Cam's POV
"How could you not like it?"-me
"They just don't mesh"-F
Pinag aawayan namin ni Francis yung tungkol sa Princess of China ng Coldplay. Sabi niya pangit daw toh kasi hindi bagay si Rihanna sa sound ng Coldplay.
"UGGGHHH! You're unbelievable, maganda nga yung song!"-me
Nag vibrate phone ko. May nag text! "Babe. Can't do lunch. I'll explain later"-Leo
Ay. Wala akong kasabay.
"Psst. May kasabay ka mag'lunch?"-me
"Wala eh. Sabay tayo?"-F
"Sige"-me
Ang dami kong nalaman tungkol kay Francis the sa loob ng isang oras na naka'upo kami dito. Siya si Francis Yengko. Transferee siya dito noong second year. So feeling ko hindi siya yung secret admirer ko. Galing siyang China before he transfered here. Actually crush siya ni Maya nung second year eh. Sa kabilang section siya sa Faith. Ang malas nila kasi si Flores yung adviser nila. Hayyy.
Lunch break na. Sa play ground sa pre-school building na kami kumain. Kasi gusto namin. Hahahaha. Tinake advantage na rin namin yung time na walang mga batang naglalaro sa play ground.
"So si Leo?"-F
"Anong meron sa kaniya?"-me
"I don't get why you're together"-F
Natawa ako doon.
"You don't get why we're together?"-me
"Yeah magka'iba kaya kayo"-F
"Francis, you've known me for like an hour pano mo naman nalamang magka'iba kami ni Leo?"-me
"It doesn't take a long time to get to know you Cam"-F
"So you're saying I'm an open book?"-me
"Yes"-F
"Aber. Tell me everything you know about me"-me
He took a deep breath first.
"You are Camilla Serena Benitez. Twin brother Charles Stanley Benitez. Your dad's a surgeon. Your mom runs this foundation for public school kids. You've been studying here since pre-school. You liked watching the Loony Tunes as a child. Your favorite Powerpuff girl is Buttercup. You can't remember the number of times you've read the Harry Potter series. Your favorite bands are Coldplay and The Smiths. You don't have a favorite color. You've seen every episode of How I Met Your Mother and Friends. And lastly but weirdly you're with Leo Mendoza."-F
Pano niya nalaman lahat yun?
"(O.O) STALKER KA?!"-me
"Hindi. You told me those things earlier"-F
Wait... Sinabi ko nga sa kaniya yun ah. Mabuti nalang at yun lang. Tsss. Sa daldal ko ba naman. Pano ko matatandaan king sino yung naka'usap ko about sa love letter eklabush na yun? (__ __'")
"Ang daldal ko pala noh?"-me
"I know"-F
Weird. I know very little about him.
"Mag'kuwento ka naman."-me
Tinapos ko na yung lasagna ko.
"What would you like to know?"-F
Kanina pa yung english niya nato ha. Baka maubusan na ako ng hemoglobin.
"Sinong paborito mong Powerpuff girl?"-me
He looked at me weirdly.
"Do I look like I watch Powerpuff girls?"-F
Natawa ako sa sinabi niya. Okay, I know. Ang stupid ng tanong ko pero, sinabi ko nga yung saken eh.
"Okay. Ummm. May girlfriend ka?"-me
"Wala"-F
"Nagka'girlfriend?"-me
"Sa guwapo kong toh *strikes pogi pose*"-F
"Ilan?"-me
"Isa"-F
"(O.o) Wehhhh?"-me
"O? Ba't di ka naniniwala? Ano tingin mo saken playboy? Hindi ako katulad ni Kier noh!"-F
Nasama si Kier? Ay.
"Sa guwapo mong yan!"-me
"Hindi lahat ng guwapo playboy!"-F
"If you say so"-me
"Tss. Balik na nga tayo! Baka hinahanap na tayo ni de Vera"-F
Bumalik na kami sa AVR.
It feels good to have someone else to talk to. Someone who listens. With Leo ako lang lagi nakikinig sa kaniya eh. With Kier baka kung ano na naman ang isipin ni Chuck. Hindi naman ako relate sa topic ni Maya minsan. Iba talaga if you have a guy friend.
Natapos na rin yung quiz bee na walang masamang nangyari sa mga quiz bee-ers. Pumunta ako sa room. Kukunin ko kasi calculator ko sa locker ko. May naka'sticky note sa labas ng locker ko. Okay tatawagin ko nalang "A" itong admirer ko. Parang ganoon din naman kasi siya eh. Except lang talaga sa part na may plano siyang pahirapan at saktan ako. Well pinapahirapan niya ako sa pamamagitan ng pag piga ko sa neurons ko para malaman kung sino siya.
"Don't try to look for me. You'll be disapointed."
Ay. I was expecting another cutesy romantic note. Tinago ko pa rin yung note sa bag ko. Noong palabas na ako sa gate para hintayin si mang Ben. Nakita ko si Kier sa garden ng school may kausap na babae. Linapitan ko sila ng konte, pero sinigurado ko naman na hindi nila ako makikita.
Si Charlize ata yung kausap niya eh. Si Charlize or Char (pronounced as Shar) as she likes to be called, ay ang isa sa pinaka'magandang babae sa school. President siya ng cheerleading squad. Ang alam ko may boyfriend siya ngayon taga La Salle daw eh. Anong ginagawa niya kasama ni Kier? Baka nag'uusap lang sila.
Aalis na sana ako ng nakita kong umiiyak si Char. Yinakap siya ni Kier. Umalis na ako agad feeling ko kasi ininvade ko privacy nila.
***********************************************************************************************************
A/N si Francis yung picture.
BINABASA MO ANG
A Daydream Away
Teen FictionAng love story ng torpeng lalaki at tangang babae. Yung alam mo na mahal mo siya pero ayaw mong mawasak yung friendship niyo, kaya hindi mo nalang sasabihin sa kaniya. All you can do is keep her a daydream away atleast pag ganoon walang mawawala say...