Cristy
Stamping na ng mga flyers.
Sumama si Cristy sa loading bay ng association dahil first timer si Benjo sa paglo-load ng mga race birds.
The place is masikip kung tutuusin dahil nasa kalsada ang ang truck na gamit sa paghahatid sa toss site, wala sa loob ng gusali. Marahil ay di makakuha ng mas malaking lugar kaya pinagtiisan ang site na ito. Pero ayos na rin dahil isang garahe ito na binubungan at nilagyan ng isang espasyo para sa opisina. Ang mga tao ay nakasilong lahat kapag may ulan. Iyon ang dahilan kaya mas pinili pang sa labas ng kalsada ipuwesto ang loading truck. Dikit sa pader ang isang side ng truck para di mapuntahan ng mga tao iyon. Dapat lang. Baka may maitim ang budhi na mag-spray ng ikaeawala ng kundisyon ng mgs race birds . Nangyari na iyon sa club nila: Pustahan ng dalawang nagyayabangang member nila na umabot sa forty k ang nakalatag na pusta. Yung isang side beator ay pasimpleng nilapitan ang training box ng kalaban at nang walang nakakakita ay binugahan ng tubig na may sili ang mata ng mga ibon. Ayun walang nakauwi sa kalaban nila. Kaso nasilip iyon sa cctv kaya sa natalong grupo nila ibibigay ang pustang pera. Muntik magkagulo sa club. Ban sa club yung nag-spray at ginulpi pa ng mga katropa niya.
Malayo ang ayos nito sa dati nilang pigeon group na de numero sila sa bawat kilos. Rules iyon na tulad din sa loading bay ng PHA doon sa Sta. Mesa.
Di naman kasi nakapatataka iyon dahil pili ang mga member nila. Nag-apply sa membership ang isang tao sa association nila. Okay receive naman sila, pero di pa accepted, pupuntahan agad ng locator ang address at titignan ang site at cage mo kung pasado. Pero di iyon ang pangunahing pakay. Yung mga alalay ng mga kasama ay nagtatanong sa paligid ng bahay ninyo tungkol sa iyo at sa kakayahan pinansyal para gumastos sa race pigeon. Kapag pasado ay susukatan na nito and loft mo para sa GPS. At sabay na rin ang pagsingil sa membership fee, locators fee at sa deposit ng kukunin mong mga ring bands. Iba ang sistema nila sa group na ito. Pag apply agad na singil sa membership fee at di na sinisino ang pagkatao nito. Singil agad sa bayad ng mga ring band para di na makawala pa ito o umurong pa.
Napailing na lang siya noong nag-member si Benjo. Kasi ang babayaran na lang niya ay ang loading fee ng mga trainings at kung sasali siya sa mga poolings at sa last three lap races. Ang gusto niyang malaman ngayon ay ang mga bagong rulings sa clocking system ng race. Ibang-iba na iyon noong last siyang nakasaksi nito. Oo gamit na rin nila'ng cell phone clocking YONA system noon, ang Bundy clock at ang sensor. Mas prepared niya ang sensor kasi less pressure sa race day. Pag-abot ng pads nila ay extract ka lang sa data na naka-file doon kuha no na ang gusto mo. Unlike sa bundy clock na ubos oras talaga. Biro mo magka-clock ka pa para ss pagsasara ng bundy clock. Pila uli para sa pagbubukas at kunin s loob ang result paper na tulad sa isang resibo ng cashier's machine. Papasok na iyon sa opisina ay pila uli para i-file ng mga assessment clerks ang mga records at kwentahin ang time ng speed velocity at ang arrival time. Susme, babayad pa sa mga tatrabaho nito. Sa cell phone naman ang dumagdag ay picture ng dumating na birds at ang race sticker ay ididikit sa pagpak ng pigeon at kukunan ng picture bago ise-send sa kanilang area coordinator. Magastos sa load ito dahil mahal ang text sa YONA o sa MAVC--depende sa gamit ng isang association. Pero mas maganda itong huli dahil hindi ka na pupunta sa loading bay para mag-submit ng sticker, just take a picture, send to it straight sa area coordinator and you can rest na waiting na lang sa iyong computer para sa result ng race.
You don't worry ka na sa pagmamadaling makarating sa loading bay para di ma-cut off ang mga sticker mo. Shit this system. Nag-clock na mga ibon mo'y madi-disquakify pa kapag di mo naihatid sa oras ang mga sticker mo. Buti na lang naalis na ito. Hmmp, may mga alam siyang biktima na ng system na ito. Ilan na rin sila. May isa pa nga diyan na nasa top six ang birds niya pero na-late lang sa sticker surrendering kaya na-disqualify, ang listahan ng mga winners ay nag-adjust. Sure winner na napapalitan pa. Buti na lang di pumutok ng husto yung reentry pigeons. Mga na-cut sa first lap race na binigyan ng isa pang pagkakataon na makasali uli sa race kung ang labanan ay cut-off system ay wala na itong habol sa mga live pigeons. Pwede kung points against time ang labanan. Bawat lap na may di makapag-clock ay pwedeng mag-reentry kahit sa lap race para lang ang pigeon nila ay may chance na manalo. Pero napakapangit na sistema ito, kulang sa trill. Ang iyong ibon hanggat nakakauwi kahit cut-off ay pwedeng isali uli sa race. Ni siya ay di gusto itong klase ng race. Sa cut-off system ay patibayan, pahusayan. Ito ang survival of the fittest. Kasi may chance ang sinuman na talunin ang kahit pinakamalakas at pinakamahusay na contestant. Umasa ka lang na ma-smash ito ng init, malakas na ulan, maiba ng direksyon sa pag-uwi o kaya ay madale ng mga predator-- mga agila, lawin, falcon o ang makakaasar na mga lambatero.
Napapailing si Cristy. Buti itong sinalihan ni Benjo ay may dalawang klase lang ng clocking-- YONA PRO at sensor. Ang stickers ng mga umuwing flyers ay kukunan ng picture bago i-send sa coordinator. Pag tapos na ang race iyon isosoli para sa mga verifications ng bawat clocking. Hindi dapat mawala iyon dahil kapag may ibon kang nasa top ten ay dapat ma-counter check ang bawat lipad ay support sa patotoo ang mga race stickers na iyon. Medyo ayos ito.
Matapos ma-stamping ni Benjo ang mga ibon ay ipinila na niya ang mga ito sa ilo-load.
Ang race result paper na pinaglistahan niya sa mga ibon nila ay iniabot kay Benjo. "Heto dalhin mo sa treasury at itong patatakan ng clearance."
"Bayad na lahat ito." paalaala ni Benjo sa kanya. Turo niya ang side sa ibaba ng dulong kanan ang isang square na blanko, "Ito ay papirmahan mo ng paid. Ang apat na OB ay bayaran mo para ma-qualify sa race ng OBcat."
"Pwede din bang magsali ng mga YB sa OB?" tanong nito sa kanya
"Oo," sagot niya. "Ipasok mo sa YB/OB/3R."
Kamot sa ulo si Benjo. "Plus 500 php sa OB at 300 php sa 3R,"
Pinamilugan niya ng mga mata si Benjo, "O iyon ang gusto mo di ba? E di magpakawala ka ng pera mo para mangyari ang gusto mo. Pera-pera ang usapan dito walang ty"
"Kasi 2000 k na sa OB, 1500 k sa 3R... may pooling pa ako na 10 k. Isinali ako ni Max sa 10 man winner take all pooling race."
Gulat siya, "Ha?"
Kamot sa ulo si Benjo, halata niyang dismayado ito sa naging pagkagulat niya. Ito ang ayaw niyang matutunan ng asawa niya kaya ayaw niya itong sumali sa ganitong race. Alagang bahay na lang sana Kasi na-research niya ang mga races sa Taiwan at inalam kung mayroon sa Pilipinas. Nakita niya kaya nag-member nang walang paalam sa kanya. Nandiyan na iyan kaya wala na siyang magawa pa. Kaysa lagi nilang pag-awayan ay suportahan na lang at igiya. Kaya lang ay makakabalik siya sa gaigdig na tinalikuran niya noon. Sa ganitong race lulong ang Papa niya. One-on-one race iyon sa mga brad niya. Todo sugal ito na papataas ang tayaan. Ayaw niya. Kaya nga sumama siya dito para sawayin ang asawa na sumali sa ganitong races. "H'wag mong patulan iyan Benjo,"awat niya dito
"Nakakahiya kay Max e. Naipasok na niya ako."
"Pwedeng mag-quit hanggat hindi pa nabibitawan ang mga ibon."
"Nakakahiyang umurong e,"
Gusto niyang sigawan ito ay sabihing sa ganitong mga races nalulong ang ama niya hanggang malubog ito sa utang at iyon na nga para makabawi sa perang mawala ay maobligang sumama sa mga smuggler. Buti di sa mga drug lords. Pero gayun pa man ay illegal pa rin iyon, kasalanan sa gobyerno ng bansa at may katapatang parusa. Kahihiyan sa pamilya 'pag nahuli. Mahal niya si Benjo kaya ayaw niyang ito'y malulong sa sugal. Kahuhusay pa naman ng mga buhong na tulad ni Max na magpadama. Panalo ka sa isang race tapos ay sa huli ka kakabigan, kung kailan ang pusta ay malaki na. "Kilala mo ang mga kasali?" usisa aniya dito
Itinuro ni Benjo ang mga makatumpok sa isang kanto. "Sila."
Tinanaw niya ang mga ito. Tama siya ng hinala, sina Jokjok, Sotnas (Santos), Rapido at pati si Cricket, ang pinsang-buo niya sa mother side. Ang mga lokong ito ang sumasabotahe sa mga race result para manalo sa lang sa mga race. Sa totoong labanan ay mga walang binatbat na mga fancier sila at walang pang mga maipapanalong mga ibon nila. At kapag presents sila sa isang club at tiyak na babagsak ito dahil sa mga hokus-pokus winners at mga champion. Pag binili mo ay di sisipa ang mga anak dahil mga bulok na flyers, durog ang lahi. Saglit na nanantiya siya. Okay sige nga at patulan sa unang race na ito. "Sige tawagin mo na si Max."
Talikod si Benjo na tuwang-tuwa pa sa ibabalita kay Max. Saglit lang ay kaharap na niya ang mga kapustahan."Hi, ako si Cristy...asawa ni Benjo."
"Hi Cristy!" lahad pa ng kamay ni Cricket. "Ang husay pumili ng partner si Benjo. Ang ganda mo na ay seksi pa."
Abot niya ang kamay nito at pinisil iyon na tulad noong sila ay naglalaro sa bahay nila. "Glad to meet you," pilyang kindat pa niya sa pinsan niya. " Gusto ko pa rin ang kakengkuyan mo."
"Ha?" maang itong napatingin sa pinisil ni Cristy na kamay niya. "Kristine Ngo?"
"Oops, Tinay, yung clerk noon na nasa records ni Boss Rael."
"Ha, naging employee ka ni Uncle Rael?" pamumutla nito.
"Oo sa club, posting ako sa files ng mga races. Pinisil ko ang kamay mo na parang gawi ni Ma'am Kristine..."Sabay ngiti nito na tila nakakaloko. "Tapos pupunta sa akin si Ma'am at tuwang-tuwa na yung ginawa niyang pangloloko'y ikukuwento pa."
"Anak ng kuba, kilala ako!" agad na bulalas nito.
"O sige sali kami sa pooling," sabay ngiwi niya, "kaya lang ay mababa ang pustahan."
Si Jokjok ang kumibo, "Anong presyo ang gusto mo?"
Speed bird ang isang OB na na-breed ni Benjo, 1500 sv ang ginawa nito sa last training toss. Kaya nga binunutan niya ito ng race band at inilipat sa isang Armando. At least ay may chance na pumukpok hanggang dulo. "E kasi fifty k ang kaya ko. Call ba kayo?"
Gulat ang lahat. Si Benjo ay laglag pa ang panga. "F-fifty?"
"Fifty!" diin niya.
Lapit si Zandro sa nga ito. "O hayan, sinabakan kayo, babae pa iyan ha?"tukso nito. "Baka di pa ninyo patulan. Lalabas na wala kayong K at B."
Kakayahang tapatan at balls.
Parang sinabi ni Zandro na urong ang mga balls nila kapag inayawan ang hamon ni Cristy.
"Teka, ia-announce ko sa lahat baka may magkainteres na sumali pa." suggest ni Max.
Pinayagan ito ni Zandro.
Binuksan ang PA system at nagsalita na si Max. "The club race turning more excited right now kasi ay may pooling po na magaganap sa first lap--sa Naga race. 50k per contestant ang entry fee. Winner take all po ito at sponsored ng ating club. Low po ito sa kabig ng club, 5℅ lang po sa total ng maiipong premyo. At sa oras na ito ay may sampu na pong sumali at nasa half million pesos na po ang nasa stake. Pag nanalo ka dito ay parang nag-champion ka na rin dahil sa laki ng premyo. Open pa po ang contest sa mga gustong sumali."
Feed agad siya ng pusta niya May dalawa ng humabol kaya sumampa iyon sa six hundred k.
Pinipilit kilalanin ni Cricket si Cristy. Kabisado nito ang mga kilos ni Kristine Ngo. May bitiw siyang tono na parang siya ang pinsang-buo niya, pero lamang yung ipit na boses nitong parang sa dalagita. Pag pinalaki iyon ay kay Kristina. Sa pagiging galawgaw ay kay Cristy, ang sa pinsan niya ay laging refine at seryosa na parang astang reyna makakausap mo lang ito kung trip kang harapin at istimahin. Pero magkaiba talaga silang dalawa.
Alam niyang kinikilatis siya ng pinsan niya. Thanks sa nag-opera sa kanya dahil pati na vocal cord niya ay binago. Oo, yung dati niyang boses at magagamit pa niya, pero iyon ay sa oras na siya ay lalantad na--sa takdang oras ng kanyang pagbabalik bilang si Kristine Ngo. MALAPIT NA. HUMANDA KAYONG LAHAT SA PAGBABALIK KO, tahimik niyang banta, BAWIIN KO ANG PARA SA TALAGANG AKIN!
BINABASA MO ANG
Let Me Fly That Horizon.
RandomPigeon racing is his hobby. None can replete his boredom but his birds. He loved them see flying high up the sky brating their wings freely as fast as they can. As the strong wind hamper them, he loved to see how they tried to play with it. And now...