Chapter 5: LQ Kako

0 0 0
                                    

Ngayong araw na to ay mag isa lang akong pumapasok dahil sa may sakit daw si Jacy ng puntahan ko sa kanila at si Jade naman ay maagang pumasok kaya ako lang mag isa ang naglalakad ngayon at nakita naman agad ako ni Jerome kaya sumabay siya sa akin.

"Ikaw lang mag isa?" Tanong niya at tumango lang ako.

"Saan si Jacy?" Tanong niya at nag kibit balikat lang ako.

"May sakit daw eh". Sagot ko naman kaya napatango tango lang ito.

Pagdating sa hallway ay dami na agad na grupo ng kababaihan at kalalakihan ang nabungaran ko, wala pa namang oras pero trip ko lang mamalagi sa room at hihintayin ang class hours.

At ng madaanan ko na yung garden ay nakita ko agad na may kasama si Felix na ibang babae na naman kaya agad uminit ang dugo ko dahil sa pag uugali nitong di ko maintindihan.

At ng mapansin niya siguro ang presensya ko kaya agad siyang lumapit sa akin pero di ko siya pinansin.

"Hi Josephine!" Masiglang sabi niya pero binara ko lang.

"Walang maganda sa morning ngayon lalo na pag nakikita ko yang pagmumukha mo". Sabi ko at nilampasan lang siya na naka kunot noo.

Pagdating sa room ay hindi ako umupo sa original seat ko, sa halip ay sa ibang bakanteng upuan ako umupo at saka nag earphone.

Nang dumating na siya ay nagsimula na ang klase at nakita kong papunta siya ngayon sa upuan kung saka ako umupo at pagdating doon agad siyang umakbo sa mesa ng upuan at tatayo na sana ako ng hinila niya naman agad ako kaya medyo nakaramdam ako ng pagka ilang, at nakita kong napatingin siya sa akin na seryoso.

"You're leaving again?". Sabi niya habang tinignan ako kaya napatingin ako sa kanya pero agad ko ring iniwas ng makita kong seryosong seryoso siya na nakatingin sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang nakinig nalang.

Nang mag lunch na ay dali dali akong nag ayos ng mga gamit ko at buti naman at nauna na siyang lumabas.

At ng maglalakad na sana ako papunta sa garden ng bigla nalang may umakbay sa akin at nakita kong si Felix ito kaya inalis ko yung kamay niya at dali daling naglalakad pero hinablot niya naman ako at pinaharap sa kanya na ikinabigla ko naman pero di ko pinairal yun sa halip ay hinarap ko rin siya.

"Pwedeng tigilan---"

"So that's why you're avoiding me?". Agad niya namang sabi na ikinatahimik ko.

"That's why you're avoiding me because you want me to stop?". Napipi na ako ng tuluyan.

"Huh? Josephine?". Sabi niya at nakaramdam naman ako ng takot sa sinabi niya.

"What if i don't want to?". Tanong niya.

"At bakit kasi sa lahat pa ng kinukulit mo bakit ako pa?". Bara ko sa kanya at nakita kong napangisi naman siya.

"C'mon, stop acting like you're such a hard to get girl because we both know that you're not--".

*PAK*

Napasapo siya sa pisngi niya ng sampalin ko siya.

"Wag mo akong itulad sa mga naging babae mo Felix dahil we both know na di ako kabilang sa kanila marami ka namang babae diyan diba? Bakit di nalang sila ang kulitin mo gaya ng pagkulit mo sa akin!". Sabi ko at saka nilampasan siya.

>>>>>

Nang mag hapon na ay di ko na siya nakita pang pumasok kaya nakaramdam ako ng pagka lungkot pero di ko ininda yun bakit naman ako malulungkot eh mabuti na nga yun eh.

Nang matapos na ang klase ay pinatawag muna ako ni ma'am para magpatulong magpa check sa mga sinagutan namin kaya tinulungan ko muna siya at ang resulta ay naabutan ako ng gabi at ng makalabas na ako sa paaralan ay naglalakad nalang ako tutal sa kabilang kanto lang naman ang bahay namin kaya nilakad ko nalang

Naglalakad ako sa gilid ng eskinita ng biglang may humila sakin papunta dun sa isang sulok at ng lingunin ko na sana siya ay mabilis pa sa alas kwatrong napasubsob ako sa dibdib niya.

' shems ang bango niya, heaven na ako nito ' sigaw ng puso ko ngunit agad namang kumontra ang isip ko

' heh josephine magsitigil ka ' sigaw ng utak niya ngunit biglang gumalaw ang lalaki kaya para akong binuhusan ng malamig ng tubig kaya agad ko itong tinulak at nabitawan naman ako nito at kunot noong napatingin ito sa akin

"What the hell---"

"Sino ka?" Di ko siya maaninag kasi gabi na at walang ilaw sa tapat ng pinaghintuan ko

"What?--"

"Manyakis ka manyak" Bigla kong sabi

"Wait---"

"Ahh wag ka na magsalita manyak ka manyak" sigaw ko saka tumakbo at agad nagtago sa may eskinita

At ng makita kong wala na siya ay saka na ako naglalakad sa may eskinita malapit sa amin habang nagtatakbo parin.

'sana lang talaga hindi na kami magkita pa ulit nun'

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon