Jea's Pov"Habang buhay ka na lang ba magkukulong dito sa loob?" tanong ni Michelle na kakapasok sa loob ng kwarto ko. Pinahiran ko naman ang luha na tumutulo sa mata ko. Ngumiti ako sa kanya kaya nilapitan niya ako at niyakap.
"Jea naman." sabi niya. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Wala na Mich. Wala na talaga." bulong ko. Mas humigpit pa ang yakap ni Mich sa akin.
"Jon said na umalis na si Jerome. Pumunta na siya sa Canada." Napapikit ako sa sinabi ni Mich.
Wala na siya, wala na talaga.
"Tss. Ano ka ba Jea, tumayo ka naj nga diyan. Wake up honey! Wag ka nang magkulong dito. Bihis na bilis. Punta tayo mall." rinig kong sabi Julia. Napangiti naman ako.
Napatayo ako at napatingin sa mga kaibigan ko.
"Okay okay." sabi ko at lumapit sa closet ko.
"Sa labas lang kami Jea! Maghihintay kami downstairs!" paalam ni Liza. "And wait, tandaan mo, may maraming forever."
Nabigla naman ako sa sinabi niya pero napangiti na lang ako.
*iling iling*
Baliw talaga ang mga kaibigan ko.
Biglang nawala ang ngiti ko nang lumabas na silang tatlo.
Napaupo ako sa kama at nagsimula na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
Come on Jea.
Move on.
It's over.
Done.
Wala ng forever.
Everything happened na.
There's no happy ending.
Kahit happy, wala na.
Napapikit ako at pinahiran ang mga natutulong luha sa mga mata ko.
*knock knock*
Agad akong napatayo at pumunta sa pinto.
"Coming." sabi ko. Nagulat ako nang nakita ko si Elisse na nakatayo.
"Hi." bati niya na nakangiti. Napatingin ako sa paligid at napatingin ulit sa kanya.
"Hi." mahinang sabi ko. Why is she here?
"Uhmm, come in." sabi ko. Ngumiti siya sa akin at umiling.
"Mabilis lang ito." sabi niya.
Ah okay.
Napatango naman ako. Of course, may konting galit pa rin ako sa kanya pero nangingibabaw pa rin ang jealousy kahit wala na talaga.
"I'm sorry Jea. I'm so, so sorry." sabi niya. Ngumiti naman ako.
"It's okay Elisse." sabi ko.
"Uhmm, salamat sa pagpunta dito. Bye." Agad kong isinirado ang pinto.
"Wait Jea, I know where he is." rinig kong sabi niya. Napahinga ako ng malalim.
"Wala na kami Elisse. I don't care anymore." sabi ko. Even though na hindi talaga kami oficially over, wala na talaga.
---
*mall*
"Tulala ka diyan." Napatingin ako kaagad kay Julia at ngumiti.
"Kanina pa tayo umiikot dito pero bakit ka pa rin nakatulala?" tanong ni Mich. Umiling lang ako at nagkibit balikat.
"I guess na nasa Mars ako." sabi ko. Napatawa sila at niyakap nila akong tatlo.
"Group hug!" sigaw ni Liza.
Napangiti naman ako.
"Salamat talaga guys." sabi ko.
----
A.N.
Hey. Hi. Hello.