Chapter 7: His Cold Side

0 0 0
                                    

Umaga pa lang ay pumunta na agad ako sa locker para magpalit ng PE since PE days namin ngayon kaya kailangan naka PE kami at ng makarating na agad ako dun ay nagpalit na agad ako at hinayaang bukas yung pintuan ng locker ko at nagulat nalang ako sa presensya sa may locker ko na parang may nilagay at pagkatapos ay naglakad rin agad papalayo kaya tinignan ko kung sino yun at nakita ko naman si Felix iyon at nakita ko na may lunch box at isang piatos at c2 kaya tinawag ko siya.

"Huy" tawag pansin ko sa kanya at tumigil naman siya saka lumingon sakin with his cold look.

"What?". Malamig niyang sabi sakin kaya sa halip na ma overwhelm ako ay pinilit ko paring ipainis yung boses ko.

"Ano to?". Tanong ko.

"Food, isn't obvious?". Sabi niya naman na ikinairap ko. Kelan pa siya naging pilosopo?

"Alam ko pero saan galing?". Tanong ko na umaasang sa kanya galing at hindi. Hays ang gulo-,-

"It's from Jacy". Sabi niya at tatalikod na sana ng magsalita ulit ako.

"Eh itong piatos naman? Galing sayo?". Tanong ko at may paru paro namang nagliliparan sa dibdib ko dahil sa pagsagot niya.

"No, that's from Jade". Yun lang at tumalikod na kaya napakunot noo naman ako. Anong nakain ng kambal na yun at namigay ng piatos sa akin. Kaya di ko nalang pinansin at nang matapos na akong magbihis ay umalis na ako.

Nang mag PE na ay kahit sports na ang mga ginagawa nila ay wala parin ako sa sarili dahil sa naiisip ko na di nama ganun yung kambal eh yung magbibigay ng walang sapat na dahilan.

'pero josephine andiyan na nga diba? Sinabi na niya na galing sa mama mo iyon?' sigaw ng isip ko.

Flashback>>

"Jacy?" Tawag pansin ko kay Jacy na naglalakad papunta sa room niya kasama si Jade kaya tamang tama dahil sa matatanong ko sila tungkol dito.

"Yes?". Nakangiting lingon niya sa akin kaya tinanong ko na.

"Totoo bang kay nanay to galing?". Tanong ko sa kanya at nakita ko naman kung paano sila magtinginang dalawa.

"Ha? Ah oo kanina kasi dumaan ako sa inyo kaso wala ka na dun tapos paalis na sana ako ng bigla akong tawagin ng nanay mo para iabot sayo yan". Sabi niya kaya napatango tango nalang ako.

"Eh itong piatos sabi daw ni Felix kay Jade to galing, totoo ba?". Tanong ko naman at nakita ko kung paano mamutla si Jade sa tinanong ko. Hmm parang may tinatago sila eh. Di ako kumbinsido.

"Ah--aray". Napakunot naman ako ng noo dahil sa biglaang pag daing ni Jade.

"Oo tama galing nga yan sakin hehe". Awkward siyang ngumiti sakin? Seryoso? Nagtatanong lang ako pero kung umasta sila parang natatae na ewan.

"Okay thanks". Sabi ko nalang.

"Sige Josephine ah mauuna na kami". Sabi naman nila at mabilis pa sa alas kwatrong nagsi karipas ng takbo.

Flashback End<<

"Ahh mababaliw na ako". Sigaw ko at bigla naman akong ginulat ni Jacy.

"Mababaliw saan?". Napalingon ako sa kanya.

"Ahh wala". Sabi ko nalang.

"Bat pala kayo kumaripas ng takbo kanina?". Pag iiba ko sa usapan at nakita ko naman kung paano umiwas ng tingin sa akin si Jacy, hmm i knew it may tinatago sila.

"May tinatago ba kayo sakin?". Kunot noong tanong ko sa kanila at agad naman siyang umiling sakin.

"Ha? Ah wala haha bat naman kami magtatago sayo? Kaibigan ka namin". Sabi niya kaya napatango lang ako.

"Siguraduhin niyo lang talaga". Sabi ko nalang.

>>>>>

Mabilis lumipas ang oras at hapon na ngayon at ensakto naman na inutusan ako ng guro na ibigay ang papeles or form sa faculty room kaya sinunod ko nalang.

Paglabas ko nakita ko naman si Felix na may kasamang mga babae at parang walang problema dahil sa pagtatawanan nilang tatlo kaya nakaramdam ako ng lungkot.

'tanginang damdamin to eh bakit ba ang sensitive ko naman?' tanong ko sa sarili ko kaya di ko nalang sila pinansin at mabilis na tinahak ang daan papuntang faculty room.

"So class were giving you a project about blah blah blah~~" di ako masyadong nakikinig dahil sa lumilipad ang isip ko sa lalaking yun. Tangina bakit kasi di siya mawala wala sa isip ko?

"This time were giving you a project about this expirement Ms. Samonte and Mr. Lee are the one handle this so where's Mr. Lee?" Tanong naman ng guro kaya napatingin ako sa kanya dahil sa tinatawag niya ang pangalan ko.

"Ma'am absent po ata?". Sabi naman nung isa. Pero dahil sa alam kong hindi naman kaya di ako naniwala sa kaniya at nakita ko naman na napailing iling nalang ang guro.

"So this is Ms. Samonte since you are the one was here aside from your partner so tell this to your partner about this project blah blah blah~~" di ko na siya pinansin na dahil sa bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa kaalamang siya ang partner ko kaya napatango tango nalang ako.

Nang matapos na ang klase ay lumabas na ako at nakita kong gabi na, nagabihan na naman pala ako hays.

So ayun habang naglalakad ako ay napapaisip ako sa mga sinabi niya sakin dati.

"Because you are my honey".

"Starting now you are mine Josephine, Mine Alone".

"And i'm make sure that i have you before this school year ends".

"Starting tomorrow, treat me as your greatest enemy".

"C'mon, stop acting like you're such a hard to get girl because we both know that you're not--".

"I miss you".

"WAAAA AYOKO NA LUBAYAN MO NA AKO". Sigaw ko sa kawalan at unti unti nang tumulo ang luha ko. Di naman ako ganun ka sama eh pero ewan ba dahil sa parang nalulungkot ako na iba na ang katawanan niya ngayon.

"Hoy ano yan". Nagulat ako ng biglang umakbay sakin si Jacy kasama si Jade at Jerome pero as usual wala si Allan, taken na yun kaya sa gf na siya sumasabay.

"Ah wala". Sabi ko nalang at pasimpleng pinunasan ang luha ko at agad naman niyang napansin yun.

"Teka umiiyak ka?" Tanong niya na ikinailing ko.

"Ah wala to, napuwing lang". Palusot ko.

"Sigurado ka?". Tanong ni Jacy.

"Si Felix ba?". Biglang tanong ni Jerome kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko naman na sa malayo siya nakatingin.

"Huh? Hindi ah? Bat ko naman iisipin yun?". Depensa ko.

"Dahil sa nakita mo kanina". Biglang sabi niya na ikinagulat ko.

"Ano bang alam mo?" Tanong ko sa kanya.

"Marami". At di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay niya kaya pumasok na siya. At speechless naman akong nakatingin sa gate nila. Ano bang alam niya?

"Ah josephine sige hanggang dito nalang kami ah?". Sabi naman ni Jacy at tumango lang naman ako.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon