Chapter 9: Save Me

0 0 0
                                    

Weekend ngayon at maaga akong gumising para maghanda na para sana tumulong kay mama ng biglang pumasok sa mumunting kwarto ko si mama saka napatingin sakin.

"Nak may bisita ka". Nagulat ako sa sinabi ni mama.

"Po? Sino po?". Tanong ko.

"Aba ey di ko alam nak. Naku ke gwapo gwapong bata niya boyfriend mo ba? Ikaw ah nak bat di mo naman sinabi sa---".

"Nay anong pinagsasabi mong boyfriend ko? Eh wala naman akong boyfriend!". Pagtanggi ko sa kanya pero mukhang di naman siya kumbinsido.

"Naku ang mabuti pa diyan nak ey magpaganda ka na tapos bumaba ka at tignan mo ang gwapo mong bf este bisita pala". Sabi naman ni mama na parang natatae dahil kinikilig ba to? O ewan. Kaya wala na akong magawa kundi sundin siya.

At ng matapos na ako ay bumaba naman ako at nakita kong si Felix ito na pinagsisilbihan naman ni mama at panay naman ang ngiti ng mokong na to.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis kong sabi sa kanya kaya napatingin naman siya sakin gamit ang malamig niyang mga titig.

"Fetch you". Sabi niya habang umiinom ng kape.

"Ha?---".

"Remember the project?". Tanong niya saka nilapag ang kape at tumingin sakin. At napagtanto ko na tungkol pala sa project to, nag aassume naman ako agad.

"Fixed yourself. Were doing that on my home". Sabi niya kaya tumutol ako.

"Eh bakit doon pa?".

"Are you questioning me?". Tanong niya pabalik sakin kaya tumango nalang ako at nagbihis nalang.

At ng matapos na ay nagpaalam naman ako kay mama na aalis muna kami.

>>>>>

Habang nasa daan ay tahimik ang bumabalot sa amin kaya umidlip muna ako saglit. Wala din naman akong sasabihin.

Pagdating sa bahay nila ay naramdaman ko namang tumapik siya sa akin kaya naalimpungatan naman ako at nakita ko ang likod niyang papasok ng bahay kaya lumabas na ako at agad na sumunod sa kanya at namangha naman ako sa laki ng bahay nila na walang wala sa bahay naming balong balong lang at ng buksan naman niya yung pintuan ay mas lalo akong namangha sa lawak ng sala na parang kung ako lang siguro mag isa dito siguro maliligaw na ako.

"Uh nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ko naman.

"At business trip". Tipid niyang sagot.

"Here". Sabi niya sabay bigay sa amin ng project namin.

"Bring it on the swimming pool let's do that there" sabi niya sabay turo sa isang glass wall na sa tingin ko ay doon ang swimming pool kaya pumunta na ako dun.

Pagpasok ko pa lang ay mas lalo akong namangha dahil sa design na di mo aakalaing swimming pool pala dahil andun na lahat ng pandagat kaya inilibot ko ang paningin ko at wala talaga akong masabi.

Pagpasok niya palang ay nakita kong naka tshirt lang siya ng black na may tatak na 'supreme' na pinaresan naman ng white short pero kahit ganun bumabakat parin yung flexible muscles niya.

Bakit di ko man lang napansin yun nung nasa school ako?

Ang daya. Siguro kung ibang tao sasabihin na maswerte ako pero sa sitwasyon kong to malas ako.

"Done staring me?" Malamig na sabi niya kaya binawi ko agad yung paningin ko sa kanya gosh nakakahiya.

"Ano ba yung gagawin?". Tanong ko.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon