Chapter 16: Permission

1 0 0
                                    

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Felix at narinig ko namang tumunog ang phone na binigay niya kahapon lang.

/Good morning Hon. Eat your breakfast I'll bring your breakfast a while ago, so that your mom notice it/. Pambungad niya sa text niya at nagulat naman ako sa tinext niya. So ibig sabihin nakita siya ni mama?

/Is mama notice you too?/.

Mamaya niyan nag reply naman siya.

/Yes/.

"OMAYGASH PATAY NA! PAHAMAK KA TALAGA FELIX WAAAA PAANO NA TO? ANONG SASABIHIN KO KAY MAMA?" Sigaw ko sa gitna ng unan habang nagpapadyak

/But don't worry hon your mom is so nice to me. She was not mad at me eventhough i'm with your house last night/. Dugtong niya pa waaaa im doomed ._.

"KAHIT NA WAAAA". Nagulat nalang ako sa biglaang pagbukas nung pinto at iniluwa dun si mama.

"Nak ano nangyari?". Tanong niya na puno ng pag aalala.

"Mama". Sabi ko sa kalagitnaan ng unan.

"Ahh". Napagtanto niya naman ang pag over react ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nakita ko yung boyfriend mo kanina dito nak". Panimula niya.

"Sa totoo lang kagabi ko pa kayo napansin dalawa". Sabi niya at umupo sa higaan ko.

"Nag aalala ako na baka gumawa na kayo ng milagro kaya sinundan ko kayo dito. Na kahit konting silip man lang ginawa ko pero nagkakamali pala ako". Sabi niya.

"Masasabi kong seryoso siya sayo nak". Napatingin ako sa kanya

"Sana di mo na siya pakawalan pa". Sabi niya naman sa akin kaya napaiyak naman ako.

"Ma naman eh". Natatawa kong sabi habang may luha sa mata ko.

"Di ka po ba galit sakin?". Tanong ko sa kanya at nakangiti naman siyang umiling iling sakin.

"Hindi naman nak. Next year 18 ka na kaya nasa tamang edad ka na rin para hanapin ang para sayo". Sabi niya kaya niyakap ko naman siya

"Ma. Salamat talaga". Sabi ko sa kanya at tumango tango lang siya

"Oh siya bumaba ka na, kumain na tayo, wag ka na umiyak diyan baka akalain ng boyfriend mo pinaiyak kita". Sabi niya kaya tumawa naman ako

"Oo na po".

Pagdating sa school ay napamaang ako sa katahimikan nila. Akala ko pa naman late na ako, di pa pala. Kaya pumasok nalang ako kahit na may guro na at di naman ako sinita ni ma'am.

"So you are now completed". Panimula niya kaya nakatutok naman ako sa kanya.

"Today is wala kayong pasok kaya malaya kayong makakauwi ng maaga para mag impake". Sabi ni ma'am.

"Saan po ba ang punta ma'am?" Tanong ko naman at ngumiti lang si ma'am

"May 1 week field trip kayo kaya enjoy your day doon wag ka mag alala sagot ng paaralan ang services". Sabi niya at saka nag dismissed na para sabihin sa iba pa naming ka batch ang nasabing event.

Nabigla nalang ako ng may yumakap sa bewang ko saka inihilig ang ulo niya sa balikat ko.

"Oh andiyan ka pala?".

"Yes hon". Sabi niya. At nasanay naman ako sa pagtawag niya sakin sa ganun

"Kailan ba tayo aalis?".

"Tomorrow." Sabi naman niya kaya nabigla ako at napatingin sa kanya at tumingin naman siya sakin.

"Bukas agad?"

"Yes". Nakangiting sabi niya saka napunta yung mukha niya sa leeg ko.

"And just like what i did last night. Im sleeping in your home tonight so that we're heading there together tomorrow". Sabi niya naman.

"Nakakahiya na uy".

"Nah".

"I don't care hon, eventhough it's so shame to us to be with you then i'll do it just to be with you". Sabi niya kaya di nalang ako kumontra kasi gusto niya talaga edi sige pagbibigyan ko nalang.

Pagdating sa gabi ay maaga namang nagpakita si Felix kay mama at ngiti ngiti naman itong nakatingin sa amin.

"Mama".

"Yes nak?". Nakangiting sabi niya na ikinairap ko naman, hello? Ako ang original na anak dito pero parang wala man lang silang pake sa akin

"I just want to ask a permission on you if mind if i'll borrow your daughter for just one week". Sabi niya na ikinakunot noo naman ni mama kaya nag ako na ang nag explain

"Nanghihingi siya ng permiso sayo na kung pwede daw ay hihiramin daw muna niya ako ng isang linggo"

"Aba bakit naman?".

"Field trip". Tipid na sabi ko.

"Ah ganun ba? Naku---"

"I'll give you the allowance to your expenses here mama". Sabi naman niya na ikinamaang ni mama

"Ano kamo? Allowance?". Takang sabi ni mama at tumango lang kami.

"Here mama". At may iniabot namam siyang limang piraso ng papel na libo kaya nanlaki ang mata ni mama sa perang binigay ni Felix sa kanya

"Ang laki naman nito iho".

"That's for you mom, keep that". Sabi niya

"Ay naku ey payag na ako. Nak sumama ka na sa kanya". Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mama. Seryoso? Ganun ganun nalang yun?

"Mama seryoso ka ba?". Gulat na sabi ko at tumango naman siya habang may matamis naman na ngiti sa labi.

"Okay lang ako dito nak sige na". At napa buntong hininga naman ako. Hay naku mama. Napailing iling nalang ako.

Pagkatapos naming kumain ay nag presinta na akong maghugas ng plato at tinulungan naman niya ako.

Nang matapos na ay umakyat na kaming pareho sa silid saka ako humiga sa higaan ko at nagulat nalang ako ng bigla akong hapitin ni Felix papalapit sa kanya.

"I realize that you are different hon". Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at ganun rin naman siya kaya napaiwas ako ng tingin ng bigla niyang iangat ang baba ko saka niya unti unting nilapit ang mukha niya kaya napapikit ako pero nanlumo naman ako ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

"Bakit mo naman nasabi na iba ako h-hon?". Tanong ko sa kanya at tumawa naman siya.

"Everytime you call me hon also, it sounds cute". Puna niya na ikinatakip ng mata ko.

"Hmp! Minsan na nga lang ako magtatawag ng ganun tas tatawanan mo pa". Maktol ko at humingi naman siya ng tawad

"I'm sorry hon". Sabi niya

"Let's sleep?". He ask at tumango lang naman ako

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon