pa sa sariling tugon nya. Lalabas na sana sya ng  pinto ng hilahin ko sya pabalik.

"Sira ulo ka ba? Kasasabi ko lang na nasa baba si Leslie tapos baba ka rin? Gusto mo bang malintikan tayo pareho? " inis kong sabi. Mukhang naintindihan naman nya ang ibig kong sabihin at bumalik sya sa kinatatayuan nya kanina.

"O e pano yan?" tanong nya pabalik. Inismiran ko sya dahil nabibwisit ako sa mga tanong nya.

"Tumalon ka dyan sa Terace nang mamatay kana bwisit ka, leche ka! sino ba kasi me sabi sayong halikan mo ko? ninakaw mo na nga yung first kiss ko, ninakaw mo pa pati yung second kiss ko! iba ka rin sa dale e no? " inis kong sabi.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon