Jea's Pov
Worst Saturday ever.
So boring.
Nakatulala lang ako s t.v. namin. Ughhh.
Narinig kong tumunog ang doorbell kaya napatayo ako.
Yes!
Nandyan na ang pizza ko! Agad akong lumabas sa bahay at binuksan ang gate.
"Anong ginagawa mo rito?!" inis na tanong ko habang namemewang. Imagine! Joseph Jerome Ponce is infront of me!
"Nag-deliver lang ako ng pizza. Ayaw mo ba?" sabi niya sabay pakita ng box of pizza. Kinuha ko iyon ng mabilis.
"Nasaan ang delivery man?" tanong ko habang nakasulubong pa rin ang dalawang kilay ko.
"Ako na ang nagbayad. Don't worry." sabi niya sabay wink. What the! Bigla kong isinirado ang gate.
"Hoy! Ayaw mo akong papasukin?" rinig kong tanong niya.
"I don't let strangers get inside of my house." sabi ko at pumasok na sa loob. Bahala siya. Inilagay ko na sa kitchen yung puzza ko at nagsimulang kumain. Hmm! Ang sarap. Narinig ko na lang ang lakas na patak ng ulan. Ay oo nga noh, mukhang bumabagyo ngayon.
Nagpatuloy pa rin ako sa pagkakain nang nag-vibrate ang phone ko. Binasa ko naman ang text
From: Ponce
Heto ako! Basang basa sa ulan! Walang masisilungan, walang malalapitan.
Sa hindi malamang dahilan, napangiti ako. Baliw talaha si Ponce pero wait, nababasa siya ng ulan ngayon?
*bzzt bzzt*
From: Ponce
Umuulan na naman sa bubong ng bahay.
Napakunot naman ang noo ko. Saan siya?
*bzzt bzzt*
From: Ponce
Salvador! I'm wet na oh! Wer na u? Need your help. Nandito ako sa labas ng bahay mo.
Napatakbo naman ako at kumuha ng payong. Lumabas ako sa bahay at nakita siyang basang basa sa ulan.
Nilapitan ko naman siya at ibinigay ang payong.
"Baliw! Bakit hindi mo binuksan ang payong, magkakasakit ka yan." sabi niya at agad binuksan ang payong.
"Ikaw kaya ang magkakasakit. Kita mo oh, basang basa ka na." sabi ko habang tinuturo siya.
"Eh kung ipinasok mo lang ako sa bahay mo, hindi sana ako mababasa ng ulan." sabi niya naman. Na-guilty naman ako sa sinabi niya. Kasalanan ko eh.
"Tss. Yakapin mo na lang ako. Ang lamig kasi." Niyakap niya ako kaagad kaya napabilis ang tibok ng puso ko.
Oh my gee. Hindi ako makagalaw and this feeling is so, so right.
I can't move.
Makayakap lang siya sa akin, sapat na ang araw ko.
What am I thinking?
"Sana umuulan na lang palagi, sana nababasa ako palagi, para makayakap kita." sabi niya sabay bitaw sa yakap. Ngumiti siya na halos hindi mo na makita ang mga mata niya. "Thanks for completing me Jea. Salamat at narati-"
Napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa likod namin na kumukunot ang noo.
"Elisse?" rinig kong bulong niya. Parang nahulog yung puso ko sa sobrang sakit.
"Elisse!" Napatakbo na lang siya sa direction ni Elisse. Napalingon naman ako at nakikitang sinasaktan ni Marlo si Elisse. Bigla na lang sinuntok ni Jerome si Marlo.
"Problema mo! Bakita mo sinasaktan yung babae?!" inis na taong ni Jerome.
"Ikaw ang problema ko!" sigaw ni Marlo at sinuntok si Jerome.
"Je, Marlo! Tigilan niyo ito." Nilapitan ni Elisse si Jerome na nakahiga sa sahig. Ang sakit, ang sakit sa pakiramdam. Kinuha ko yung glasses ko dahil blurred na ang paningin ko dahil sa ulan at dahil na din sa mga luha ko.
Napatakbo ako ng mabilis kahit hindi ko makikita ang daan. Umiiyak ako sa hindi ko alam na dahilan. Umiiyak ako.
Napahinto na lang ako at napaupo sa sahig. Ang sakit.
"Janella." Hindi ako tumingala. Umiiyak pa rin ako.
"Janella, it is me Jon, ano ang nagyayari?" Agad ko naman pinahiran ang mga luha ko. Si Jon pala.
"Ahh, Jon! Wala." sabi ko sabay suot ng glasses ko.
Ngumiti siya ng nakakalungkot. "If you need a friend, I'm here." sabi niya. Basa rin pala siya sa ulan. Napatayo ako bigla at niyakap siya. Umiyak ako ng umiyak.
"Shhhh. Everything will be fine." Kahit na kahapon ko lang siya nakilala, magaan ang loob ko sa kanya.
Jerome's Pov
"This is insane! Magsama kayong dalawa!" sigaw ni Marlo na tinuturo kami. Napakunot naman ang noo ko. Anong problema niya?
"What's your problem?" tanong ko. Katabi ko ngayon si Elisse.
Tinitigan niya lang ako ng masama at tiningnan si Elisse.
"Let's break up. We are done." sabi niya at agad pumasok sa sasakyan niya, umalis na siya. Nabigla ako nang niyakap ako ni Elisse pero niyakap ko rin siya pabalik.
"He broke up with me because of Janella. He still loves that girl." Parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Parang namatayan ako.
Mahal niya pa rin si Jea?
This can't be happening.
Napatingin na lang ako sa direksyon na kinatatayuan namin kanina.
Wala na siya.
Because of what Elisse said, parang naramdaman ko na unti-unti siyang nawawala sa buhay ko.
Na mawawala ang pinakamalaking parte sa buhay ko.