WARNING!!!!!Chapter 20
Leinard's POV
Hi guys! ito ang unang beses na magkaka POV ako, so sana magustuhun nyo ang madugo kong kwento hahaha
Anyway. Thank you nga pala kay Author dahil naala nya ako bigyan ng POV hahaha. So let's start myyyyy so Godamn heart breaking PoV hahah choss.
"Kuya, may 4 days trip kami ng mga kaibigan ko tom, so 'wag nyo na akong intayin ha Love you! " si Leslie sa kabilang linya. Tinawagan ko sya kasi nag-aalala ako bakit hindi pa sya umuuwi pasado 12 na ng gabi.
'Ngayon lang sya hindi nagpaalam sa'ming dalawa ni kuya Jimpee na hindi pala sya uuwi at ang mas malala pa ay 4 days pa pala yun. Hyyy lumalaki na talaga sya. '
Simula palang ay samin na lumaki si Leslie, bata palang kasi kami nung iwan kami nila mom and dad, Naiwan kamin kay yaya Cell. Naisipan nilang magtayo ng negosyo sa ibang bansa para daw mabilis ang palo ng pera.
'Pero hindi nila naisip na maiiwan kami ditong mga anak nila.'
Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan nilang umalis at gawin 'yon, pero sana maintindihan rin nila na kailangan din namin ng pag-aalaga at pag-aaruga ng isang magulang. Oo nga nasa'min na ang lahat, nakukuha namin ang mga bagay na gusto namin, nabibili namin ang mga gusto namin bilhin, pero hindi matutumbasan ng lahat ng 'yon ang pagmamahal ng isang magulang na hinihingi namin. Hindi ng ano mang bagay makukumpleto ang pagkatao namin kundi ang pagmamahal lang ng isang Magulang. Sila lang ang makakagawa non, wala ng iba.
"Mag-iingat kayo riyan, Princess. Sige na matulog kana. Love you." saka ko na binaba ang phone.
Actually guys nandito ako ngayon sa Condo ko, nag-aayos ng room. Nalagyan ko na ng petals ang Bed ko na pakorteng puso, nakapag tirik na rin ako ng mga candles sa may ibabaw ng table then sa gitna non ay picture frame namin magkasama ni Moira, may mga balloons din na nakasabit sa bawat sulok ng kwarto ko, kulay pink and white ang mga kurtina na nilagay ko dahil paburito nya 'yon, then sa may kisame naman ay may mga sinulid na nakadikit pababa, sa dulo non ay may maliliit naming mga litrato.. At ang Pinaka nasa gitna ng pader ng kwarto ko ay may nakasulat na..
"WILL YOU MERRY ME?"
Yes, today is our 4th Anniversary. Gaya ng sinabi ko kay Leslie ay mag popropose ako kay Moira. And this is it! excited na ako sa magiging reaksyon nya!
So come with me guys! let's go to Moira's House! sunduin natin sya.
Nasa cotse na ko ngayon guys, at habang tinatahak ko ang daan papunta sa bahay ni Moira ay lalong kumakabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba at saya! well, alam ko naman na hindi ako tatanggihan ni Moi dahil alam kong mahal na mahal nya ako, at ganon din ako sa kanya, kaya wala akong dapat ika kaba.
'Mahal ka nya kaya Yes ang isasagot nya sayo okay, kaya chill ka lang. wag kang kabahan'
Yun ang palagi kong sinasabi sa sarili ko para mawala ang kaba ko sa dibdib.
Ang pagmamahal ko para kay Moira ay walang katumbas, sa loob ng apat na taon na kasama ko sya ay kaylan man hindi ako nakaramdam ng pagsisisi. Never kong naisip na iwan sya, never kong naisip na saktan sya, Dahil iisipin ko palang na gagawin ko ang mga bagay na yon sa kanya ay di ko na kinakaya.. Makita ko lang syang umiiyak ay parang dinudurog na ang puso ko.
BINABASA MO ANG
HIS OWN DEFINITION OF LOVE
RomanceAno nga ba ang tunay na pag-ibig? Is it the love that is full of happiness and overwhelming feelings? Or is it a mysterious thing that is full of surprises? Charles Wayne Deguzman doesn't believe in love. He never fell in love with girls-not unti...