Chapter 3: You Are Mine

1 0 0
                                    

Umaga pag pasok ko pa lang sa room namin ay agad na nakita ko si Felix na may kasamang babae at masaya naman silang magkausap nung babae na nasa upuan ko sana at dahil sa marami pa namang bakante dito ay sa kabilang pwesto ako umupo hanggang sa magsimula na yung klase.

Sa kalagitnaan ng pag tuturo ni ma'am ay biglang may tumabi sakin at nang silipin ng isa kong mata ay agad naman na nakita ko si Felix na umupo sa tabi ko kaya di ko nalang pinapansin at nagpatuloy lang ako sa pakikinig ngunit sadyang papansin talaga siya kasi bigla niya namang hinawakan ang bewang ko at inilapit niya ako sa kanya kaya medyo nagulat ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Hey, why you're not seating your original seat?" Sabi niya naman pero di ko nalang pinansin kasi naka pokus ako sa nagtuturo.

"Honey". Natigilan ako sa itinawag niya sakin.

"Di naman ako bubuyog". Sabi ko sa kanya kaya ngumiti naman siya ng pagka lawak lawak.

"I miss you". Sabi niya na ikinakilabot ko kasabay ng malakas na tibok ng puso ko na parang may paru paro na nagwawala dahil sa simpleng bigkas lang niya ay grabe na kung tumibok ang puso ko.

"Nakakakilabot ka Felix umayos ka nga!".

"I'm already Fixed Honey". Sabi niya kaya di ko nalang siya pinatulan kasi lalo pang magwawala ang puso ko kapag pinatulan ko pa siya.

After Lunch Time ay hinila niya naman kaagad ako palabas ng room at dinala sa parking lot na ikinakunot ng noo ko.

"Get in honey". Sabi niya, ayan na naman siya sa honey honey niya.

"Felix pwede ba? Wag mo akong tawaging honey? Di naman ako bubuyog at mas lalong di ka bubuyog para tawagin akong honey". Inis kong sabi na ikinatawa niya.

"Nah come on you're so cute honey ko" sabi niya na ikinairap ko.

"Ngayon may 'ko' naman---".

"Because you are my honey". Seryosong sabi niya sakin kaya medyo nabigla ako.

"Starting now you are mine Josephine, Mine Alone". Seryosong sabi niya na ikinatigil ng mundo ko.

>>>>>

"Kung alam niyo lang kung pano ngumawa si Allan nung nag away sila ng gf niya sus pare ang bakla mong tignan!" Pang aalaska ni Jerome kay Allan na ikinasama naman ng tingin ni Allan kay Jerome.

"Anong sabi mo?!".

"Hoy hoy tama na yan di naman kayo na mga bata wag na mag away".

"Ikaw kasi Jerome wag ka mang asar swerte mo kasi magkaklase kayo eh" sabi ni Jacy at marami pa silang pinag uusapan ngunit wala doon ang focus ko dahil sa sinabi ni Felix kanina ang focus ko.

Flashback>>

"You Are Mine Josephine remember that".

"Mine Alone". Pinal na sabi niya habang seryoso naman na nakatingin sa akin kaya di ako mapakali sa kinatatayuan ko

"Ah eh joke ba yan Felix?".

"No, I'm Not".

"Do you think i am joking?". Sabi niya naman habang taimtim na nakatingin sa akin.

"Ah hehe sabi ko nga di ka nagjojoke hehe sorry na" biglang sabi ko na ikinatutop ko bigla dahil sa kahihiyan na di ko ma figure out kung bakit.

"Let's eat". Sabi niya at saka ako hinila paupo sa passenger seat ng kotse niya di ko namalayang nasa tapat pala kami nun.

Flashback End<<

"Huy!?".

"AY PETRANG WALANG KABAYO?!". Gulat kong sabi na ikina hagalpak ng tawa niya.

"Jusko lutang lang Jo?". Tila di makapaniwalang sabi ni Jacy habang nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa kanila at pansin kong lahat ng kaibigan namin ay nakatingin sa akin pati na rin si Jerome na kanina lang ay si Allan ang trip.

"Baka may iniisip ka na ah Josephine, sabihin mo sino ba?" Tila na eexcite na sabi ni Jade pero di ko siya pinagtutuunan ng pansin.

"Magsi uwian nalang nga kayo hays" sabi ko saka lumiko sa isang eskinita dahil andun na yung bahay namin.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon