Chapter 3

451 16 1
                                    

Jea's Pov

*blink*

Tingin sa whiteboard

*blink*

Tingin sa notebook

Whiteboard ulit.

Notebook naman.

Tss.

Paano ako susulat?

Di ba pwedeng excuse na lang ako?

May quiz bukas, Jea.

Sa lahat na pwedeng masugatan, sa left hand ko pa.

Paano ako makakasulat nito? Si Jerome kasi.

Napatingin-tingin ako sa mga kaklase ko na busy sa pagsusulat. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. Papatulong kaya ako sa kanila? Tss. Makaka-istorbo pa ako ng tao nito.

Napalingon ako at nakikitang nakatingin sa akin si Jerome na ngumingisi.

Tss.

Kasalanan mo ito. Kasalanan mo talaga! Ugh.

Nakasarado ang notebook niya habang hawak hawak ang ballpen niya. Nilalaro pa nga niya ang ballpen niya.

Tapos na siya?

Bilis naman.

Umiling-iling siya at tumayo. Anong gagawin nito. Wala namang teacher sa klase dahil lumabas si sir.

Lumapit siya sa tabi kong upuan na nakaupo ay isa kong kaklase.

Dahil sa ginawa niya, napatingin naman ang mga kaklase ko kay Ponce.

Tss.

Papansin.

"Pwede ba akong umupo sa tabi ng girlfriend ko?" Nabigla ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Kagaya nila, nakanganga na rin ako.

"Ahhhh. Oo naman." sabi ni Daphne, kaklase kong adik kay Ponce.

Napatingin ako kay Liza. Nakakunot ang noo niya.

"Ano ito? Explain!" Liza mouthed me.

"Mamaya." I mouthed her. Tss. Si Ponce kasi eh!

"Pssst." Rinig kong sabi ng katabi ko. Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo ko.

"What?" tanong ko na pabulong. Ngumisi lang siya at kinuha yung notebook ko.

"Tapos na ako. I'll write for you." sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"No. Kaya ko ito." sabi ko naman at kinuha pabalik ang notebook ko.

"Really?" tanong niya na nakataas ang kanang kilay.

"Oo." taas noong sagot ko.

"Paano? Gamit ang kanang kamay mo?" tanong niya.

Doon ko naalala na may sugat pala ang kaliwang kamay kong naka-band aid na.

Left-handed kaya ako.

*gulp*

"Tss. Whatever." sabi ko at tumingin sa harapan.

"Tinutulungan na nga, ayaw pa." sabi niya at kinuha ulit ang notebook ko. Nagsimula naman siya sumulat.

"I don't need your help and FYI, your handwriting is ugly." sabi ko. Tinignan niya ako na parang nagulat pa siya.

"Sa naririnig ko, maganda ang handwriting ko kahit na lalaki ako." sabi niya.

"If I say ayaw ko, ayaw ko. Gets?" inis na tanong ko. Ngumisi siya at ibinalik niya sa desk ko yung notebook.

"Okay. Kung iyan ang gusto mo." tumayo siya at bumalik sa upuan niya.

Huh?

Give up na siya?

Psh.

First time ito ah! World Record!

Hinayaan niya lang ako kung ano ang gusto ko kaya lang, hindi ako makasulat.

Tss

Paano na ito?

---

Tapos na ang klase at nakatingin pa rin ako sa notebook kong may isang letter.

Ugghhhh.

Susulat pa iyong Ponce na iyon, isang letra lang. Letter M pa.

Asar naman oh.

"Hey, kayo na pala?" Napatingala naman ako. Napalunok ako.

Patay. Hotseat.

"Ah. Yeah?"

"Anong yeah? Di ka sure?" tanong naman ni Michelle.

"Nahihiya lang siya." Nakikita kong lumalakad papalapit sa akin si Ponce. Tss. Anong nahihiya ako?

Kinuha niya yung bag ko at hinawakan yun. Ano ang ginagawa ng baliw na ito?

"Tara na babe. Ihahatid na kita sa inyo. Delekado kasi kapag gabi na." Sabi niya sabay
Ano raw?

Babe?

Tss.

"Ah. Okay Mr. Jerome. Ingatan mo itong bestfriend namin." sabi ni Michelle at ngumiti ng nakakaloko.

Hayy.

Naman oh.

Lumalakad sila patungo sa labas habang ngumingiti ng nakakaloko at tumatawa pa.

Hmp.

Inis na ako.

"Tara?" Tiningnan ko lang siya at kinuha yung bag ko sa kanya.

"You're just using me, right? Bakit tinotoo mo?" tanong ko.

Ngumisi siya.

"I'm not. Kapitbahay mo si Elisse, that's why I'm doing this." sabi niya.

*gulp*

Oo na!

Ako na ang napahiya tuloy ako.

"So, tara babe." Kinuha niya ulit ang bag ko pero nauna na siyang lumakad.

Tss. Sana nga madapa ka! Ugh

---

Can I? (Completed) (Jernella Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon