Chapter 1: First Ever Met

6 0 0
                                    

Hinila ako bigla ni Jacy pagkatapos niyang magpaalam kay mama na isasama niya ako sa lakad niya, at ngayon ay tinatahak na namin ang daan patungong.

Wait ano to?! Bar?

Bat naman kami pupunta dito?

"Uhm as you can see Joseph dinala kita dito kasi gusto kong i celebrate na natanggap tayo sa isang kilalang school as a scholar student". Sabi niya na ikinairap ko, bat kailangan dito pa? Wala na bang ibang pwedeng puntahan? Sa dinami dami dito pa?

"Uyy alam ko yang irap na yan ah Josephine hayaan mo na kasi ako ngayon lang naman to". Pagsimangot niya saka nag pout sa harap ko.

"By the way naghihintay na sila sa bar" sabi niya na ikinalingon ko.

"Duh?! Sino pa ba? Yung iba pa nating dabarkads sina Jade yung kambal ko, si Allan at yung gf niya saka si Jerome" sabi niya at tumango tango nalang ako.

Pagdating namin dun tama nga si Jacy naghihintay na nga sila sa amin sa loob dahil nung pagpasok pa lang namin ay agad nagsi kawayan naman sila.

"Halika na". Sabi niya at nagpatianod nalang ako.

Nang makarating na kami sa kinaroonan ng isa pa naming barkada ay agad nilang pinatulan yung alak na di ko namamalayang hinanda na pala nila ng di pa kami dumadating.

"One more thing Josephine, makakasama din natin sila sa iisang school kaya sobrang saya ko kasi sama sama tayong lahat" sabi ni Jacy at tumango lang ako saka umupo sa sulok.

Wala naman akong panahon sa inom na yan baka pagalitan pa ako ni mama, di pa naman niya alam na dito kami pumunta ni Jacy.

"Uyy josephine ang tahimik mo uminom ka nga" sabi ni Allan ngunit tumanggi ako pero sadyang mapilit talaga siya

"Dali na kasi!"

"Uyy josephine wag ka naman kj inumin mo na" sabi naman ni Jade kaya no choice ako kundi inumin iyon ngunit wrong move kasi halos mabaliktad ang sikmura ko dahil sa pangit ng lasa ng alak na yun.

"Pwe! Anong klaseng alak ba yan?" Reklamo ko ngunit lahat sila napangisi lang, at sinagot naman ako ni Jacy.

"Jack Daniels with Whiskey yan" sabi ni Jacy na may kasamang wink pa.

"TANGINA SERYOSO?!" Murang sabi ko ngunit tumawa lang sila.

"Excuse me cr lang" paalam ko sa kanila.

"Sige lang Jo" sabi naman ni Jacy kaya umalis na ako at nagsi tayuan naman sila para pumunta sa dance floor.

Pagdating ko sa labas ng bar ay dumiretso agad ako sa mini garden saka umupo dun sa isang upuang mahaba ah basta di ko alam basta upuan siya saka bumuntong hininga.

Saka naman ako nahimasmasan dahil sa pagkahilo ko.

At magmumuni muni pa sana ako ng biglang may tumabi sakin kaya napatingin ako sa kanya ngunit halos matulala ako ng nakatingin rin siya sakin kaya agad kong binawi ang paningin ko sa kanya saka tumingin sa lupa ngunit umusog siya malapit sakin kaya amoy na amoy ko yung pabango niya na may halong alak na mabango naman pareho.

'taena josephine baliw ka na, lahat nalang mabango sayo may tama ka na' sigaw ng konsensya ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

'omaygash bakit ganito yung puso ko? Di ko naman to kilala pero nangingilala lang eh'.

"Hi/Hi" halos magkasabay naming sabi kaya napayuko nalang ako.

"Uh hi" ulit niya kaya napatingin ako sa kanya saka siya binigyan ng awkward na ngiti.

"I'm Felix" sagot naman agad niya.

"Uh Josephine".

"Nice to meet you josephine!" Sabi niya kaya ngumiti naman ako.

"Nice to meet you din" sabi ko naman saka nahihiyang tumingin sa kanya.

' tangina asan na ang tapang mo josephine? ' sigaw naman ng isipan ko ngunit iwinaglit ko lang yun.

"Is there something bothering you?" Sabi niya ngunit umiling lang ako saka tumayo na at dali daling bumalik sa loob ng bar, narinig ko pang tinawag niya ako pero di ko na siya nilingon dahil sa kahihiyang nararamdaman ko na di ko naman alam kung para saan.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon