Chapter 25: A Brand New Start

0 0 0
                                    

Maaga pa lang at pinuntahan ko na ang mga branch ko sa pilipinas na isa sa Tagaytay at isa sa Siargao.

Pero sa Tagaytay muna ang pinuntahan ko.

Nang makarating na ako doon ay agad na kinumusta yung mga employees ko.

"Uy si ma'am".

"Huy umayos kayo andiyan si ma'am".

"Hello po ma'am".

"Magandang umaga po at maligayang pagbabalik". Sabay na sabi nila na ikinangiti ko naman.

"Ang ganda niyo po sa suot niyo ma'am"

"Ma'am lalo ka pong nag blooming". Sabi nung isa

"Akala ko sa picture ka lang maganda ma'am sa personal din pala". Sabi nung isa kahit na ang totoo iritang irita na ako sa mga bola niyang salita.

"Kumusta ba kayo dito?". Sabi ko nalang kahit na sira na yung mood ko sa nagbola sakin kanina

"Ah naku okay lang naman kami ma'am" sabi naman nila kaya ngumiti lang ako.

"At dahil diyan may day off kayong lahat bukas". Sabi ko na nakangiti at tuwang tuwa naman sila.

"Pwera na nga lang sayo". Sabay turo ko sa babaeng nasa counter. Well lahat naman sila babae dahil mas may tiwala ako sa babae kesa sa lalaking entertainer kaya ayun.

"Po?". Gulat na turo niya sa sarili niya.

"Yes bakit? May iba pa ba? May kasama ka ba diyan bukod sayo?". Sabi ko sa kanya at bigla naman silang natahimik.

Halata na ngang siya eh tinatanong pa niya.

"Samahan mo ako bukas dito". Sabi ko sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Yung pang ngiting aso

"Ah eh hehe. Ah opo sige po walang problema yun". Sabi naman niya kaya ngumiti ako.

"Good".

"So for now can i stay here?". Tanong ko sa kanila at nagsi tanguan naman sila.

"Ah sure po opo walang problema yun po". Sabi nila saka nagsi alisan sa mga kutson at pinaupo ako.

"C'mon sit beside me wag kayo mahiya. Treat me as your co-employees na rin di naman ako nangangain, nangangagat nga lang". Tapos sinabayan ko ito ng tawa at awkward naman silang ngumiti

"C'mon ano pa hinihintay niyo?". Sabi ko sa kanila at umupo naman sila.

Mayamaya ay may mga customers na ring nagsi pasukan kaya sinamahan nilang magtingin tingin sa paintings kaya pumasok ako sa counter section.

"Ma'am". Napatingin naman ako sa babaeng kasalukuyan na may kinalikot sa calcu

"Ma'am alam niyo po bang isang araw may naghahanap po sa inyo dito? Lalaki po siya na chinito tas maputi then basta po ma'am ang pogi po niya". Sabi niya na parang kinikilig pa na kulang nalang may hugis puso na sa mata niya.

"What is his name?"

"Uh AFL po sinabi niya ma'am eh". Sagot niya na binalewala ko nalang.

"Baka tambay sa kanto yun, wag niyo papapasukin dito". Sabi ko sa kanya pero napangiwi naman siya.

"Eh ma'am mukhang malabo po kasi sa pananamit niya at kung paano umakto alam kong malaki pinag aralan nun ma'am eh". Sabi niya naman.

"Hmm okay?".

"Ano naman sinagot mo?"

"Sinagot ko po wala po kayo rito nasa ibang bansa po. Kung gusto ka pong makita eh puntahan ka po sa ibang bansa". Sabi niya.

"Did you told him the place where am i?".

"Ah hindi po ma'am". Sabi niya at nakahinga naman ako ng maluwag

"Di ko naman kasi alam kung saan kayo sa ibang bansa. Nung nag apply kasi ako dito ang sabi nasa ibang bansa ka lang walang sinabi kung saan". Paliwanag niya naman at tumango naman ako.

"Saan ka po ba sa ibang bansa ma'am".

"Wag mo ng alamin". Tanging nasabi ko at napatahimik naman siya.

Natapos ang araw na ganun lang ang cycle may papasok na customer, i-entertain, tas aalis at may papasok na naman, ganun lang yun.

At ng sumapit ang gabi ay nagsi out na naman sila kaya sinara ko na yung shop at saka umalis.

Di ko pa trip umuwi kaya nagliwaliw muna ako. Nakakamiss ang Pilipinas sa totoo lang, dito kasi ako lumaki kaya sobrang miss ko na siya.

Habang nagmamaneho ako ay huminto ako sa isang coffee shop at nag kape muna.

Naalala ko to dati nung pinapunta ako ng fiancé niya not to mention at dito kami pumunta.

Hmm in speaking of him, siguro kasal na siya ngayon. Matagal na almost 10 years hah siguro may anak na siya. Well congrats to the both of them.

Bigla naman akong nalungkot sa isipang baka nga, na baka totoo nga na kasal na siya pero bakit naman ako malulungkot ng ganito diba? C'mon let's move on hindi na ako yung Josephine na sobrang transparent. That's not me anymore.

Ininom ko nalang ang kapeng inorder ko saka tatayo na sana ng nilapitan naman ako agad ni Jerome.

At himala kasi kasama niya si Cassy.

"Woah what a miracle, kasama mo pa si Cassy haha". Sabi ko pa saka naman nilapitan si Cassy at napangiti naman ang bata.

Oh ang cute niya.

"Hi Cassy how are you baby?". Tanong ko sa bata saka ngumiti lang siya.

"Hi po".

"Woah". Nagulat naman ako sa pagsasalita niya. Kaya hinampas ko naman si Jerome na nasa tabi ko na napagitnaan nga lang kay Cassy

"Ang daya bat di mo sinabi?". Tanong ko sa kanya. At tumawa lang siya.

"Haha kahapon lang siya nakakapag salita". Sabi naman niya

"Baby, this girl is your tita. Soon to be mama call her. Say mama tita". Sabi niya kaya hinampas ko ulit siya.

"Mama tita ka diyan?". Tinaasan ko siya ng kilay. Tumawa ulit siya.

"Kidding haha". Sabi niya.

"Sayang gagawin sana kitang ninang". Sabi niya naman kaya napaalerto naman ako.

"Aba game ako diyan gago ka ha". Sabi ko sa kanya

"Shut up! May bata". Sabi niya kaya napatutop ako at hinampas ulit siya

"Aba't nakakarami ka na ah?". Sabi niya

"Gusto mo siguro ako noh? Uyyy gusto niya ata ako". Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Tse! Bat ako magkakagusto sayo eh aswang ka". Biro ko sa kanya.

"Eh aswang rin pala si Cassy". Sabi niya

"Tsk ewan ko sayo uwi na nga lang ako". Sabi ko sa kanya saka tumayo na

"Haha oh sige bye mama tita".

"Tse!". Napatawa naman siya at napapangiti rin ako

Soon magkakaroon rin ako. At sisiguraduhin kong si Felix ang ama

Oh shet ka Josephine ang landi mong gaga ka.

Napailing iling nalang ako sa naiisip ko saka sumakay sa kotse.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon