CHAPTER 1

26 2 0
                                    

Benjo
Mula sa Daet ay iniluwas na lahat ng Kuya Biboy niya sa Manila ang mga kalapating nahuhuli sa palayang sinasaka niya. Kapatid niya si Biboy, siya na ang pinakapanganay sa apat na magkakapatid na pawang mga lalake. Lima silang lahat na naging mga anak ng mag-asawang Benjamin at Elena Sandigan. Babae ang totoo ng panganay na namatay. Natutukso sina Amang at Inang dahil walang nalihis sa anak nila na pawang ipinanganak ng Mayo. Mayo uno ang birthday ni Kuya Biboy. At sunod-sunod na ang birthday nila na ang huli ay Mayo disiotso,  kay Ate Benilda iyon -Bidang ang palayaw niya . Sinadya daw ng mga ito ang date kung kailan magsisiping. Iyon ang kuwento sa baryo. Halos ganoon nga kasi ay nagpa-family planning silang dalawa. Tama lang daw ang dalawang taong agwatan para hindi bugbog si Inang sa panganganak. Bukod pa sa parehong Mayo sina Amang at Inang, katapusan halos, 29 at 30 na magkasunuran. Ayun, si Inang lang ang edad sisenta anyos sa baryo na matikas pa sa pangangatawan at hindi sakitin. Unlike doon sa ibang babae na kaedaran niya na tadtad ng mga sskit sa katawan nila. Karamihan ay osteoporosis problem,  ang mga buto nila ang problema, maluluyong na. Dalawang taon ang agwatan nilang magkakapatid, si Ate Bidang ang panganay, isang babae. Sunod-sunod na lalake ang salansan sa pagkakasunod na. Bata pa nang mamatay si Ate Bidang , fourteen years old lang. Pulmonya daw ang sakit nito. Ang tubig sa baga niya ay hinugot ng mga doctor ng hospital pero hindi na naka-recover si Ate na ikinamatay niya. Sa kuwento na lang nila niya nabubuo ang lahat dahil apat na taon pa lang siya noon, total na wala pang maunawaan sa mga nangyayari sa paligid. Si 'Balong ko' ang tawag sa kanya ni Ate Bidang, kasi siya ang bunso--my sweet darling little brother. Iyon lang  ang natatandaan niya sa Ate Bidang niya. Palayaw lang iyon para di humiwalay sa letter B ang tawagan nila-- Bidang , Biboy, Badong, Bornok at Balong. Siya ang junior ng pamilya. Pero sa mga barkada ay Benjo ang tawag sa kanya, palayaw na mula sa Benjamin.
"Balong, may alam ka bang pwedeng pagbebentahan ng mga kalapating 'to?" tanong ni Kuya Biboy sa kanya.
Dalawa ang market site na alam niya, sa Gasak at sa Recto, sa lugar ng Aranque Market. Mula noong ni-renovate ang palengke sa Pasay, Cartimar, ay nawala na ang bagsakan ng mga wild animals doon. Buti pa sa Aranque ay nanatili. "Nag-aksaya ka lang ng pamasahe sa pagluwas n'yan dito Kuya Biboy," aniya sa kapatid.
Napatitig ito sa kanya, "Bakit naman?" maang pa ito sa kawalan ng malay niya sa mga race birds. "E binibili ito doon sa atin ng mga taga-Manila ng tres syentos. E kako baka mas mahal dito kung tayo ang magbebenta." anang kuya niya.
    Napapailing na nalingon niya kay Cristy na lumabas na ng bahay para bumati rin sa Kuya Bitoy nila. "May dalang mga kalapati si Kuya Bitoy. Gustong maibenta dito. Tres syentos lang daw ang bilihan doon. " salubong niya sa asawa na tila pormang karawan  ng dating  niya. Kahit na di ayos ang pakiramdam nito ay kaya niyang  pangitiin ang asawa, "E kako bakit di pa doon ibinenta gayung tres syentos na pala ang alok na presyo. Ayos na iyon  kasi sa alam ko ay sisenta pesos lang ang mga iyan dito sa atin. Sayang kako ang perang ipinamasahe niya." At napuna niyang parang nangulimlim lang lalo ang  mukha ni Cristy nang makita ang mga kalapati. "May nasabi ba akong di mo gusto?"
"W--wala," Iling nitong pilit siyang paniwalain na hindi siya nabalino nang makakita ang mga kalapati. Sa pakiramdam niya ay parang may trauma siya sa mga kalapati? Iyon ang naiisip niya.
Kahit si Kuya Bitoy ay napuna agad ang pamumutla ng mukha ni Cristy, nagkulay suka na kasi ang mukha niya, namutla Maputi pa naman siya kaya kitang-kita iyon. Kaso iba ang dating niyon kay Kuya Bitoy, sa tantiya niya ay parang naupasala ito ng asawa niya. Hindi nga  siya namali.
"Hindi na bale Cristy, bukas lang e ididispatsa ko na lahat ito," ani Kuya na tinapik pa'ng screen box na pinaglagyan niya sa mga ibon. Medyo malakas ang pagtama ng apat na daliri sa gilid ng hawla. Ang mga kalapati ay nagkagulo sa loob ng screen cage, umungol ang mga barako.  Halata niya na may tampo ito sa asawa niya. "Isang gabi ko lang dito sa inyo ilalagak. Bukas ay pauwi na ako ay idadaan ko na lang ito sa buyer ko. May iniwan siyang address sa akin." tapik nito sa likurang bulsa ng pantalon niya.
    Itinaas na ni Cristy ang isang kamay sa pag-awat kay Kuya Bitoy. Umiiling pa ito na parang gustong humingi ng dispensation kay Kuya. "Hindi Kuya Bitoy, hindi ako galit sa iyo. Sorry sa nakita mo ss akin. Nagulat lang ako sa quality ng mga pigeons na dala mo. Ibang klase ito ng mga kalapati, may lahi kasi lahat iyan,  tapos  e tres  syentos lang?" turo nito ang isa na may ink ang isang bagwis. "Mga inilaban ito sa mga karera ng mga kalapati," turo naman sa isa pa na may bilog na tatak sa pakpak.. "Hindi lang tres syentos mabibili ito, mas mataas pa."
  Kung bumuka ang bibig ni Kuya sa sinabi ni Cristy ay mas lalo na siya. As far as he remember last year ay isang kaibigan niya ang ibinibigay sa kanya ang mga alagaan niyang kalapati, titigil na raw sa pagsali sa mga pigeon races kasi approved na ang petition sa kanya ng epa niyang nasa Toronto, Canada. Wala siyang pag-iiwanan ng ibon niya kaya ipinamimigay.
     "Subukan mong mag-race ng mga kalapati aalis ako dito iiwan kita!"
  Maraming tanong na bumangon sa isipan niya kung bakit?  Kaya to ease down sa tampuhan ay inayawan niya ang ibinibigay ni Peter. Ng ayon siya naman ang angat ang kilay sa ibinubuga nitong kaalaman sa mga pigeon.
"Magkano  ba mabibili ang mga ito?" agad na tanong niya sa asawa, kaipala'y para malaman ang alam nito sa pag-aalaga ng mga kalapati. Kasi ang alam niya'y pinakamahal na ang five hundred pesos na tulad ng binili ni August, yung kaklase niya noon sa high school na mahilig din sa kalapati. Five hundred pesos ang isang white pigeon na ang sabi pa niya ay pang-display ay mistisong German Beauty daw. Dalawang libong pisong mahigit daw ang pure breed noon. Tango lang siya para di ito magtampo sa kanya si Matt pero sa loob-loob niya ay todong panghihinayang sa ibiniling pera. Yung si Pilo ay sumundot pa na kulang na lang ng kwatro siyentos pesos ang pera niya para mabili na'ng gusto niyang Globin. Mas mahal daw ang isang pares noon. Ngayon ay ginulat siya ni Cristy dahil may alam ito tungkol sa mga pigeons. Nasa asta niya ngayon na maalam siya sa mga ito.
     "Piliin ninyo ang may tag na PHA may presyo ang mga pigeon na iyon," feed ni Cristy, iniiwasan na nitong mapatingin sa kanya. Siguro'y nakahalata   ito sa alanganing iniisip niya sa kanya.Ang sagot sa mga nasa isip niya na mga tanong ay sinabi rin. "Dati akong pumasok sa isang pigeon race club. Association iyon ng mga fancier, mga pigeon hobbies na ikinakarera ang mga kalapati nila sa malalayong lugar, laging pinagpupustahan pa."
    "Di mo pa sinabi sa akin iyan ha?" kunwa ay may tampo siya pero ang target niya ay makadampot ng mga impormasyon tungkol sa mga kalapati. Nakakainteres yung sinabi niyang malayuang karera. Totoo kaya iyon?
"Dalaga pa ako noon, di pa kita kilala, " ngiti na nito sa kanya.
"Anong trabaho mo doon?"
"Registry ng load training sa toss site. Tapos sa race day ay bonding ng mga entry birds. Sa araw ng  arrival ay sa computer ako naka-assign, nagpi-feed ako ng mga records sa computer ng mga arrivals."
"Di mo sinabi iyan sa akin," usig na niya dito.
"Dalaga pa ako noon at student ng STI. Partial job iyon na pasimula sa six ng gabi hanggang sa ten pm. Loading time sa mga trainings ng mga race pigeons. Three times a week lang. Nababago lang kapag race season na trice a week din pero mas mahaba ang oras sa pag-aabang sa mga arriving contestant birds. Programmer ako ng mga records at parang call center agent na sumasagot sa mga tanong ng mga members-- through text messages at voice calls."
No lies on Christy's eyes. She can tell it fast without any hesitations. "Why just now?" he asked her in English, his brother can't understand it kasi ay tamad mag-aral kaya grade two lang siya. E sino bang hindi tatamarin doon sa baryo, six kilometers na lakaran, one way lang. Ang layo ng paaralan nila. Tapos natatapat pang tag-ulan. Buti siya ay isinama ni Papang sa Manila noong nadistino siya dito ng construction. Sa isang uncle siya inihabilin. Tapat ng paaralan ang bahay ni Uncle kaya kahit walang baon ay pasok siya ng pasok. E binata si Uncle Bornok kaya silang lang sa silid na inuukupahan nito. Ang tatlong parte pa ay ipinaupa niya para panggastos nila. Siya ang naglalaba ng mga damit nito at nagsasaing. Si uncle naman na pumapasok sa isang machine shop ay bibili lang ng ulam sa labas. Kasi wala na siyang time para mamalengke at magluto pa.  Rush lahat ang mga tinitorno nila kaya madalas  overtime. Yun din ang rason ni Papa sa dahilan ng pagtira niya dito, para nga may kasama si Uncle Bornok sa bahay. May pagkasilahis si Uncle kaya natutukso sa baryo nila so he selected na lumuwas sa Manila. Pumasok siya sa TESDA. Beauty Culture sana ang  target niya peroo nasa isip niya ang mga panglalait sa kanya doon sa baryo. Machine shop works  instead ang tinapos niya. Working as a machinist at Baclaran ay malapit siya sa mga bookies ng  race horses at sa tayaan ng  easy-two. Lucky bettor siya dahil twice a week ay may tinatamaang taya siya.  Ang bahay na ito ay sa boss niya sa trabaho. Ibinenta sa kanya nang lumipat na ito sa bagong bahay nila. Ito na ang bahay na alam niyang kay Uncle Bornok. It was a big suwerte for him nang humina na ang trabaho nila ay naipundar na ang bahay na ito. Siya ay napatapos na nito sa college. Higpit uli ng sinturon.  Sa apat na order ng kanin at isang order ng ulam ay solve na silang dalawa. Aminan na, sa totoo lang, mas kinikilala niyang ama si Uncle Bornok kaysa sa tunay niyang tama. Siya naman ay masahol pa sa tunay na anak ang turing nito. Siya rin ang gumastos sa pag-aaral niya sa college. Madalas nga nitong sabihin sa kanya na ingatan niya ang bahay na ito dahil walang iba pang mag-mana nito kundi siya. Eksaktong nakagtaduate siya nang atakihin sa puso si Uncle Bornok doon sa trabaho niya. Patay na siya noong datnan niya sa hospital. Sobrang lungkot niya, si Cristy ang nagtiyagang magpayo sa kanya. Four months later ay nagpakasal sila sa huwes.
Nangingiti pa si Cristy sa kanya na hinawakan ang isang kalapati, itinihaya iyon para tignan ang suot nitong ring. "You know nothing about this race birds. Wala itong magiging kabuluhan sa ating relasyon," anito na itinuro ang isang parte ng singsing na may nalasuksok na parang metal. "May hidden number ito sa loob, entry tag na issue sa owner at the time of the race...na nababasa lang ng isang sensor machine, isang electronic pad for clocking system."
"Hindi pala pwedeng walang pera sa pigeon racing, mahal ang pang-clock--GPS pa ha?"
"A certain club using it--PHA. Some others too are using it like the MMFC or the PFC, known pigeon racing association who are accepting members using cell phones."
Gulat siya sa sinabi ni Cristy. "Cp talaga?"
"A club must had an access to YONA which is sponsored by both Globe and Smart. "
Dinilaan niya si Cristy, style niya kapag nasusukol siya nito. Natawa na ito. Si Kuya Bitoy na ang inasikaso niya. "Sige kuya ako ang magpi-feed ng mga kalapati mong ito sa computer. For sale, lost race birds. Mga seven hundred pataas ang presto niya depende sa lahi ng mga iyan."
"Salamat hipag,"
"Iwan na lang ninyo sa amin ang mga ito. Papaliguan ko pa po at aalisan ng sipon para kuminis ang balahibo nila at lalong mabilis at magandang maibenta."
"O di ikaw na ang bahala dyan sa mga ibon. Hatian na lang tayo sa tutubuin."
"Baka abutin ito ng one month sa amin bago maubos. Ipapa-money order ko na lang ang pera ninyo."
"A, e..."
Pamasahe papauwi." Kuya stay ka muna dito ng isang araw. Miss na kita," senyas nito sa inom "May Hennessey ako dyan, shot tayo tapos kwentuhan mo nga ako ng mga nangyayari sa inyo doon sa ating baryo."
Niyakap siya ng kuya niya.

Hindi dalawin ng antok si Cristy buhat noong makita ang mga kalapati. Sa dalampung nadala ni Kuya Bitoy ay may anim siyang hindi maalisan ng tingin. Alam niyang mga matataas pa ang mga dugo ng mga ito at mabibili ng mahal. Isa na yung marungis na grizzled dirty white at may singsing na pulang oblong na association band. Haka niya na ito'y isang Melucci o kaya ay Thornier o ang Lolita ni Rey So. Much better kung tama ang hinala niya. Mabilis niya itong maipapasa ng five thousand pesos. Sinilip agad niya ang butas ng lalagyan ng sensor. Intact iyon, buo pa. E di mas okay. May pag-asa pang ma-detect kung sino ang may-ari. Sa katawan siya tumingin. Collapse pa ito, di pa nakakabawi ng katawan kahit napahinga na. It is not in a proper condition, ika nga. Mangyayari nga iyon kasi wala namang alam si Kuya Bitoy sa recovery program ng mga galing sa race. Basta pakain lang at painom ay ayos na. Di na ito dumaan sa amino supplementation para sa muscle recovery program-maghilom ang mga loose muscles niya at right cleansing program para mabura na ang latak ng carbo loading ng nakaraang race. Hinala niyang naubusan ito ng lakas dahil napalayo ng lipad, saliwa sa direksyon ng pauwi at di na nakayang ilipad pa'ng pabalik sa Manila kaya namahinga sa Daet. Na-trap pa. Tinanggap niya ang pagbibenta dahil one month nang tapos ang South races. Lulutang na mga nahuli ito sa daan at hindi ninakaw. Ang on going race ngayon ay ang open race Summer Race. You can race anything kahit iba ang band, fake na band o ang band ng ibang association ay accepted. Baka nga siguro ay nangangalahati na ang training ng Summer races.
Sinubukan niya'ng buksan ang record ng PHA. Ayaw, may password na kailangan para mabasa iyon. Out na kaagad siya. Sumubok sa ibang association kung makaka-hack siya ng records . Ayaw din. Sinubukan niya sa PFACP, ang dating pinasukan niya. Wala ring record na makuha kahit gamitin pa niya ang password na binigay niya sa association. Sa halip ay sinagot siya ng computer na dis-banded na ito two years ago na. Mga lumang records ang lumilitaw sa tube niya. Sinubukan niya ang ten years ago noong huli siyang nagsilbi sa club. Lumitaw na ang mga records ng mga races noon. Scan niya record ng special race result ng McArthur, Leyte. There, nakasalansan ang mga winners at ng mga nakapagpauwi at naka-clock . Sa pang-onse ang flyer ni Zandro Roantis. Sa footnote ng mga legend ng flyer ay nakatatak ang mga sinalihang races ng ibon niya. Superset, old bird category, last three laps at off color race. Iisa ang band number meaning ay one bird entered in four categories. But the record stated he took nothing, talo siya. Naningkit ang mga mata ni Cristy. She can't forget this man.

Let Me Fly That Horizon.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon