Chapter 4

451 15 2
                                    

Jea's Pov

Tahimik kong minamasdan ang mga puno sa labas ng kotse habang inaalala ang mga sinabi ni Marlo kanina.

" We are doing great. Nine months na kami ngayon."

Tss.

Mabuti naman sa inyo.

Nine months? That's great. Naka-move on ka na nga pero ako, still suffering from our break-up. Mahal kita Marlo eh. Walang magbabago dun.

"Kanina ka pa tahimik diyan." Napatingin ako kay Jerome na nakatitig sa akin.

"Oh." Napatingin ako sa kamay niya na may panyo. Ano ito?

"Halika ka nga dito. Ayaw mong gumalaw eh." Bigla niya akong nilapit sa kanya at tinanggal yung glasses ko. Pinahiran niya ang mga mata ko.

Bakit?

"Ayan! Mukha ka nang tao. Wala na ang mga luha." Luha? Tss. Epekto kasi ito ni Marlo.

Ngumiti lang ako ng matamlay.

"S-salamat." sabi ko at sinuot ulit yung glasses ko. Binalik ko ang tingin sa labas.

Jerome's Pov

"S-salamat." sabi niya at bumalik sa pagtingin sa labas.

Ngumiti ako. Totoong ngiti.

First time kasi niya akong pinasalamatan sa buong buhay ko.

*ngiti*

Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko.

I just don't understand why.

"Sir, nandito na po tayo." Napatigil naman ako sa sinabi ni kuya.

Napatingin ako sa labas at unang nakita ko ay ang bahay niya.

Ang bahay ni Elisse.

Parang hindi ako makagalaw.

Ayaw kong tumayo.

Ayaw kong lumabas.

Ayaw kong masaktan.

"N-nandito pala ang k-kotse ni Marlo." nauutal na sabi ko.

Napatingin kaagad si Janella sa labas at napatahimik kami bigla.

"Malamang, binibisita yung girlfriend." rinig kong bulong ni Jea kaya napatingin ako sa kanya na nakayuko.

Alam kong nasasaktan siya, katulad ko.

"Tara, ipakita natin sa kanila na nabuhay tayong wala sila. Na nagmove on na tayo. Na kinaya natin ang mga pagsusubok na dumaan sa buhay natin na wala sila." Napatingin siya sa akin at ngumingiti-ngiti.

"Lalim yun ah." sabi niya. Napatawa naman kaming dalawa.

"Sorry. Nag-eemote lang yung tao. Pabigyan mo na." Tumawa lang siya ulit.

Seeing her laugh really makes me feel happy too.

"Uhmm, tara?" Tumango lang siya at bubuksan na sana ang pinto pero pinigilan ko.

"Wait." sabi ko at lumabas. Pumunta ako sa side niya at binuksan iyon.

"To my princess, may I have the oppurtunity to hold your hand?" mapabiro na sabi ko. Tumawa siya at hinampas ako sa braso.

"Baliw. Ayaw ko. Sino ba ang may gusto makahawak ang kamay ng isang Mayabang?" tanong niya at lumabas sa sasakyan, ignoring my hand. Instead na mainis ako, parang nakakatuwa lang ang sinabi niya.

"Mayabang nga, sweet naman." sabi ko. Tumingin siya sa akin na nakataas ang isang kilay. Bigla na lang kaming tumawa.

"Sweet daw." sabi niya. Napangiti na lang ako.

"Ang sweet niyo kaya. Nilalanggam na nga ako." sabay kaming napatingin sa nagsasalita. Kasama niya si Marlo na nakahawak kamay sila. Parehong nakangiti, parehong masaya.

Di katulad namin ni Jea.

Napatingin ako kay Jea na nakatulala lang, nakatingin sa mga kamay nila. Hindi rin makagalaw at makasalita.

Hinawakan ko ang kamay niya na nagpapabigla sa kanya. Ngumiti ako kina Marlo at Elisse kahit nakakasakit na.

"Kanina pa ba kayo nandiyan?" I tried my best na hindi mauutal.

"Hindi naman. Nahuli lang namin yung part na, may I have the oppurtunity to hold your hand." sabi ni Marlo at tumawa kasama si Elisse. Napangiti ako ng matamlay. Mahal pa ba niya kaya ako?

"Sige, Jerome, Jea. Alis muna kami." paalam ni Marlo sabay pasok kay Elisse sa sasakyan.

"Bye. Ingat kayo." sabi ko. Tumango lang si Marlo at pumasok sa sasakyan.

Tiningnan ko na lang ang sasakyan na nagpapalayo sa amin. Pareho kaming tahimik ni Jea.

"They are happy." Agad akong napatingin kay Jea na nakatitig pa rin sa unahan.

"They really are." sabi niya at agad tumungo sa gate nila. Hinawakan ko ang kamay niya na ang dahilan ng pagtingin niya sa akin.

"What do you mean?' tanong ko. Napaiwas siya ng tingin.

"Ayaw ko na silang guluhin. I don't wanna be hurt again." sabi niya.

"Ganon lang ba iyon kabilis? Jea, alam kong mahal ka pa rin ni Marlo. I know that well. Help me, please. I will help you too." sabi ko.

"No Jerome, ayaw ko na." sabi niya. Hinila ko siya at nilapit sa itsura ko.

"Help me Jea, please." sabi ko. Napatingin naman siya sa ibang direksyon.

"Please." bulong ko. Napatingin siya sa akin at biglang huminga nang malalim.

"Okay."

Napangiti naman ako kaagad.

"In one condition." Napatigil ako sa sinabi niya. Malakas na tumitibok ang puso ko, natatakot.

"If makita natin silang masaya for the fifth time, we will end this fake relationship. Sapat na siguro na evidence ito. Salamat pala sa paghatid. Paalam." Agad naman siya pumunta sa gate ng bahay niya.

For the fifth time?

Bakit parang ayaw ko pa?

Siyempre, para kay Elisse.

Can I? (Completed) (Jernella Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon