CHAPTER 8

10 1 0
                                    

Benjo
       Matapos magpakain ng mga flyer ay pakakawalan ni Cristy ang mga ito. Sabay-sabay lahat pati na ang mga males at females sa vicinity trainings. Sa mga binisita niyang mga loft ay ang mga lalake ay hiwalay sa training ng mga babae para hindi sila magparesan. Di iyon sinusunod ni Cristy. Dahil aniya ay mga bata at mga ito ay hindi pa naglulugon. At their six months na lang niya gagawin ang hiwalay na  vicinity trainings. Nasa flying  pen na ang mga ito at hagilap na niya ang tali para buksan ang cover.
     "Sabayan na silang lahat?" at tanong niya dito.
      "Oo," sagot nitong hinatak ang tali. Pagka-level ng cover ng ninety degress ay unahan ang mga ito sa pagtakbong papalabas na parang nagpapaligsahan na makaangat agad sa ere. Ang black and white na  Emmiel male  flyer ang nasa unahan. Breed ito ni Cristy. "Inalisan ko ng singsing ang first clutch na kapatid ng kalapati ng iyan."
      Maang siya. Pili niya iyon sa ibang batch ng mga siningsingan niya. "Bakit?"
      "May bali sa pitso niya. Di rin pantay ang tubo ng dibdib."
      May problema ba iyon sa paglipad? "Anong kaso niyon sa mga flyer?" tanong niya.
      Parang kumekendeng ito sa pagmumustra. "Hindi pantay ang lipad niya, kumakabig sa kaliwa. Parang saranggola na sa kaliwa niya kumikiwal kaya di ayon sa bayo ng hangin. May kilya. "
     "Ano ang kuneksyon nito sa actual na karera?"
     Ngumiti si Cristy sa kanya na hagilap ang isang eight feet na one by one square na kahoy. Sa dulo niyon ay may nakasabit na orange flag not red which others usually used, pangbugaw sa mga pigeons. Itinusok iyon sa isang de dos na tubong bakal. Pinagagalaw ng hangin ang tela na lagpas sa bubong ng loft ng halos four feet. Paglagpas ng mga flyer sa six floor na bahay na katabi nila ay tanaw ng mga kalapati ang flag.
Lalong bumibilis ang mga kamay ng mga ito. Sa muling paglabas ng mga ito sa pagkakatabing ng gusali at napasimangot si Cristy. "Kaya pala ayaw tumaas ng lipad ay isinabay na naman ni Shaun ang dalawa niyang  netoy!" inis nitong umabot ng isang baby whistle bomb at ipinatong sa ibabaw ng loft at sinindihan iyon gamit ang luma nilang burner lighter. Sumindi ang mitsa kaya atras ng kaunti si Cristy. Inabot ng baga ang loob ng mini rocket kaya sumipol iyon habang papataas. Ni di iyon nakalagpas sa six floor building ay pumutok na. The sound ay mas malakas dahil sa pagbalagbag ng tunog sa wall ng gusali. Nataranta ang mga pigeons kaya lumipad papalayo, yung dalawang sumama ay kaskas sa pag-dive sa pag-uwi sa kulungan nila. Kapwa nahakot sa tunog.
    "Loko!" wasiwas pa ng kamay ni Cristy sa pagsasaya.
    Tuldok na sa taas ang mga ibon nila. "Hindi ba sila nabugaw sa putok?"
     Iling si Cristy. "Alam nila na kapag sumipol na ang kwitis ay may kasunod na putok. Bago pa pumutok ang kwitis ay lumilipad na sila palayo...sinanay ko sila."
    "At gaano sila katagal bago bumalik dito?" tanong niya.
     "One hour," sagot nitong pumasok sa cage ng mga flyer. Kinuha ang inuman at lumabas uli. "Pagbalik nila ay iinom sila agad ng tubig."
      "Dapat lang dahil uhaw sila," he said.
      Iling si Cristy. "Common fault ng marami iyan." Pintas pa nito.
    "Bakit?" tanong niyang hindi pa niya naririnig sa iba iyon.
     Hinuhugayan na nito Inuman nang sumagot. "Remember na dalawa ang tract natin, both humans and animals, isang para sa baga at isang para sa bituka."
     "Oo," nagtataka siya sa gusto nitong iparating sa kanya. "Isa sa hangin at isa sa pagkain."
      Tatawatawa ito. "Magkadikit ang sa mga ibon."
     "Magkadikit din ang sa tao."
     "Napaghihiwalay ng tao ang inumin at pagkain."
      "Magkahiwalay din sila sa pagkain at pag-inom," sagot niya na pilit hinuhuli ang gustong iparating ng asawa.
     "Pagkain nila oo tama ka," tayo ito na ipinapagpag ang inuman para mabawasan ang basa nito. "Umiinom ka ba na sabay ang bibig at ilong?"
     "Kamote ka rin ano, e di nasamid ako!"
      Walang ngiti si Cristy sa pagsagot, nakatingin ito sa pinupunasang inuman. "Sila ay umiinom na sabay ang bibig at ilong."
    Natigilan siyang naiimagin ang pag-inom ng isang kalapati, subsob ang ulo sa inuman na halos dikit na ang mga mata ang tubig sa lagayan. "Oo nga ano?"
     "Kaya nga madalas ay laging napapasukan ng ilong nila. Pag-angat ng ulo nila ay pipilig para bawasan ang tubig nasa bungad pa ng nostril nila."
     Ganoon nga sila. "Bakit nga ba ganoon sila?"
     "Ganoon sila talaga. Asal nila. Kaya nga madalas sipunin sila dahil sa tubig na pumapasok sa baga nila."
   "I should have known it."
    A newbie should, "You must know their characteristics para mai-condition mo silang mabuti at mapalipad na maayos." turo nito ang mga dumaan sa ulunan nilang mga kalapati nila. Halos langaw pa rin ang porma nila sa itaas. "Kung may sipon sila ay di sila makakalipad ng ganyan kasi may liquid sa luns nila na dapat ay hangin ang umuukupa, pag may tubig sila sa baga ay kapos sila sa hanging dala o nakukuha."
      Tango siya na nag-iisip. Kung clerk lang si Cristy noon ay dapat sa posting lang siya mahusay di sa handling. Sa ginagawa niya ngayon ay talo pa niya ang isang totoong fancier. Nagdududa na tuloy siya. Baka nagre-race din noon si Cristy, ayaw lang nitong magtapat o pabisto sa kanya.
   Kaso nasagot iyon ni Cristy. "Sa kakulitan ng mga newbies noon ay tinatanong ako sa mga problema ng nai-encounter nila sa mga pigeons nila,"  ngiwi nitong kumuha ng isang buong sibuyas at inalis ang skin nito.
    Ano, dito pa siya maghihiwa ng sibuyas para sa lutuin niya?
     "Paulit-ulit iyon kaya agad akong nag-request ng isang seminar para sa mga problem na ito. I recorded it para lagi kong ma-review.  Pag may nagtanong uli ay sinasagot ko na. Later ako na ang pinagse-seminar ni Boss. Kada  seminar ay may one k ako kaysa doon sa iba na 5k."
     "Kaya pala."
     "Nakakainis nga e," simangot nito habang dinidikdik sa isang almires ang hiniwa niyang mga sibuyas.
      "Bakit naman?" usisa niya. "E may bayad naman ang seminar?"
     Ang kinatas na sibuyas ay inihalo nito sa isang pitsel na fresh water. "Pati mga gamot at ipina-research na lahat sa akin, kasama na ang dispensing noon."
    "Aba, tinatalo  mo pa ang isang licence  veterinarian ha!"  tukso pa niya dito sabay turo sa may katas ng sibuyas na inumin ng mga kalapati. "Pati pala sa ibon pwede iyan."
    "May anti-oxidant ito tulad ng bawang,  brocoli at ubas. At yung lumilipad na katas ng sibuyas ay pangbugaw sa mga lamok."
     "Alam ko."
     "At alam mo rin ba na ang bulutong ng mga ibon ay galing sa kagat ng mga lamok?"
    "Ha, totoo ba iyan?"
    Dumila ito sa kanya.  "Tandaan mo di pinaiinom ang mga galing sa race."
     "Bakit?"
     "Mapapasma!"
     "Namputsa ano muscle?"
     "Para kang bata paulit-ulit."
     "A oo, tubig sa baga."
     "Pagpahingahin mo muna, one hour."
      "Papatakan daw ng Reload."
       "Pwede, may sugar content iyon, fructose yata o maltose-- basta sugar."
       "Paano ang Nine Vita?"
       "Nine vitamins iyon- major ang mga B-complex. May lysine, biotin, vit E at vit K."
       "Same as other vitamins?"
       "As long as cyanocobalamin, thiamine, rifoblavin and that B-6, na para sa serotonin glands plus Vit C biotin, lysine...at iba pang-- Ewan, letseng mga pangalan iyan nakakapilipit ng dila!"
    Tigilan niya sa pangungulit ito para manahimik din. Lugi siya sa daldalan dito dahil maraming nasasagot. Kahit sa usaping mga political at sa  negosyo ay may alam kaya di siya manalo. Kaya nagtataka siya. ComSi ang sabi niyang tinapos niya. Graduated sa STI. E nung i-researched niya ang pangalan nito sa listahan ng mga graduates sa taong sinasabi niya ay walang records. Pati ang family track records nila ay wala siyang mahagilap. Basta she was born in Tacloban at ang kinalaki-han niyang kamag-anak ay ang lolo niyang si Lucio Cristobal na namatay noong 2014. Wala na iyong kadugtong pa. Sino talaga si Cristy Kang Cristobal? Pero important pa ba niyang malaman iyon? Hindi na. As long as they love each others and they know they are compatible ay ayos na. Di na kailangan pa kung ano pang tsetseburetseng family back round. Istorbo lang iyon.
    
   
    

   

Let Me Fly That Horizon.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon