Chapter 26: Forgiveness

0 0 0
                                    

Kinabukasan maaga akong umalis sa condo saka pumunta sa shop ko.

At pagdating ko doon ay yung babae nga na nasa counter area ang nandoon kaya binuksan ko na yung shop saka naman siya pumasok.

At magsisimula na sana siya sa trabaho ng bigla ko siyang tawagin.

"Hey". Sabi ko sa kanya at lumingon naman siya.

"Po?". Sabi niya naman

"What is your name again?".

"Ah". Napaisip naman siya

"Nathalie po". Sabi niya

"Nathalie Rodriguez". Napatango tango naman ako.

"My name is Josephine Clex Samonte". Sabi ko sa kanya na ikinagulat naman niya

"Call me Clex or Liklik". Sabi ko sa kanya at parang nakakita naman siya ng multo.

"Hey". Doon siya natauhan.

"Ah p-po?". Tanong ko sa kanya.

"May mali ba sa mukha ko? Ganyan ka makatitig". Sabi ko sa kanya at umiling iling naman siya sa akin.

"Ah haha wala poooo". Sabi niya.

"Wahh Ma'am Josephine? I-ikaw po ba yan?". Nagtaka naman ako

"Y-yes why?".

"Waaaa ma'am Josephine". Nagulat nalang ako ng yumakap siya sakin.

"Ma'am pa autograph po". Nagtaka naman ako

"Huh?".

"Idol na idol ko po kasi kayo ma'am waaa wish come trueeeee!". Tili niya.

"Huh? Bat mo ako naging idol?". Takang tanong ko sa kanya.

"Yung mga works niyo po kasi napaka nice po tsaka halatang may malalim na pinaghuhugutan kaya nakaka relate po ako. Updated po ako lagi sa inyo kaya po nung nag hiring kayo ay nag apply agad ako and luckily natanggap naman po ako". Sabi niya kaya napa overwhelm naman ako. Sa kabila pala ng mapait na karanasan ko noon ay may magiging fans rin pala ako.

"Thank you Nathalie".

"Waa ma'am pa autograph po". Sabi niya na agad ko namang pinaunlakan

"Sure". Sabi ko agad saka nag pirma sa mga gamit niya.

"Ma'am mara---".

"Wag ka na mag ma'am, Josephine nalang o di kaya Clex". Sabi ko naman

"Waaa thank you po talaga". Sabi niya naman.

"Wag ka na mag po, magka age lang naman ata tayo".

"How old are you?".

"24 po".

"Oh mas matanda lang ako ng isang taon".

"Talaga po?". Di makapaniwalang sabi niya at tumango naman ako.

"Oh siya mag trabaho ka na". Sabi ko sa kanya.

"Ang bait niyo po pala ma'am, akala ko po kasi bossy kayo di naman pala masungit hehe". Sabi niya. Kaya napatawa naman ako.

"Mukhang magkakasundo tayo nito Nathalie".

"Mukha nga po hehe".

Mayamaya nagsimula na nga siyang magtrabaho habang ako naman ay agad na pumunta sa museum kung saan naka display ang mga pininta ko at inisa isang tinignan ito.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon