Jea's Pov
Nakangiti lang ako habang inaalala ang nagyari kahapon.
"Guys, may nakikita ba kayong baliw?" tanong ni Julia.
"Yes, someone's smiling eh." sagot ni Liza. Napasimangot naman ako.
"Ako ba yung tinutukoy niyo?" tanong ko habang nakataas ang kanang kilay.
"Hindi ah." sabi ni Michelle na halatang pinipigil ang tawa. Hinampas ko naman sa braso sila isa isa.
"Ano bang problema niyo? Nakakainis kayo ah." sabi ko naman.
"Oh? Nagagalit ka ba? Bakit ka ngumingiti?" tanong ni Mich.
Ngumingiti?
Psh.
Kasalanan kaya ito ni Jerome.
*kringgg*
Agad kong kinuha ang phone ko sa bag ko at nakita ang pangalan ni mom sa caller.
"Hey mom!" masayang bati ko.
"Jea, we so miss you na." sabi ni mom. Napa-aw naman ako sa isipan ko.
"Mamaya na ba kayo uuwi mom?" tanong ko.
"That's why I called. Next week siguro pa anak. Any day, next week. Something went wrong."
Yes! Yipee! Ang saya!
"Aw. Mom, I miss you na talaga." sabi ko na nakangiti. Yes. Mag-isa na naman ako.
"It's okay anak. Sige, may ginagawa pa ako ngayon. Take care and pagkabalik ko diyan dapat wala kang records na masasama sa school mo. Walang bad things na mangyayari. Be a good girl ha anak." sabi niya. Napangiti naman ako.
"Yeah mom. Love you. Bye mom." sabi ko at binaba na ang cp ko.
"Si tita?" tanong ni Michelle. Napairap ako.
"Obvious kaya Mich." sagot naman ni Liza.
"So, kailan sila uuwi?" tanong ni Julia.
"Next week daw." sagot ng lalaking ngayon ay nakaakbay sa akin. Napairap ako.
"So Jerome, magde-date kayo ng bestfriend namin?" Tumango naman siya.
"What? Why?" tanong ko. Kumindat lang yung loko. Honestly nakakainis na siya minsan. I mean, all the time!
"Bye sis! Happy dating!" sabay na sabi nila at umalis. Gosh. Supportive bestfriends talaga sila.
"Where are we going?" tanong ko. Okay, alam kong nakangiti na ako ngayon.
"Saan gusto mo?" tanong niya. Nagkibit balikat lang ako.
"Sa bahay, I think so." Biglang lumaki ang mga mata ni Jerome kaya napakunot ang noo ko.
"What?" tanong ko.
"Jea, hindi pa ako handa maging daddy. Paano na ang mga pangarap natin? Tatapusin pa natin ang pag-aaral diba? Dapat nakapag-aral tayo bago mag- awwww. Ang sakit." Agad ko kasi siyang hinampas sa braso.
"What are you thinking?" tanong ko. Ngumisi lang siya.
"Sorry. Pinapatawa lang kita. Hindi nga lang effective." sabi niya. Napangiti naman ako at umiling.
"Tara, ihatid mo na ako." sabi ko at tumalikod na kami pero nakita namin ang isang babae. Halatang kagagaling sa iyak.
"J-jerome. I n-need you." sabi niya. Napatingin si Jerome sa akin kaya napatingin din ako sa kanya.
"Elisse, I'm so-"
"Jerome, kailangan ka niya." sabi ko at ngumiti. "Uwi na ako." Agad akong lumakad nang mabilis papunta sa gate.
Geez.
I hate this feeling.
Ayaw ko itong pakiramdam ko.
Na unti-unting sumasakit yung puso ko.
Ayaw kong maranasan magmahal ulit.
Ayaw ko na.
"Janella?" Napalingon ako at nakita ang isang lalaki. Napangiti ako ng konti.
"Jon, nandito ka pala. Waiting for Jerome?" Tumango siya sa tanong ko. Inalagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa at sumandal sa pader.
"Hindi mo siya kasama?" tanong niya. Umiling ako.
"No. He's with someone." sabi ko. Napatango na lang siya.
Gosh. Nahihiya ako. Siya nga pala ang nakasama ko noong umiyak ako ng grabe.
"LQ kayo?" Napalaki naman ang mga mata ko.
"No, no. Wala kaming relasyon." sabi ko. Agad naman napakunot ang noo niya. Wait. May mali ba akong nasabi?
"Wait, ibig mong sabihin single ka na? I thought uhmm, kayo." nalilito niyang tanong.
O-omg.
Nagkamali ako.
*gulp*
What to do? What to do? My gosh.
"Ahh, ang ibig kong sabihin ay. Uhmm, I yeah. I-"
"They are over. Matagal na." Agad akong napalingon sa katabi ko. Ningitian niya ako at kinuha ang kanang kamay ko kaya napakunot ang noo ko.
What the?!
Iaalis ko na sana ang kamay ko pero hinigpitan niya ito.
"M-marlo, what are you doing?" nalilitong tanong ko.
"I'm hers. I am her boyfriend."
![](https://img.wattpad.com/cover/19791499-288-k161861.jpg)