Chapter 17 - Message

518 67 29
                                    

Chapter 17

KEVIN'S POV

MATAPOS ang Lunch Break namin ay bumalik na kami ng Room.

"Ano dude? ganyan na ba ang LARO'ng sinasabi mo para sayo? Bwuahahaha Para ka ng tinamaan kay Danica dude! haha" tapik sakin ni Reylie. Nginisihan ko naman sya. 

"Kilala mo ko dude." nakangising tugon ko. 

"hahaha, sabi mo eh. " tumatawang aniya.

Nandito kami ngayon sa rooftop dito sa fifth floor ng building namin. Tambayan na namin to mula pa noon.

"Yung totoo, Kev. May gusto kana ba kay Danica?" nagitla ako sa deretsong tanong na iyon ni Charles. Minsan na ngalang magsalita, straight to the point pa. Lakas ng impak non dude!

"Wala ah." agad na sagot ko naman. Wala naman kasi talaga, yung mga pinapakita at ginagawa kong pagpapapansin kay MP ay puro pang titrip lang yun mga yun at alam yun ng buong tropa.

"Siguraduhin mo lang, tsk. " pasiring niyang tinanggal ang paningin nya sakin saka bumaling kay Chris. "Ikaw? may gusto ka ba dun sa isa nilang kaibigan?" deretsong tanong nya. Prangka talaga amp.

"Sino don? " maang na tanong ni Chris kaya natawa ako. Masyadong obvious hahaha

"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Christopher." seryosong ani Charles.  Napabuntong hininga naman si Chris. 

"Hmm. Si Shiela." sagot nya.

"Aruyyyyy sabi na ehhhh tinamaan to eh!! hahahaha " sigaw na pang-aasar ko. Tiklop ang quing ina!.

"Reylie?" baling naman ni Charles kay Rey. Muntikan pang mahulog si Rey sa kinauupuan nya dahil sa biglaang pagtawag sa kanya ni Charles, hahahaha.

"Ano? bakit?" natataranta agad nyang sabi. Kabado bente ang peshengene

"BWUAHAHAHAAH kabado Bente to hahahaha" bunghalit kong tawa.

"Sino sa dalawa? Kay Shiela daw si Chris, ito namang gunggong na in denial na 'to ay kay MP nya. Dalawa nalang ang natitira, kanino ka kako don? apat lang naman sila diba?" direkta talagang tanong nya. Sa mga tanungan ni Charles ay wala ka talagang lusot, wala kang ibang choice kundi umamin nalang, tsk. Mautak talaga. Palibhasa ay galing sa pamilyang Deguzman.

"Akin na lang si Melanie.  Hehehe ang kyut nung isang yun, ang hinhin masyado."

"Hindi ko kayo binabawalan sa kung ano man ang gusto nyong gawin. PERO tandaan nyo, iba ang pamumuhay na meron kayo kumpara sa kanila. Hindi ko sinasabing ihinto nyo pero sana maisip nyo kung anong maaaring maging kapalit nyan-- na sana aware kayo sa maaaring maging buhay nila kapag naging parte sila ng buhay nyo.  " seryoso nyang sabi. Natahimik naman kaming tatlo. Alam namin kung ano ang tinutukoy nya.. At isa yun sa mga dahilan kung bakit iniiwasan ko ang pagkakaron ng commitment. Isa sa mga dahilan kung bakit naging player ako aside sa ex ko.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon