Chapter 15: Surprise

1 0 0
                                    

Ngayon ay activity month na at lahat kami ay makikilahok sa mga activities gaya ng music month, singing month dance month, drama month at art month at nakabilang ako sa art month at si Felix naman ay nasa music month bale magkaiba kami kaya nag strum siya sa guitar niya habang ako ay nasa art room at nagsimulang magpinta, at mga pininta ko ay yung mga bagay na posibleng magkakatotoo sa totoong buhay hanggang sa matapos na ang pagpinta ko ay pumunta na kaagad ako sa library ngunit di pa ako nakakarating doon ng may biglang humablot sa buhok ko at hinila ako papunta sa likod ng school at nang makarating dun ay saka ako sinabunutan at pinukpok ang paa ko hanggang sa napaupo ako dahil sa sakit.

"Ang kati kati mo talagang babae ka eh kay bago ka palang dito kung makalandi ka dinale mo na lahat, ahas ka! Ahas ka!". Sabi ng isa sa alipores ng leader nila.

"Ano ha? Lumaban ka, ipakita mo yang lakas mo". Sabi pa niya.

"T-tama na". Sabi ko pero tumawa lang siya.

"Hah tama na?".

"Bakit kapag ititigil ko na to ay titigil ka na rin?". Tanong niya.

"Bitawan niyo siya". Nagulat ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Si Jacy.

"At sino ka naman?".

"Tangina di na mahalaga yun, bitawan mo bestfriend namin". Sabi pa niya at saka sinugod ang babae kaya napabitiw ang babae sakin at bigla naman akong hinawakan ngunit nanlumo naman ako ng si Jerome ito. Nasan ba si Felix?

Masyado ata akong umaasang siya ang magliligtas sa akin.

"Tara na". Sabi ni Jacy. At tumakbo na kami.

Pagdating namin sa hallway ay bigla kong tinanong si Jacy kung nasaan si Felix.

"Besh ano na pala nangyari sa inyo dalawa?". Tanong niya naman pabalik.

"Huh?".

"I mean ano na? May works na ba?".

"Ah eh". Napakamot naman ako sa buhok ko. Sasabihin ko ba? O hindi.

"S-sinabi niya na gusto niya ako". Sabi ko sa kanya at tumili na naman siya and with a second glance, nakita ko kung paano matigilan si Jerome ng sabihin ko yun.

"Gosh ang lapit na talaga kaynis si Felix, ang tagal naman niyang sabihin yun gosh i think i should do the move". Sabi niya na ikinakunot noo ko. Huh?

"Jacy ok ka lang? Anong sinasabi mo na you should do the move?". Takang tanong ko at napaiwas naman siya ng tingin.

"Ah wala hehe". Sabi niya tsaka napakamot naman siya ng ulo.

"Uh espren may sasabihin sana ako, wag mo to sasabihin sa kambal ko ah?". Sabi niya naman at tumango kaagad ako.

"Gosh natandaan mo yung binigyan kita ng lunch box tsaka isang piatos at c2?". Tanong niya at tumango nga ako oo natandaan ko yun. Ano meron?

"Ang totoo kasi niyan---".

"Huy Jacy". Nagulat si Jacy ng bigla siyang tawagin ng kambal.

"Halika na. Dada ka na naman ng dada eh". Napakamot naman ng noo si Jacy.

"Aish gooossshhhh sakit ka sa ulo Jade". Sabi niya.

"Eh ano ka? Hindi?". Sabi niya naman pabalik kaya napatawa naman ako.

"Tama na yan, away pusa na naman kayo. Baka magkatuluyan kayo". Sabi ko at sabay naman silang napa eww.

A LOVER AND A HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon