Chapter 33: Final Chapter: The Day

1 0 0
                                    

1 month ago.

Finally, sa dinami dami ng pagsubok na dumating sa amin. Ay napunta na nga kami sa araw na to na matagal na naming inaasam.

Sari saring paghahanda ang hinanda nila para sa araw ng kasal namin.

Oo araw ng kasal namin. Sino nga naman ang mag aakala diba na sa dinami dami ng pagsubok na dumating sa puntong nasubukan pa naming maghiwalay ay sa huli kami parin.

Well basta ba sa tunay na pag ibig ay walang imposible kahit gaano pa ka kumplikado.

"Congrats Beshie Jo kyaaaa i'm happy for you". Sabi ni Jacy saka ako niyakap.

"Congrats Josephine biruin mo? Kayo nga ni insan ang nagkatuluyan". Nakangiting sabi naman ni Jendrix kaya napangiti rin ako.

At kitang kita ko kung paano umirap si Jacy saka bahagyang tumalikod kaya nagtaka naman ako.

"Jacy. Kayo ba?". Tanong ko.

At nagulat naman ng bahagya si Jacy saka nagsalita.

"Naku Hindi/Hindi Ah". Magkasabay pa nilang sabi at saka nag irapan sa isa't isa kaya napatawa ako.

Mukhang may isusunod na ikakasal hmm.

"Hahaha okay sabi niyo eh". Ngiti ngiting sabi ko.

"Sabi niyo yan ah". Sinamaan naman ako ng tingin ni Jacy.

"What?". Natatawang tanong ko. At umirap naman siya saka umalis.

Sa simbahan na kami ngayon magkikita ni Felix dahil ayon nga sa pamahiin.

BAWAL DAW MAGKITA ANG BABAE AT LALAKI SA MISMONG ARAW NG KASAL.

Hays.....

So ayun sinunod ko nalang.

>>>>>

Pagdating sa simbahan ay ang dami na agad na tao ang dumalo.

At pinaabot naman na ng 5 minuto bago ako lumabas.

Nang dumating na ang 5 minuto ay pinagbuksan na agad ako ng pintuan saka inalalayang bumaba.

At nagulat ako ng makita ko si tito suot ang tuxedo na bagay na bagay sa kanya.

Hindi ko aakalaing andito siya.

At tumulo naman ang luha ko.

Dahil akala ko wala na akong pamilya na aattend sa kasal ko.

"Haist wag ka umiyak iha". Bulong niya habang nagsimula na akong maglakad.

"Baka aakalain ng mapapangasawa mo pinaiyak kita". Sabi niya kaya napatawa naman ako.

Nang makarating na kami sa altar ay binigay naman niya ako ni Felix at nakangiti naman akong lumapit sa kanya ganun rin siya.

"Alagaan mo ang inaanak ko iho". Biglang sabi ni tito at nakangiting tumango naman si Felix.

"Makakaasa po kayo..... Ninong". Sabi niya kaya napatawa naman ako.

At nagsimula na agad yung kasal.

Maraming basbas ang binigay sa amin ng pari bago ang pangako na matagal ng hinihintay ng mga dumadalo.

At ng dumating na kami sa punto na mangangako na kami o tinatawag na vows ay agad na tumikhim si Felix.

"Ikaw lalaki anong gusto mong sabihin sa mapapangasawa mo?".

"Ehem". Panimula niya.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon