Jea's Pov
"Uhmm guys, what are we doing here?" tanong ko kina Liza habang pababa kami ng sasakyan. "Bibisitahin natin yung babaeng nahulog sa bangin?" tanong ko.
Nasa harap kami kasi ngayon ng St. Vincent Hospital. Dito kasi dinala yung babaeng nahulog sa bangin na nakita namin habang papunta kami sa airport. Susunduin kasi namin sana ang mga kamag-anak ni Julia.
"Yeah." sagot ni Mich kaya napatingin ako sa kanya.
"Huh? Mas nauna pa kaya tayo sa mabagal na ambulansya." sagot ko. Napangiti naman sina Liza sa sinabi ko kaya napakunot ang noo ko.
"Okaaay. What's happening?" tanong ko.
"J-jea." Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang boses niya.
Kahit nakatalikod ako, alam kong siya iyon.
Kilalang kilala ko ang boses niya.
Kilalang kilala ko siya.
Napatingin ako kina Julia at tinaasan ko sila ng kilay.
"You need to talk to him Jea. You need to fix this fake relationship and make it real." Agad silang lumayo sa akin.
"What? Akala ko totoo ang lahat?" rinig ko na sabi ni Jon.
Hindi ako lumingon. May nararamdaman na lang akong lumalapit sa akin.
"I'm glad you are safe." mahina niyang sabi. Napakagat na lang ako sa labi ko dahil anytime, alam kong iiyak ako.
"J-jea, I'm sorry." Napalingon ako sa kanya at nakikita ko rin siya umiiyak.
Umiwas siya ng tingin.
"I-it was my fault too, Jerome." sabi ko at umiwas ng tingin din.
Sige Jea, iwas-iwasan niyo na lang ang tingin niyo ni Jerome.
"I'm sorry." mahinang sabi ko.
Nabigla na lang ako nang niyakap niya ako.
"Basta ang sa ngayon, walang nagyaring masama sayo. I can't live without you, Jea." Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi ni Jerome. Kumalas siya sa yakap at idinikit niya ang noo niya sa noo ko.
"Mahal kita." sabi niya at tiningnan ako ng malalim sa aking mga mata ko.
Napaiwas nama ako ng tingin.
"Mahal kita." ulit niya.
Psh. Ano ba yan. Naiilang ako.
Napakagat ako sa labi ko. Gosh, don't make me say those two words too.
"Tumingin ka nga sa akin, kinakabahan ako oh. Mahal kita." sabi niya. Parang may magnet ang mga mata niya na nakuha kaagad ang mga mata ko.
"Mahal din kita." bulong ko kaya ngumiti siya ng napakawagas. Napalaki naman ang mga mata ko, gosh, nakakahiya, sinabi ko rin iyon.
Nakita ko na lang na napatingin siya sa lips ko.
"Can I kiss you?" tanong niya. Nakangisi pa siya kaya napatawa ako ng konti. "Please." dagdag pa niya.
"Depende sayo."
Sige na nga, pakipot pa ako. Eh kasi, nakikilig ako.
Nakita ko naman siya ngumisi at ipinalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Malapit na.
Ipinikit ko na ang mga mata ko habang hinahawakan niya yung likod ng ulo ko. Dinadama ko na lang yung malakas na simoy ng hangin.
Malakas na tumitibok ang puso ko na pakiramdam ko anytime, sasabog na ito.
Eeeh. My gosh.
Napatigil kami nang biglang may nag-ring na phone. Napairap ako. Wrong timing.
"Tss. Sayang." Napangiti ako sa sinabi niya at napalayo kami ng konti sa isa't isa.
"Sagutin mo na nga. Bilis." sabi ni Jerome na nakapout.
"Opo boss." sabi ko na nakangiti at kinuha na yung phone ko. Napakunot naman ang noo ko at tiningnan si Jerome.
"Not mine." sabi ko. Nagulat naman siya ng konti at kinuha yung phone niya.
"Mine." mahinang sabi niya. Halatang, hindi niya ini-expect na may tatawag sa kanya. "and it's dad."
----
A.N.
Waaah! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa story na ito! hahahahahahahah.
Aha! Alam ko na. *evil grin*
May ipapatay ako sa story na ito.
Bwaahahahaha.
Dejoke. lol
Pero guys, tatapusin kong itong sad ending. JK. Sandali nga, magpapasalamat muna ako.
Salamat sa supports!!!! ^_^_^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/19791499-288-k161861.jpg)