Chapter 4: His Flirt Side

1 0 0
                                    

Umaga pa lang ay hectic na agad yung oras dahil sa nag long quiz agad kami para sa mga topics na na take up na namin kaya ng mag lunch na ay di pa rin ako lumalabas dahil sa may tinatapos pa ako.

Nang mag vacant na ay malaki ang pasasalamat ko kaya pumunta agad ako sa library para dun tapusin ang mga di ko matapos tapos na gawain sa room.

Nang makarating na ako sa library ay agad akong pumwesto sa isang upuan at agad na kumuha ng mga librong kakailanganin. At ng matapos na ako ay agad ko ng binalik at kumuha ulit ng panibagong libro sa tagong lugar ng library ngunit kukuha pa sana ako ng libro ng makarinig na naman ako ng ungol galing sa isang sulok kaya unti unti kong nilapitan dahil sa nakita kong laplapan habang ang lalaki ay nakasandal at yung babae ay nakapatong sa kanya at kahit di ko makita yung mukha ay alam kong si Felix iyon.

Matapos niyang sabihan ako ng 'you are mine' tapos makikipag landian lang pala siya?

Kaya di ko nalang tinuloy yung pagkuha ko ng libro at agad nalang akong lumabas sa library.

>>>>>

Lunch na at kumakain na kami ng tahimik.

"Guys how's school?" Pambasag na katahimikan naman ni Jacy ngunit walang sumasagot sa amin.

"Ikaw Jo kumusta yung school?". Nabigla ako sa naging tanong ni Jacy sakin kaya nabilaukan ako at agad naman akong inabutan ng tubig ni Jerome kaya nag thank you ako sa kanya at buti naman at di na ako kinulit dahil ibang tanong na naman ang tinanong niya.

"Pansin kong di na natin nakakasama masyado si Jade, san ba kasi nagpupunta yun?" Takang tanong niya na ikinasang ayon naman namin, at in-enjoy ko nalang yung pagkain at pilit iwinaglit yung nakita ko kanina.

At ng matapos na kaming kumain ay nagsi balikan na kami sa mga rooms namin at pagdating ko sa room ay agad na nakita ko naman si Felix na nakaupo sa tabi ng upuan ko kaya wala akong nagawa kundi umupo nalang doon at napansin niya naman agad ang presensya ko kaya napaayos agad siya ng upo ngunit di ko pinansin yun, hanggat maaari ay pakikitunguhan ko muna ng maayos to kahit ngayon lang pagkatapos ng klase hindi na.

"You're so silent". Untag niya na di ko pinansin.

Tahimik lang ako na nakikinig sa itinuro ng teacher namin ngayon ngunit napaigtad nalang ako ng bigla siyang yumakap sakin patagilid at isinandal yung ulo niya sa balikat ko pero di ko hinayaan yun kaya lumipat ako ng upuan at napa kibit balikat nalang siya hanggang sa matapos na ang klase na hindi na niya ako kinukulit.

Nang magsi uwian na ay lumabas na agad ako sa room ngunit sinundan parin niya ako pero di ko siya pinapansin hanggang sa inakbayan naman niya ako.

"C'mon i'll take you home". Sabi niya pero umiling lang ako.

"May kasabay ako". Sabi ko naman at gaya ng inakto niya kanina ay napa kibit balikat lang siya at hinayaan naman niya ako, at pagdating sa gate ay agad ko namang nakita ang mga barkada ko kaya sumabay na ako sa kanila.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon