Chapter 24

210 11 3
                                    

Friday, evening

Pov ni Jea

Pabalik-balik akong lumalakad dito sa kwarto. Nag-alala ako kay Jerome. Buong araw, hindi man lang siya pumasok sa school. Paano kung na sagasaan sila? O may nanghold-up ng bahay nila? Baka kinidnap siya?

"Stop doing that, will you?" Napatingin ako kay Michelle na nakaupo lang sa sofa dito sa buhay.

Napahinga lang ako ng malalim.

"Punta lang ako sa bathroom." Naglakad ako nang mabilis papunta sa bathroom at isinarado iyon. Napatingin na lang ako sa salamin.

What if papakasalin niya na yung babaeng itinakda para sa kanya ng kanyang ama?

Ang sakit nang mabuhay na wala siya.

Napahinga ako ulit ng malalim. Mabuti na lang at nakita ko si Marlo kahapon at sa kanya ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman. After all, Marlo's a friend.

Napatingin na lang ako sa relo ko at seven na ngayon ng gabi.

"Jea! Uwi na ako! Bye friend!" rinig kong sigaw ni Michelle sa labas kaya lumabas ako sa bathroom at nakita siyang papaalis na.

Hindi ko alam ang gagawin pero nagbihis ako ng pang-alis at lumabas sa bahay. Hindi na ako nagpaalam kay mama. Bigla na lang nagring yung phone ko at unknown number iyon pero may nararamdaman akong masama kaya sinagot ko iyon.

"Hello." bati ko.

"Janella, si Jon ito. Where are you?" tanong niya.

"Sa bahay. Bakit?" tanong ko.

"I'll be there. Hintayin mo ako." sabi niya.

"Why?" tanong ko ulit habang malakas na tumitibok ang puso ko.

"Just wait." sabi niya. "Nasa bar si Jerome. Bye."

----

"Bakit mo pinayagan?" tanong ko kay Jon.

"Hindi ko nga iyon pinayagan. Nawala na lang siya bigla. Alam kong sa bar yun pupunta." sagot niya. Napahinga ako ng malalim.

"Saang bar ba yun? Paano mo naman nalaman doon siya pupunta?" tanong ko kay Jon. Tumingin siya muna sa akin at napahinga siya ng malalim.

"The same bar where he went after Elisse broke up with him." Napatigil ako doon at napatingin na lang sa labas.

"Pumunta siya doon ulit dahil sayo." Agad akong napatingin ulit sa kanya na kumukunot ang noo. "Nakita niya na kasama mo si Marlo the other day. Siyempre, seloso yung batang iyon."

----

Nakatingin lang ako sa isang bar na hanggang sa labas ay maingay pa rin.

Geez.

I hate places like this.

"I have a VIP card." sabi ni Jon at hinila ako papunta sa isang guard na nakatayo sa labas ng bar.

"Excuse me sir, any VIP card?" tanong ng guard. Ipinakita naman ni Jon ang card niya sa guard at ipinasok kami. Nakatago naman ako sa likod ni Jon. Nakakatakot kaya si Kuya Guard.

Ang ingay ingay sa loob pagkapasok namin.

Gosh.

This is insane!

"Tara, hanapin na natin siya." sabi ni Jon at nagsimula na kaming lumakad habang hinahawakan ni Jon ang wrist ko pero agad akong napatigil ng may nakita ako.

Napatakbo naman ako sa kanya na hawak-hawak ang cellphone niya.

"Excuse me." sabi ko at binilisan pa ang paglalakad.

No Jerome, wag.

"Dad! How are you?" Napatigil ako sa paglalakad at nakatingin lang ako sa kanya na shock.

As in,

"Of course dad, may sagot na ako." sabi naman ni Jerome at napatingin siya sa akin.

Napangisi siya.

Ang sakit.

"I'm gonna marry that girl. Para sayo dad." sabi niya. May nararamdaman na lang ako na may tumigil sa tabi ko.

"Geez." rinig kong sabi ni Jon at nilapitan si Jerome na papaupo na sana.

"Bawiin mo ang sinabi mo Joseph! You are drunk! You don't know what you are talking about, stupid!" sigaw ni Jon habang niyugyog si Joseph. Napangisi na lang si Jerome at umupo.

"Hindi ako lasing." sabi niya at tiningnan ako. "It's my decision."

Naramdaman ko na lang na may tumutulong mga luha sa mga mata ko kaya agad akong umiwas ng tingin at pinahiran ang mga luha.

"Alis ka na Jon. I can handle myself." rinig ko pa ang saya sa boses ni Jerome. Hindi ko na kaya, tumakbo na ako papalabas sa bar na iyon.

Napaupo na lang ako sa bench na nasa labas at humagulgol habang nakayuko.

Wala nang pag-asa. May papakasalan na si Jerome and iiwan niya na ako.

Wala ng kami.

He did not fight for our relationship

It's over.

----

A.N. Hey guys! happy morning!

Natapos ko na pala ang EPILOGUE . ^___^

Can I? (Completed) (Jernella Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon