Chapter 8

359 15 2
                                    

Janella's Pov

Nakatingin lang ako sa kanya na kumukunot ang noo. Anong nakain nito na naging mabait, caring, gentleman ang baliw na ito?

"Sabihin mo lang kung nagugutom ka pa." sabi niya at nilagyan ng ulam ang plato ko.

"Okay lang ako Jerome. Ano ba ang nakain mo?" tanong ko. Nabigla siya ng konti pero ngumiti naman. Ngumiti? As in smile? Si Jerome ba talaga ang taong nasa harapan ko?

"Uhmm, pagkain?" patanong na sagot niya.

"No. That is not what I meant. Why are you so you know, mabait?" tanong ko. Napatigil siya at napailing.

"Anong nangyayare sa akin?" rinig kong bulong niya. Tiningnan niya ako ulit at ngumisi.

"Ayaw mo nun? Ang sweet ko." sabi niya sabay grin. Akala ko naman, nagbago na ang lalaking ito. Geez. Mayabang pa rin. Inirapan ko siya.

"You are not sweet." sabi ko.

"Really? Then why are you blushing?" tanong niya. Blushing? What the? Hindi naman eh.

Narinig ko na lang siya tumawa. Nagpoker face na nga ako pero tawa pa rin siya ng tawa.

Tss.

Nakakainis. Kung pwede lang sana sapakin ang lalaking ito, nagawa ko na. Nasa canteen nga lang kami. Ang daming tao, masira pa ang Good moral ko.

"Gagawa pa pala ako ng project." sabi ko at tumayo.

"Project? Wala namang tayong project eh." sabi niya.

"Ako lang kaya. Ang project na pakiligin ka." sabi ko sabay kindat sa kanya. Lumaki naman ang mga mata niya at medyo namula.

Haha.

Umupo ako ulit at tumawa. Ang epic ng itsura! Akala niya huh! Hahaha talaga.

Pinahiran ko naman ang mga luha sa mata ko. Nakakatawa kasi talaga!

"Wait, what are you doing?" tanong ko.

"Pinapakilig ka. Project ko rin kasi yun eh." Alam niyo ba ang ginagawa ng lalaking ito? Lumipat siya sa katabi kong upuan at lumapait pa sa akin.

"Don't you dare come closer. Papatayin talaga kita." sabi ko habang hinahawakan ang shoulders niya. Ang lapit na talaga, promise.

"Sa public place mo ako papatayin? Nice idea." mapang-asar na sabi niya. Inirapan ko lang siya at tinulak ng mahina. Kinuha ko yung bag ko at biglang tumakbo.

"Akala mo Ponce huh." sabi ko habang lumalabas sa cafeteria.

"Anong akala ko?" Napahawak ako sa puso ko ng may katabi na pala ako. Tumakbo ako ng mabilis pero naunahan niya ako kaya tumawa yung baliw.

"Habulin mo ako." sabi niya.

"Hey! Hindi ito horror. Mukha naman horror yung itsura mo kaya pwede na rin." Napatigil siya sa sinabi ko at napatingin sa akin. Napatigil na rin ako sa pagtatakbo at lumunok. Patay.

"Horror pala ah." Agad akong tumakbo sa kabilang direksyon habang tumatawa.

"Hahabulin talaga kita Salvador!" sigaw niya. Tumatawa pa rin ako pero umakyat na ako sa second floor. Unluckily, may naapakan akong something kaya nahulog ako.

Hala!

Hello floor na ito.

Pumikit ako at nag-cross fingers (Baliw po si Jea sa story na ito, hindi napag-isipan na humawak sa railings. Anyway, back to the story.)

One, two, three. Babye World.

"Aish. Ang clumsy mo talaga." Bakit ang lambot?

Minulat ko naman ang mga mata ko at nabigla ng konti dahil ang lapit ni Jerome sa akin. Ang bangoooo.

Amoy Downey.

Nakita ko siya ngumisi kaya napatayo ako bigla at napatingin sa paligid.

Phew. Mabuti na lang at lunch time ngayon, walang tao sa hallway kasi kinailangan na walang tao dito sa school tuwing lunch kaya lang, lumalabag kami ni Ponce ng rules. Nabigla naman ako ng niyakap niya ako.

dug.dug.dug.

"Sabihin mo lang kung mahuhulog ka, I will always catch you."

*gulp*

B-bakit ang sweet?

Ughhhhh! I'm insane!

Tinulak niya ako ng mahina at tumawa siya ng napakalakas. Tss. Akala ko pa naman, ughhh. Tinulak ko lang siya ng mahina at bumaba ulit. Makakain na nga.

Jerome's Pov

Tumatawa pa rin ako na nakatingin sa kanya na bumababa. Napalunok na lang ako ng laway nang nawala na siya sa aking paningin.

Why did I hug her? Bakit ba naging sweet ako? Bakit ko sinabi yung mga salitang iyon?

Napahawak ako sa puso ko.

Gusto ko ba si Jea?

*iling-iling*

Si Elisse ang mahal ko.

Si Elisse lang.

Can I? (Completed) (Jernella Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon