Chapter 19 - His Laugh

452 56 10
                                    


Chapter 19


LESLIE'S POV

Matapos suriin ang Box na pinadala ng kung sino ay tinignan ko kung anong laman non'.

"Pictures? chocolates, roses? and letter?'

Para saan naman ang mga 'to?

"Uyyyy penge whoah! ang galante naman ng secret admirer mo hahaha pang susyalin ang mga Chokolate nice! nice!" tinampa ko ang kamay ni Ica ng tangka nyang kunin yung mga chocolates na nilabas ko galing sa box, tsk. Pano kung may lason yan?, " Ang damot naman neto parang isa lang eh.." nakangusong ungot nya.

"Bessy... Hindi pa naman natin alam kung kanino ba talaga galing 'to. Pano kung nilagyan pala ng lason yang chocolate?? edi mas nauna kapang namatay kaysa saking pinadalhan?" inis kong sabi saka binalik sa box yung mga chocolate.

" E ba't ka naman ba kasi papadalhan ng chocolate na may lason?? ano yun, trip trip lang ganon." pangangatwiran nya.. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit may nagpadala sakin ng mga ganito. Bakit hindi nalang sya lumapit sakin at sya mismo ang mag-abot? kung nahihiya naman sya bakit hindi nya sabihin ang pangalan nya gamit ang letter, diba? namimisteryohan lang ako.

"Ewan ko. Pero baka nahihiya lang lumapit sakin kaya dinadaan nalang nya sa pagpapadala ng kung ano-ano gaya nito." nasabi ko nalang. Hyyy. Ayoko ng mag-isip masakit na ulo ko hahah.

"O baka naman... Nandyan lang sa tabi-tabi, nananahimik, pasulyap-sulyap, nakaw tingin, Hmmm." kunwaring nag-iisip na ani Sheshe habang may malapad na ngiting naka display sa labi.

"Oo nga Hahaha.. Parang nangangamoy seryoso tuloy, naiimagine ko na cold ang personality nya. Tingin mo, Mel?" dagdag pa ni Ica. Nangunot naman ang noo ko dahil di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Malay ko. Ano ba 'yon?" wala ring alam na ani Mel. Parehas kaming walang clue.

"Parang ang sarap mambatok, no Shie?? obvious na obvious na e. Ang sarap isako ng nag-ngangalang MELANIE. kilala nyo ba 'yon?" naka face palm na ani Ica, si Shiela naman ay natawa dahil sa itsura ni Ica.

Ako? NAKATINGIN LANG SA KANILA! huhuhu wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila.

"Uy ako! Ako yun! Melanie first name ko, hihihi. Pero bakit mo isasako yung name ko? Maglalaro tayo? anong game? Sali ako hihihi" excited na sabi ni Mel. Si Ica? Napasapo nalang ng noo.

"Anak ng tipaklong, masasalvage kana pala't lahat iniisip mo parin GAME? are you with us? parang nasa kabilang planeta pa yung utak mo eh " nakangiwing sabi ni Ica kay Mel.

" Teka nga. Teka.. Ano ba kasing pinag-uusapan nyo?" singit ko na sa usapan.

" Wala. Slow lang talaga yung isa dyan. Pero yieeee.. Mukhang may clue na kami kung sino yang secret admirer mo, hahaha." kinikilig pa na sabi ni Ica.

"SINO?" sabay na tanong namin ni Mel.

"Hindi pa naman sure, hehehe. Aalamin ko palang." napabuntong hininga nalang ako sa sinagot nya.

Matapos ang klase namin ng pang-hapon ay nagpalabas na ang Lecturer..

"Uyy Les, bilisan mo dyan, susunduin pa natin si Ica sa pp2 Building." ako ang nahuling mag-ayos ng gamit dahil natagalan talaga ako sa pagsusulat kaya heto ako ngayon at minamadali nila.

"Ayan tapos na. " sabi ko saka na tumayo at sumabay sa kanila palabas ng classroom.

Hindi naman sobrang layo ng Building nila Ica pero nakakatamad talaga maglakad. Alam mo yung tipong wala pang isang kilometro yung nilalakad mo pero pakiramdam mo e pagod na pagod kana? nangangalay na yung paa mo? tapos feeling mo ang layo-layo na ng nilalakad mo pero ang totoo e wala pa ngang isang daan na hakbang ang nahahakbang mo? gizzz ganon ang pakiramdam ko ngayon, ang tamad tamad kumilos ng katawan ko!

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon