Chapter 29-Epilogue

419 15 7
                                    

A.N. Dahil mahal ko kayo. I-pupublish ko itong Epilogue.

Continuation.

Jea's Pov

Nakakainis naman si Jerome.

"Baby ko. Kausapin mo naman yung baby mo." Sinamaan ko siya ng tingin.

Kanina niya pa ako tinutukso.

"Baby, kain ka na oh. Sorry na kung ninakawan kita ng halik." Rinig ko na ang guilt sa sinabi ni Jerome.

"Promise, next time, hihingi na ako ng permission sayo. Pati kay dad-na papa mo at kay mom-na mommy mo. Jea naman eh. Wag ka nang magtampo." Napatingin ako sa kanya na naka-puppy eyes.

Napahinga ako ng malalim.

"Sige, sige. P-"

Tumaya siya kaagad at niyakap ako.

"I love you so much baby." Napangiti ako.

"Mahal na mahal din kita Jerome." sabi ko.

"Ay oo nga, wait ka lang dito." Agad naman siya tumakbo papalabas.

What?

Saan yun pupunta?

Napatayo ako pero napatigil ng may nakita at narinig akong nag-viviolin.

OMG.

All of me ang kanta.

Pumasok ang tatlong nagvi-violin habang nakangiti.

Hindi ako makapaniwala.

Ang ganda talaga ng tugtog nila. Ang ganda ganda.

May pumasok na isang waiter.

"C." sabi niya at binigyan ako ng isang red rose. Ningitian ko siya at kinuha ang rose.

Pumwesto siya sa gilid.

Ano na naman ang pasabog ni Jerome?

May pumasok namang isang waiter.

"A." sabi ni waiter2 at binigyan ako ng isa pang red rose. Tumabi naman siya sa naunang waiter.

"N" sabi ng kapapasok na waiter at binigyan ako ng isa pang rose.

Pumwesto rin ang waiter na iyon sa tabi pa ng isang waiter.

Oh my gosh.

Ang ganda talaga ng music.

Mararamdaman mo ang pagmamahal sa kantang "All of me".

Napatingin ako sa labas. Baka may bibigay pa ng isang rose.

"Sino ang hinahanap ng baby ko?" Napalingon ako at nakita si Jerome. Napangiti ako sa sinabi niya. Nilapitan niya naman ako.

Ang gwapo talaga ng baby ko.

Ang bango pa.

"Sayaw tayo." sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango.

Pasensya na, speechless ako eh.

Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at inilagay ko ang mga kamay ko sa shoulders niya.

Nagsimula naman kaming sumayaw at nakatingin lang ako sa mga mata niya. Nakatingin din siya sa akin.

Bakit ba ang ganda ganda ng mga mata ni Jerome?

Na nakaka-addict na.

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw at tumigil ng natapos na ang kanta.

Umalis naman yung mga waiters at ang tatlong nagvi-violin.

"Alam mo ba na hindi na ako tumitingin sa mga bituin sa langit?"

Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Eh ikaw lang kasi ang bituin para sa akin kaya sayo na lang ako nakatingin." sabi niya. Napatawa naman ako.

"Heto pa, Alam mo ba Jea kung bakit na naging tao tayo at hindi bagay?" tanong niya.

"Bakit naman?" tanong ko. Mas lumapit pa siya sa akin at ngumiti.

"Dahil ang tao ay nagmamahalan. Kita mo, minamahal kita ng buong buo. Eh ano naman mangyayari kung naging bagay tayo? Mamahalin mo ba ako?" sabi niya. Napangiti naman ako.

Ngumiti rin siya pero nabigla ako ng lumuhod siya.

"Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." sabi niya. May pumasok namang group of guys na may banner na nakasulat ay

Can I?

Napatingin ako kay Jerome.

"Common na kasi ang "Will you" na phrase kaya."

Tumigil siya muna at may ikinuha sa bulsa niya.

Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko ng may nakita akong isang pulang "case".

Binuksan niya iyon na may isang ring.

Napatingin siya sa akin at anytime, alam kong iiyak ako. Iiyak ako sa saya.

"Janella Salvador, can I be the man that will love you with all my heart, make you smile from the very start and enter your life and be a big part? Can I be your forever, Janella Salvador? Can I?" Mas lalong lumaki at ngiti ko.

"Yes Jerome. Yes." Ngumiti naman siya ng napakawagas at niyakap ako.

"Sa wakas." rinig kong sabi niya.

"Sandali." Lumuhod siya ulit at kinuha ang kamay ko. Inilagay niya ang ring sa ring finger ko.

Ang saya ko.

Ang saya saya ko.

Tumayo naman si Jerome na hindi nawawala ang ngiti niya.

"I love you Jea. I love you so, so m-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil hinalikan ko na siya.

Napapikit ako at pinakiramdam lang ang halik.

Mahal ko kasi ang baliw na ito.

Mahal na mahal ko ang Jerome Ponce ng buhay ko.

Napatigil ako at ngumiti sa kanya.

As expected, shock siya.

Ngumisi naman ako.

"Bayad yun sa ginawa mo sa akin kanina Ponce." sabi ko. Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"Mahal na mahal talaga kita."

So this is it.

Dito na matatapos ang isang chapter pa lang ng buhay ko.

Unexpected, minahal ko ang isang taong ayaw na ayaw ko noon pa man.

Unexpected, minahal niya rin ako.

Hindi ko inaakala na siya, si Mr. Jerome Ponce, ang magiging forever ko.

Ang laki kasi ng epekto ng dalawang salita na nanggaling sa kanya na napa-oo niya ako.

Ang dalawang salitang kukumpleto ng buhay ko.

"Can I?"

THE END

----


A.N.

I am very thankful na kahit di-gaanong kaganda ang book na ito, binasa niyo pa rin. I am so happy na may nagbabasa nito. I love you guys and thank you for reading this Jernella Fanfic!

Can I? (Completed) (Jernella Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon