Chapter 21: The Opportunity

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay wala akong ganang pumasok dahil sa mga nalalaman kong parang bombang sumasabog sa puso ko.

No, hindi ako maniniwala sa kahit sino unless sabihin mismo saakin ni Felix iyan.

Nagmumukmok ako sa kwarto ko ng biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko iyon at nakita kong si Felix ito.

[Hello].

[Hon I-i miss you]. Sabi niya na nagpapatulo ng luha ko.

[I-i miss you too hon]. Sabi ko naman

[A-are you in school now?]. Sabi niya na parang paos kung magsalita.

[N-no. I'm at home now]. Sabi ko.

[Why].

[I'm not in the mood to go to school]. Sabi ko sa kanya.

[Can you visit me here hon?]. Tanong niya na sinagot ko naman agad ng oo

At mabilis pa sa alas kwatrong nag bihis ako para pumunta sa bahay nila.

Pagdating sa kanila ay katahimikan kaagad ang bumungad sa akin kaya agad akong pumasok sa bahay nila at pinuntahan siya sa kwarto niya.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay nilapitan ko agad siya at hinawakan siya sa noo niya.

Mataas pala ang lagnat niya at sa tingin ko para siyang nilalamig. Kaya dali dali naman akong umalis pero tatapak na sana ako paalis ng hinawakan agad niya yung braso ko.

"Stay here". Sabi niya kaya napatingin naman ako sa kanya. At ganun rin siya sakin habang nanghihina naman yung mukha niya na ng makita ako ay pilit niyang inaalis iyon.

"Stay here hon". Ulit niya.

"Kukuha lang ako ng bimpo". Sabi ko sa kanya at binitawan naman niya kaagad yung kamay ko kaya dali dali akong pumunta sa banyo saka nagpainit sa hot&cold doon pagkatapos nilagay iyon sa maliit na basin saka dinala sa kanya.

At nakita ko naman siyang nanginginig habang balot na balot sa kumot ang katawan niya. Kaya piniga ko yung towel saka pinunas sa katawan niya. Sa braso, sa binti niya, at nang ilalagay ko na sana yung panghuli sa noo niya ng hinawakan niya naman ang braso ko.

"Thats it hon?". Tanong niya

"How about my body, it feels hot there". Sabi niya na ikinapula ng pisngi ko.

"A-ah"

"Please". Natigilan ako sa nanghihina niyang boses kaya kahit labag sa kalooban ko. Pinaghubad ko siya ng damit at sa kauna unahang pagkakataon, nakita ko na yung 6 pack abs niya na nagsusumigaw at siyang ikinapula ng pisngi ko dahil sa naiimagine ko.

Pero pilit kong winawaglit sa isipan ko yun saka sinimulang punasan iyon ng bimpo at habang nag papahid ako ay nabigla ako ng hinawi niya ang hibla ng buhok ko at naramdam kong titig na titig siya sakin habang nagpupunas ako.

Pulang pula na ang pisngi ko ng hilahin niya ako kaya ang resulta ay napaupo ako sa tiyan niya habang titig na titig naman siya sakin kaya nabigla ako sa inakto niyang yun.

"Thank you so much hon". Sabi niya at tumango lang ako at saka naman niya ako binitawan, at nagpatuloy na ako sa pagpunas. At ng matapos na ako sa pagpunas ay kumuha naman ako ng panibagong damit saka pinasuot sa kanya.

At pumunta naman kaagad ako sa kusina saka nagluto ng sopas para kainin niya.

At ng maluto na ay dinala ko na sa kwarto niya saka siya pinakain at sinubuan na agad naman niyang kinain.

Nang matapos na ay binalik ko na to sa kusina saka pinaghugasan ang pinagkainan niya at bumalik na sa kwarto niya saka umidlip saglit.

Nagising nalang ako sa sigawan sa baba kaya napatingin naman ako doon saka binuksan ng kaunti ang pintuan ng kwarto niya at sinilip sila.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon