Jea's Pov
This is what you want.
Ito yung gusto mo Jea, diba?
Pero bakit. Bakit ayaw ko?
Nakatingin ako kay Marlo na kumakain sa harapan ko. Btw, I don't wear glasses na. Makakakita naman ako. Reading glasses na lang ang kailangan ko. Napatingin sa akin si Marlo at ngumiti kaya nginitian ko rin siya.
Pero alam kong nasasaktan ako.
"Pasensya ka na kanina ha." sabi niya at umayos ng upo. "Alam ko kasing wala na kayong relasyon. Alam kong mahirap ang pakiramdam na sabihin sa isang tao na wala na kayo. It's over na talaga." Ngumiti siya ng matamlay kaya ngumiti rin ako pero bigla itong nawala at napakunot ang noo ko.
"P-paano mo na sabi na wala na kami ni Jerome?" tanong ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso.
Takot. Iyan ang nararamdaman ko.
"Sinabi niya. He said it yesterday." sabi niya.
Jerome's Pov
Napakagat ako sa labi ko. Galit ako. Galit na galit. Sa nakikita ko ngayon, sino ba ang hindi magagalit?
"Jerome, let's go home." rinig kong sabi ni Elisse na ngayon ay nasa tabi ko.
Hindi katulad ni Jea kung sinu-sinong lalaki lang ang sinasamahan.
Hindi lang ako sumagot.
"Jerome, alis na tayo." Hindi ko siya pinansin at tinitingnan pa rin ang dalawang tao dito sa cafeteria.
*hinga ng malalim*
"Jerome, tara n-"
"Tumahimik ka." sabi ko at lumakad ng mabilis papunta kina Jea at Marlo.
"Jerome!" Dahil sa sigaw ni Elisse, napatingin sina Marlo at Jea sa akin. Agad napatayo si Jea at si Marlo na nakangisi.
Agad ko naman sinuntok si Marlo.
"Jerome!" Hindi ako nagsalita at patuloy lang sinuntok si Marlo.
"Jerome, tama na!" rinig kong sigaw ni Elisse. Sinuntok ako pabalik ni Marlo.
Pinunasan ko ang dugo na tumutulo sa bibig ko.
"Marlo, Jerome. Tama na." Agad akong napatigil nang narinig ko ang boses ni Jea. Sa ngayon ay hinahawakan niya ang kanang balikat ni Marlo at nag-uusap sila.
Kumulo naman agad ang dugo ko. Hinila ko papalayo si Jea kay Marlo. Wala akong pakialam kung gumagawa ako ng eksena.
"J-jerome, ano ba?!" sigaw ni Jea. Tiningnan ko lang siya. Alam kong nasasaktan siya dahil sa higpit ng hawak ko sa kamay niya pero hindi ko kaya,
hindi ko kaya na mawala siya.
Hinila ko siya papalayo sa cafeteria, kay Elisse, sa maraming tao, sa Marlo na iyon. Malayo sa lahat.
Patuloy pa rin sa pagsisigaw ni Elisse ng pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at patuloy ko lang hinihila si Jea papunta sa labas ng school.
Nakalabas na kami at papunta sa parang matahimik na lugar. Tumigil naman kami sa paglalakad.
"What is your problem Jerome?!" sigaw niya kaya napayuko ako.
"Sinuntok mo na nga si Marlo sa harapan ng maraming tao at hinila mo pa ako papunta dito. What is your problem?! Wala na dibang tayo?" Napatingin ako sa kanya na kumukinot ang noo.
"Ano ang sinasabi mo?" tanong ko. Ngumisi siya.
"Don't play around Jerome. Walang tayo diba?" tanong niya. "Sabihin mo, gusto mong matapos na ito matagal na-"
"Saan nanggaling iyan Jea? I never said I want a break up. I never said I want it over." sabi ko naman. Ngumisi siya at tumawa ng mapait.
"Ay oo nga pala, paano matatapos ang isang relationship kung wala naman talaga." sabi niya. Hinawakan ko siya sa braso niya.
"J-jea, ano ba? Ano ang nangyayari sayo?" tanong ko.
"Fake ang lahat diba? Kung gusto mo may sabihin pa akong 'We are over'. Sige! Gagawin ko. Jerome, we're done. Walang tayo simula pa lang eh." sabi niya at ngumiti ng mapait. "We are done." bulong niya at agad tumalikod pero hinila ko siya at niyakap.
"No Jea, please." sabi ko. Tinulak niya na lang ako bigla at ngumisi ulit.
"Matagal na palang wala sina Marlo at Elisse. Bakit hindi mo man lang sinabi ha? Ano ba yung trip mo? Pinaglalaruan mo lang ako? Wow Jerome. Wow talaga. Ang galing mo. The best actor talaga." Pumapalakpak pa siya.
"Jea, hindi ito laro." sabi ko. Umiling siya.
"Eh bakit? Bakit hindi mo sinabi? Si Elisse lang diba ang gusto mo? Ayan na! Nasayo na!" sigaw pa niya. Umiling ako.
"Y-yes, I lied. Tinago ko na tapos na sila, oo."
"But why? Hindi mo man lang sinabi?-"
"I did this because I, I uhm, I-"
"Ano? Wala kang masabi? Dahil ba-"
"Because I love you." Napatigil siya kaya napahinga na lang ako ng malalim. "Mahal kita." bulong ko. Napatingin siya sa ibang direction kaya napatawa ako ng konti.
Yung tawang alam mong nasasaktan.
"I did my best not to break the fake relationship of ours just to be with you. Even though its fake, I still have the oppurtunity to show you that I care, that I am better than Marlo, that I love you. Hindi ko nga alam kung bakit ang manhid mo eh."
Tumigil ako ng konti.
"I never expect na ganito kabilis. Kung iyan ang gusto mo, matapos na ito, I respect that. I am willing to wait. I am willing to ask 'Can I?' for real. I love you Jea, I really do." sabi ko at tumalikod na. Hindi ko na kaya. Nasasaktan ko siya. Nasasaktan ko na rin ang sarili ko.
I'm weak.
and
we're over