Chapter 22

226 12 1
                                    

Thursday

Pov ni Jea

Wednesday kahapon at siyempe, magkasama na naman kami ni Jerome. Eh kaso lang, may malalim siyang iniisip at kapag tatanungin ko naman siya, iniiba niya yung topic. Parang iniiwasan niya.

*buntong hininga*

*tok tok*

Napatayo ako kaagad at pumunta sa pinto para buksan iyon. Nakita ko si mom na nakaayos na, sigurado ako magma-mall ito at iiwan niya ako dito sa bahay mag-isa.

*pout*

Kakauwi nga lang niya galing Cebu, iiwan niya na naman ako.

"Mom, bakit po?" tanong ko na nakangiti. Tinaasan ako ni mom ng kilay at ngumingiti siya ng nakakaloko.

Okaaaaay.

"Ahh, what's happening po?" tanong ko. Ngumiti siya muna bago sumagot.

"Nasa ibaba si Jerome. Kayo ha, baka noong wala ako, kung anu-ano ang ginagawa niyo." Napairap ako sa sinabi ni mom at ningitian ko siya.

"Come on mom, we won't do that." sabi ko with hand gestures pa. "Oo nga pala mom, don't tell me aalis ka na naman." sabi ko. Ngumiti lang si mom and she gave me a peck on my right cheek.

"I am going to meet someone." sabi niya. Tumango na lang ako at bumaba na si mom. Napatingin naman ako sa ilalim and nakita kong nag-uusap sina mom at Jerome, agad naman ako pumasok ulit sa loob ng kwarto ko at isinirado para magbihis.

"Je! Pasok ako sa kwarto mo!" rinig kong sigaw niya sa labas. Ang bilis naman ng conversation nila ni mom.

"Nagbibihis pa ako! Sa baba lang tayo mag-usap!" sigaw ko pabalik.

"Ayaw ko! Gusto ko sa loob ng kwarto mo! Bilisan mo! May spare key ako!" Napairap ako sa sinabi niya.

"Paano ka magkakaroon ng spare key kung--- Waaah! What the?! Bakit mo binuksan yung pinto? Mabuti na lang at nakabihis ako." inis na sabi ko sa kanya na nakasimangot din. Ngumisi naman siya.

"Sayang." rinig kong sabi niya. Agad ko siyang nilapitan at hinamapas.

"Pervert!" sigaw ko. Tumawa lang siya ng tumawa.

Geez. Nakakainis.

"Tss. Why are you here?" tanong ko. Napatigil siya sa pagtatawa.

"Grabe naman itong baby ko. Binibisita na nga, nagagalit pa." sabi niya. Agad ko naman iniwas ang tingin.

Geez. Feeling ko namula ako sa sinabi niya.

"Eh bakit nga?" tanong ko. Kunwari galit ako. Konting actingan lang.

"Alam mo namang namiss kita. Eh bakit ba kasi holiday ngayon? Ayan tuloy, hindi kita maihatid sa school at hindi pa kita makakasama." sabi niya na nakapout.

Aw. Bakit ang cute?

"Tss. Labas na nga." sabi ko at tinulak siya. "Doon, tayo mag-usap." sabi ko pero tumigil siya at humarap sa akin kaya ang lapit namin sa isa't isa.

*gulp*

Napangisi siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ang bango niya.

Nabigla na lang ako ng niyakap niya ako.

"Ang bango mo." sabi niya. Napangiti naman ako.

"Ponce, labas na nga." sabi ko at tinulak na siya. Ningitian niya lang ako at umiling. Bakit ba kasi pasaway ito?

"Jerome naman, sa lab." Napatigil ako sa pagsasalita ng nag-ring yung phone niya. Kinuha niya yung phone niya sa bulsa at napatingin sa akin.

Tumango ako at ngumiti. Lumabas naman siya para sagutin yung tawag kaya umupo na lang ako sa kama ko.

Pero ewan ko, parang curious akong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila ng taong kausap niya pero alam kong kailangan ni Jerome ng privacy.

Napatayo ako at napatingin sa door knob.

Anong gagawin ko?

Bigla na lang ako pumunta sa pintuan at binuksan iyon.

Wala naman si Jerome sa labas kaya lumakad ako ng konti para hanapin siya. Nakita ko naman siya sa terrace na may kausap pa rin sa phone niya. Lumakad ako papalapit sa kanya.

"Dad, ayaw ko nga pong magpakasal sa iba." Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

Magpakasal?

"Dad, may girlfriend na po ako at mahal na mahal ko po siya."

Hindi ako umimik at tinitingnan pa rin si Jerome na nakatayo lang habang kinakausap pa rin ang daddy niya.

"Dad, I won't marry that girl and this is final. I know that it's for the sake of our business pero no. Ayaw ko."

Napalingon ako kaagad at tumakbo na pababa.

Ikakasal si Jerome?

Ito ba yung pinaproblemahan niya?

H-hindi man lang niya sinabi sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta sa ngayon, gusto kong mag-isa.

Can I? (Completed) (Jernella Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon