Chapter 25
Leslie's POV
It's been two weeks nang ma ospital ako. Umuwi rin kami right after kong ma discharge, natakot kasi kami na baka maulit ulit yung nangyari or baka balikan kami nung mga gustong dumukot samin.
Mahirap na.
Sa nakalipas ding dalawang linggo ay hindi rin huminto ang nagpapadala sakin ng mga itim na box. Sa katunayan ay mas napadalas pa nga. Maya't maya ang dating ng box. Break time, vacant class, kahit lunch break ay meron. Hindi ko alam kung pa'no nya nalalaman kung kelan kami bakante at walang lecturer. Worst is pizza ang mga pinapadala nya na kinaaadikan ko.
Kahit na ganon ay hindi ko ginagalaw alin man sa mga padala galing sa hindi kilalang tao o kung sino man ang nasa likod ng lahat ng 'to. Iisang Address lang nakikita namin nila Ica, mga numero.
Hindi ko alam kung yun ba ang address nung nagpapadala o number lang iyon ng LDC. Kada box ay yun ang nakalagay tapos pangalan ko.
Nasa rooftop kami ngayon ng building BFF. Ewan ko dito kay Ica kung pa'no nya natunton 'tong lugar na 'to. Nandito kami ngayon dahil wala pa ang susunod na teacher.
"Ayos na ba yang binti mo?" napalingat ako sa pagkaka-tanaw sa malayo nang kalabitin ako ni Ica.
"Hmm. Ayos naman na. Salamat. " umalis ako sa pagkaka sandal sa pasimano ng rooftop at hinarap sila.
" Sino ba kasi ang mga 'yon? bakit nila tayo gustong dukutin? saka ano bang naging atraso natin sa kanila at parang desidido talaga silang makuha tayo?" alam kong kinakabahan si Ica nang bitawan nya ang mga salitang 'yon. Sa itsura palang niya ay bakas na ang takot at pangamba. Sa nararamdaman pa kaya nyan?.
Hindi naman sa hindi ako takot., Natatakot rin naman ako para sa sarili kong kaligtasan. Nung isang araw ngalang may isang naka motor siklo ang huminto sa harap ko at hinila ako buti nalang at nabawi agad ako ni Ica at nakatawag ng tulong, kundi baka nakuha na nila ako.
Kaya ngayon napapaisip kami kung bakit may gustong dumukot samin. Bakit nila kami gustong dukutin? anong kailangan nila samin? Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko pero hindi ko alam kung pa'no masasagot.
Masyado ng nagiging komplikado ang lahat.
"Hindi ko rin alam. Wala naman akong maalala na nakaaway ko." Pagkaraan ay sagot ko.
"Hindi kaya si Margaret ang may gawa nito?" napalingon kami kay Mel nang bigla syang magsalita.
"Pano mo naman nasabi?" tanong ko.
" Eh sya lang naman naiisip kong may galit sakin. Saka sya lang naman ang nagbanta satin diba? natatandaan mo pa nung matapunan ko sya ng sauce ng spaghetti ko? " sagot nya. Tumango naman ako. Natatandaan kopa yun, do'n ko sya unang nakilala.
Napaisip ako sa sinabi nya pero wala akong makitang ibang dahilan para makagawa sya ng ganon kasamang bagay. Saka isang beses lang naman nangyari yun, hindi na naulit.
"Pero wala tayong ebidensya na sya nga talaga ang may gawa non, or kung sya nga talaga ang gustong mag pa dukot sa'tin-- anong dahilan nya?? ang OA naman nya masyado kung dahil lang 'yon sa sauce na natapon mo sa kanya." pagpupumilit ko. totoo naman.
"Edi tanungin natin sya kung may kinalaman ba sya sa siya sa nangyayari satin, jusme problema ba yun." sabat ni Ica.
"Baka magsabi 'yon ng totoo?? sinong eng-eng ang aamin sa kasalanan nya, aber? " sabay na tanong naming tatlo.
' linya na namin yan dati pa pag di ginagamit ni Ica ang utak nya at pabigla-bigla nalang bumabanat. Pati tuloy si Melanie nakabisado na haha.'

BINABASA MO ANG
HIS OWN DEFINITION OF LOVE
RomantizmAno nga ba ang tunay na pag-ibig? Is it the love that is full of happiness and overwhelming feelings? Or is it a mysterious thing that is full of surprises? Charles Wayne Deguzman doesn't believe in love. He never fell in love with girls-not unti...