Jea's Pov
*few weeks later*
"Jea, kailan uuwi yung parents mo?" tanong ni Liza.
"I don't know." sagot ko sabay iling.
"Ikaw yung anak, hindi mo pa alam. Problema mo?" tanong naman ni Julia.
"Eh kasi, hindi sinabi sa akin ni mommy. Bigla na lang sinabi na 'Jea, pupunta kaming Cebu. Uuwi lang kami soon." sabi ko. "Ewan ko sa kanila bakit hindi nila sinabi kung kailan sila uuwi."
"Ako. Alam ko." Agad kaming napalingon.
"Jerome?" tanong ni Michelle.
"Yes." sabi niya sabay akbay sa akin. Ughh. Ano ba itong feeling na ito? Geeeez.
"Next week, tuesday." sabi niya.
"Hah? Paano mo nalaman?" tanong ni Liza.
"Tita told me na ako ang magbabantay kay Jea hanggang next week." sabi niya.
"What?!" sigaw naming apat.
"No way." sabi ko naman sabay tulak sa kanya.
"Tita said naman eh. Ayaw mo nun? May sundo ka araw-araw at may bumibisita sayong pogi. Swerte mo naman." sabi niya sabay ngisi.
Whatever.
Mayabang talaga.
Lumakad na lang ako papalayo, not saying goodbye to my friends, alam na nilang bad mood ako. Napakagat na lang ako sa labi ko at dumiretso sa library. Nakakainis!
"Well, well, well." May narinig ba ako?
"Janella Salvador." Napalingon ako. Why me?
"Girlfriend ka ni Jerome, diba?" tanong ng nasa gitna. Tatlo sila. Mukhang nasa section B.
"Ah, yes." mahinang sagot ko. Nakakailang kasi. Fake lang po akong girlfriend. Tiningnan nila ako sa ulo hanggang paa.
"How cheap." sabi ng nasa gilid.
"Loser." sabi ng nasa kabilang gilid.
"Geez. Walang taste si Jerome." sabi ng leader nila.
"or let me say na ginayuma niya si Jerome." sabi pa ulit ng nasa middle.
"Wag kang umasa na gusto ka ni Jerome. Mahal niya pa rin si Elisse, mahal niya pa rin ang pinsan ko. So back off. Hindi kayo bagay." sabi niya sabay tulak sa akin.
At siyempre nahulog ako. Tss. Alam ko po na hindi kami bagay ni Jerome. Pero sinabi niya bang pinsan siya ni Elisse? May pinsan pala si Elisse na nag-aaral dito?
"Miss, are you alright?" May nakita akong kamay sa harapan ko. Kinuha ko naman iyon at tinulungan niya akong tumayo.
"Yeah, I'm fine. Thanks." sabi ko sabay ngiti sa kanya. Infairness, ang gwapo. Ngumiti siya ng konti at umalis na.
Tumalikod naman ako at pumunta na lang sa classroom. Hindi na lang ako pupunta sa lib.
"Ah wait. I need a little help." Napalingon ako at nakitang lumalapit sa akin si kuya na tumulong sa akin kanina.
"Saan yung HS105?" tanong niya. Marunong din pala siyang mag-tagalog.
"Classroom ko rin iyan. Wait, are you new here?" tanong ko. Ngayon ko lang kasi na-notice na naka-shirt siyang kulay white at nakajacket siya, obviously not our school uniform.
Tumawa siya ng konti.
"No. Just visiting my cousin. Kakauwi ko lang kasi galing uhmm, Canada. Just want to surprise him. He's like a brother to me." sabi niya sabay ngiti. Napakunot naman ang noo ko. Akala ko bawal ang outsiders dito sa school during school hours?
*kibit balikat*
Ewan ko.
"Oh. Sige, sabay tayong pumunta doon." sabi ko at naunang lumakad. Sumunod naman siya.
"I'm Jon, by the way. Jon Lucas." sabi niya. Tumango lang ako. "Janella, Janella Salvador." sabi ko habang lumalakad pa rin kami.
"You graduated gradeschool here too?" tanong niya.
"Yes." sagot ko naman.
"Oh, that means kilala mo yung pinsan ko." sabi niya.
"Sino?" tanong ko.
"Joseph." Napakunot naman ang noo ko. Sinong Joseph?
"It looks like you don't know Joseph." sabi niya sabay ngiti.
Obviously.
"No. Never heard that name." sabi ko.
"Yeah. I call him Joseph but his friends or classmates call him-"
"Jon?" Napalingon kaming dalawa.
"Jon!" Lumapit siya at nagbrotherly hug sila.
"Dude! Kamusta?"
What?
Pinsan ni Jerome si Jon?
"I'm cool Joseph. Just wanna surprise you." sabi ni Jon sabay ngiti. Mabuti pa si Jon, ngumingiti.
"Wanna surprise me or wanna visit Michelle."
Oh? Bakit ko naman narinig ang pangalan ng kaibigan ko? Tinulak ni Jon si Jerome.
"Tss. Shut up. Uwi na nga ako. Just wanna say hi." Ngumisi si Jerome.
"and may party daw mamaya sa bahay ko. I miss you bro! See yah later." sabi ni Jon sabay wink. Bromance.
"Baliw." rinig kong bulong ni Jerome. Tss. Tumalikod na ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Bakit mo yun kasama?" tanong niya.
"Hinahanap ang classroom natin, tinulungan ko." matipid na sagot ko.
"Next time, wag mong pansinin ang hindi mo kakilala." sabi niya.
Inirapan ko siya at inayos ang aking pagtayo.
"Kunin mo na ang kamay mo." sabi ko. Tiningnan niya naman ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
"No." sabi niya sabay iling. Edi wag. Hindi ako nagsalita habang siya ay ngumingiti.
"Sarap palang mahawakan ang kamay mo." Napabilis naman ang tibok ng puso ko.
"Sarap palang makasama ka sa tabi ko." Mas mabilis pa ang tibok ng puso ko ngayon.
"Sarap palang kausapin ka na hindi naman nagsasalita." sabi niya sabay tawa. Nang-aasar naman eh. Nakakainis.
"Pero okay naman ito." sabi niya sabay lapit sa akin at tinitigan ako. Nakakailang.
"Atleast na sabi ko ang sinasabi ng puso ko." sabi niya sabay ngiti. Geez.
Bigla na lang siya tumawa. Pinalo ko naman ang braso niya. Nakakainis. Ang cheesy pero hindi naman pala totoo.
Tumalikod ako at bigla tumakbo papunta sa upuan ko. Tss.
--