CHAPTER 8 - Protective Brodah

691 138 36
                                    

Chapter 8

LESLIE'S POV

NANG mahanap na namin si Sheshe ay agad akong naka hinga ng maluwag. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko sa dibdib ko kanina, natakot ako lalo na nang marinig ko syang sumisigaw. Ngayong nahanap na namin sya at maayos na sya ay kampante na rin ang kalooban ko.

Butttttttttttttt...........

OKAY na sana KASO biglang tumibok na malakas ang puso ko! nakaramdam ako ng Inis, nag-init bigla ang ulo ko, parang nawala bigla ako sa mood, parang ayaw nang mag function ng buong katawan ko Nang makita ko ang isang nakakairitang mukha, nakakainis na ngisi, at ang nakakabugnot nyang facial expression.

Si MR YABANG ay kasama pala nila Chris? if I'm not mistaken christopher ang pakilala nung lalaking tinulak kanina ni Ica.. Ang pwesto kasi namin ganito.

si Sheshe ay naka tayo at nakasandal sa may puno habang nasa harap naman nya si Chris, then next to Christopher ay si Reylie, Kevin then yun si MR YABANG na Charles pala ang name tsk.

Saming girls naman ay Si Mel ang nasa unahan which is katabi ko, Nasa gilid ko naman si Ica na nakikipag bangayan dun kay Reylie.. Bali ako ang naiipit at naririndi dahil nasa gitna ako Bwisit!

"Wala! Wala akong pinaglalaban. Unless gusto mong ikaw ang ipaglaban ko?? " rinig kong sigaw ni Reylie kay Ica. Nilingon ko naman ang kaibigan ko at ayun nakangangang nakatulala sa kabangayan nya, tsk.

'Edi nakahanap ka ng match mo? '

Ang daldal kasi.

"A-ano bang pinagsasabi mo riyan! wag ka nga feeler!" sagot ni Ica nang maka recover na. Hhahaha halatang kinilig to eh.. Tinamaan ata ang loko.

"o edi na tam----"

"Pwede ba!" Hindi na natuloy ni Reylie ang sasabihin nya sana ng may biglang mag salita. Lahat ng paningin namin ay natuon sa taong yon. Kay MR YABANG! salubong na salubong ang kilay.

Anyare dito?

" Kung magbabangayan lang din kayo wag dito sa harap ko ang sakit nyo sa tenga!" dagdag na sigaw nya pa.

" O edi takpan mo yan tenga mo!" sigaw pabalik ni Ica. Naglakihan naman ang mga mata nung kaibigan ni Mr yabang sa sinabing iyon ni Ica.

Ehhh?

"Ho-oy! MP! A-ano bang pinagsasabi mo j-jan! " parang naintakutan naman na sigaw ni Reylie kay Ica. Ang kaibigan ko naman ay tinaasan lang sya ng kilay. Dahan dahan kong Inilipat ang tingin ko kay Mr yabang at doon ko nakita  ang napaka dilim na anyo nya. Nangilabot ako sa itsura nya! kitang kita ko ang galit nyang mga mata.

"Ano ba kasing pakielam ko e hindi ko naman kayo kilala mga wala naman kayong silbi." alam kong boses yon ni Ica pero diko parin inaalis ang paningin ko kay Mr yabang. Nasaksihan ko ang mabilis na pagbabago ng anyo nya. Ang blangko at walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng galit at hinanakit, kalungkutan at inis. Halo-halong emosyon ang nabasa ko sa mga mata nya kahit na panandalian lang.

"Charles!"

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang sigaw nilang iyon. Bahagya pa akong nagulat ng makitang nasa tabi ko na si Mr Yabang! hindi ko alam kung panong nangyari yon! hindi ko sya napansin naglakad palapit sakin!

"B-bitawan moko! a-ano ba! na-nasasaktan ako!! " gulat kong ibinaling ang paningin ko kay Ica na nahihirapan ng magsalita at doon ko lang din namalayan na sakal sakal na pala sya ni MR yabang!!!

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon