Chapter 6: My best friend's sister

80 6 1
                                    

Kier's POV

Nakakhiya talaga yung kanina sa English. Nagulat talaga ako nung nalaman kong si Cam yung tutor ko. Mas naiintindihan ko pag siya nag'turo hindi katulad nung kay ma'am. 

"Iba ka kasi *sabay lagay ng buhok niya sa likd ng ear niya*"

Ba't ko ginawa yun?! Tinignan ko paligid namin. Wala namang tao. Walang nakakita nun. Ang bilis niyang mag'lakad palabas ng gate. Mukhang tntawagan si Chuck.

"Umuwi na si Chuck, magdodota pa daw sila ni Lester eh"-me

"Ah. Ganoon ba?"-C

After ilang seconds tumawid na siya. Sinabayan ko nalang siya pauwi. Gabi na kasi eh, baka mapano pa siya. Asan ba kasi yung Leo na yun?  Tinanong ko kung asan. May ginagawa pa daw. Ay? Inuna yun kesa dito kay Cam? Sinabi ko sa kaniya na dapat mas prioroty siya havang nanliligaw pa lang naman si Leo. Kasi nga the process is more important than the outcome.

After kong mahatid si Cam. Umuwi na ako sa amin. Isang subdivision lang naman kami eh. Wala pa si papa. 

Napahiga nalang ako sa sofa. Naalala ko nung mga bata pa kami nina Cam at Chuck. Palagi akong nasa bahay nila dati kasi gustong gusto kong makita yung kapatid ni Chuck. Hindi ko alam kung bakit, pero minsan ko lang siya makita pag nandoon ako sa kanila palagi siyang nasa kuwarto niya eh. Pag sa school hindi niya ako kinakausap, pag naglalaro kami umaalis siya pag sasali na ako. Noong High School ko lang talaga siya naka'usap, nakakatuwa pala siya. Minsan nga nagtataka ako kung magkapatid ba talaga sila ni Chuck? Kasi si Cam ang bait ang talino. Si Chuck mabait nga siya, pero may pagka.... *nevermind* matalino? Alam niyo ba na nung 2nd year first sa ranking namin si Cam. Alam niyo ba kung pang ilan si Chuck?

last lang naman siya. Hahahaha. Ang daming natawa nun. 

These past months, ngayon ko lang talaga na'notice si Cam. Kinakagat niya labi niya pag mahirap yung sinasagutan na seatwork o quiz. Tinitwirl niya buhok niya sa index finger niya pag boring yung klase. Amoy saging yung buhok niya. Ang bango ng perfume niya. Palagi siyang nagdadasal. 

Hindi ko alam kung bakit pero, pag nakikita kong kasama niya yung Leo nayun parang. Parang galit ako. HIndi ko maiintindihan pero, pag magkasama sila hindi ko maiwasan na hindi mapa'titig. Nakakahalata na nga si Ava eh. 

"Concerned lang ako sa kaniya, kapatid yan ni Chuck eh"

Yan palagi kong sagot sa kaniya sa tuwing nasesense ko na naiinis siya.

Yun na din siguro yung explanation sa mga nafefeel ko sa tuwing nakikita ko sila ni Leo. 

************************************************************************************************************

A/N Comment or vote please. :)

A Daydream AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon