Chapter 27

207 12 1
                                    

A.N: Dahil maikli ang previous chapter, may panibagong chapter! *insert happy sound*

^______________^

Okay, handa na ba kayo?

Jea's Pov

Inaayos ko ngayon ang lahat ng gamit ko. Ngayon kasi ang araw na pupunta ako sa Canada. Kasama si dad at si mom.

Doon daw kasi kami magkikita ng lalaking ipapakasal sa akin.

Psh.

Ang arte nga eh.

Masaya na nga ako dito sa Pilipinas.

Gragaduate pa ako dito.

Eh, bakit kailangan pa namin pumunta sa Canada?

"Anak?" Napalingon ako at nakita si mommy nakakunot ang noo habang nakatingin sa maleta ko. Ngumiti naman ako ng mapakalawak sa kanya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Wala po. Acting-acting lang po." sabi ko at ibinalik na ang mga gamit ko sa closet ko. Napailing naman si mom. I know, baliw ako.

Peace mga readers!

"Anyway anak, handa ka na ba?" rinig kong tanong niya. Napalingon ako sa kanya at tumango.

"Handa naman po." sagot ko. Ngumiti siya at niyakap ako.

"Sure ka ba?" tanong niya ulit.

"Yes mom." Ngumiti si mommy sa akin at lumabas na sa kwarto ko. Napaupo naman ako sa kama ko at napaisip.

Grabe.

1 month na ang nakalipas.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako maka-move on. Baliw kasi ako. May ipapakasal na nga sa aking iba, si Jerome pa rin ang minamahal ko.

Napahiga ako sa kama.

Sa loob ng isang buwan, siya pa rin ang iniisip ko. Kung kamusta na siya? Kasama niya na yung babaeng ipapakasal sa kanya?

Ewan ko.

Sa pagkakaalam ko, sa Canada niya na ipinatuloy ang pag-aaral. Psh. Gragraduate na nga eh.

Sa loob ng isang buwan, naging magkaibigan kami ni Elisse. Mabait naman pala siya eh. Mas lalong naging close kami ni Jon ngunit umuwi na rin siya sa Canada. Kami naman ni Marlo, simula noong araw na ibinuhos ko sa kanya yung nararamdaman ko, hindi niya na ako pinapansin.

At ngayon. Ang araw na ito ay ang araw na makikilala ko na ang lalaking "itinakda" para sa akin.

Okay. Honestly, hindi ako kinakabahan.

Pero the Fudge talaga. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

Halos mawala na nga sa rib cage ko ang puso ko.

Sabihin niyo, baliw ba ako? Hehe.

Napatingin ako sa salamin.

Naka-dress ako, malamang, kinakailangan.

Inayos ko ang buhok ko at napahinga ng malalim.

Mahal na mahal kita Jerome.

Napailing ako.

Jea, kalimutan mo na siya.

*knock, knock*

"Pasok." sabi ko.

"Handa ka na ba anak?" Napalingon ako kay daddy at ngumiti.

"Opo." sabi ko. Ngumiti si dad at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Sana, magiging masaya ka. Sana, hindi ka na iiyak."

Can I? (Completed) (Jernella Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon