CHAPTER 2

5 1 0
                                    

Benjo
Tulog pa si Cristy gayung five a.m. na ng umaga. Four-thirty ng umaga kung bumangon siya sa ordinary working day dahil sa pag-aasikaso nito sa mga gamit niya sa pagpasok sa trabaho.
Sa totoo lang ay 10:00 am pa ang bukas ng office nila. Ang main warehouse nila ay sa eight a.m. at closing ng six o'clock p.m. Pasimula ng loading ng mga products nila sa umaga at off na lagpas ng isang oras na isang daily overtime. Linis sila ng paligid ng loading bay at sa loob ng warehouse, the remaining twenty minutes ay linis ng katawan at sa punch out sa Bundy clock bago makauwi. Not him dahil sa office siya. Punch siya ng 9 at gagala ng one hour sa warehouse checking lahat ng mga bumabangong problema ng mga bodegero. Pagdating ni Boss ay report agad siya. Kung medyo maselan ang report niya ay meeting agad sa office. If not ay ipapasa iyon s mga in-charge na mga supervisor to resolve it.
Muli ay napasulyap siya kay Cristy. Ala, ayun talagang tulog pa. He check the table clock nila sa silid. The alarm was set 5:30 a.m. that is half an hour pa. Napapailing si Benjo. Siguro ay nag-computer siya kagabi? Napatingin ito sa tokador nila. Mansion nga ang lap top nila. Tayo ito na binuksan iyon at sa account mismo ni Cristy siya magbubukas para nakita ang pinagpuyatan nito kagabi. Nang matapos ang pangalan ng lap top ay bumungad ang mukha ni Cristy sa kaliwang side ng screen. Suwerte, di nakapag-log out ito dahil sa antok. E di buksan. File records ng mga pigeon races ang mga iyon. Pero wala na siyang oras para basahin lahat iyon dahil ilang minuto na lang ay aalarm ang clock. 'Pag ini-off nya ito ay magtataka si Cristy at titignan ang likod ng clock. Naka-off. Mag-iisip ito. Malamang na ang iisipin nito ay kinalikot niya ang lap top. Tayo ito at kinuha ang USB niya at kinopya lahat ng mga ni-research ni Cristy. Added niya ang mga records ng mga bloodlines na ibinibenta nina Josh Thone at Schemacker ng Belguim at ng Bio Research. Pati na ang 2018 PIPA sa Pilipinas ay kinuha niya. Kasama nang naglitawan ang mga gamot na ibinebenta ni Dr. Henk De Weertz ng Oro Pharma at ng Rockdove, pindot siya uli sa records niyon. Bumaling na si Cristy ng higa kaya saglit siyang natigilan naghintay sa pagtayo nito. Di na uli ito gumalaw. Okay, tulog pa rin. Silip uli sa tube, okay , copy na. Agad na nag-out siya sa download niya. Pati na ang account ng asawa ay ini-log out na niya. Binunot ang usb at ibinulsa bago lumabas ng silid. Tiyak niyang gising na si Kuya Biboy. Sanay itong bumangon ng alas kwatro ng umaga para puntahan ang mga bitag niya sa mga pilapil at ang mga basket niya sa ilog para tipunin ang mga huling ibon at mga isda. Kapag marami ay ibinibenta niya ang mga ito.
Nasa labas na ng bahay si Kuya Biboy at pinaiinom na ng tubig ang mga kalapati niya. Hindi ito nakapagtataka dahil farmer ito sa Daet. "Sanay ka talagang bumangon ng maaga Kuya." bunga niya dito.
"Naiisip ko nga yung mga pain ko doon sa atin e. Kakupad pa naman ni Reming e. Bangon ala- senyorita, alas otso!"
Ang panganay niyang dalagita na rin. "Ginagabi ba sa galaan?"
Sumimangot ito na inis sa gawi ng anak niya.
"Computer?" hula niya, iyon kasi ang trend ng mga kabataan ngayon. "Hindi naiiba sa gawi ng mga kabataan dito."
"Oo!"
"Cross Fire at Mobile Legend?"
"Iyan nga!" simangot nito
"Babae pa naman para gabihin ng uwi!" maktol niya sa sobrang inis sa pamangkin. "At kung dito sa Manila iyan ay tiyak na nakalikot na siya ng mga kasamang lalake."
Nagalaw na. Kinse pa lang ito, h'wag naman sana. "Mga pinsan ang kasama, malapit lang sa ating bahay...kina Kune."
Kamag-anak din nila si Kune. "Pero mainam na rin ang mapigil siya Kuya. Kung hindi lalabo ang mga mata niya ay baka masobra siya sa radiation sa katawan. Kung di sa kanya iyon pumutok ay sa mga magiging anak niya iyon eepekto."
"E di iyon din ang mangyayari sa asawa mo, kay Cristy," agad na buwelta sa kanya. Hindi iyon usig, paalaala.
"Ah Kuya, si Cristy ay ComSi graduate, may filter glass siyang ginagamit na proteksyon."
Napatango ito sa nalaman sa kanya. "E di dapat pala ay mayroon din si Reming."
Napangiti na lang siya, "E Kuya limang libong piso ang halaga noon."
"Kamahal naman pala!"
"Mag-download na lang siya sa cell phone niya."
"Problema daw ang Wi-Fi."
"Ibibigay ko yung Smart Bro ko sa kanya. Mag-load na lang siya ng one hundred pesos. One week niya iyon gagamitin."
"Kamahal pa rin!" angal ng kuya niya.
Kinontra niya ang kuya niya. "Kuya, kung umaabot ng isang oras sa paglalaro si Reming wa comouter shop ay six pesos na ang bayad niya, e gaano ba siya tumatagal sa paglalaro?"
"Hanggang four hours." sagot nitong nakita niya ang pagngiwi nito, halatang inis sa gawi ng anak niya.
"O, bente-kwatro pesos na. Sa pocket Wi-fi ay makakatipid pa siya."
"At kinampihan mo pa sa halip na pigilan."
"Kuya, pipilitin ni Reming na sumingit sa paglalaro, tatakas ba ga at baka magtanim pa ng tampo sa iyo. "
"Benjo..."
"Kuya, malaking bagay ang pasimpleng pagsaway sa kanya. Simple lang iyon. Bibigyan mo Siya ng pocket, may load pa. Pero bigyan mo ng kundisyon na pagsapit ng dilim ay nasa bahay na siya. Doin sila maglaro ng mga pinsan niya. O e di mas safe pa sila, pati pag-aalala mo e agad nawala."
"E kung pakabit na lang ako?"
"Mas mainam. Baka di na lumabas ng bahay si insan."
"O sige ganoon na lang. Pa-accept ko sa kanya ang FB mo para may contact na kayong dalawa."
Tumango siya, "Sandali Kuya, ihahanda kong agahan natin."
Napalingon sa kanya ang kuya niya alam niyang si Cristy ang hagilap nito para umasikaso sa kanila. "Tulog pa. Computer din. On line selling ang trabaho niya, dito lang sa bahay siya naghahanap-buhay," aniya. Ewan kung alam ng kuya niya iyon?
"Pano yung?" kunot noo nitong di maisip kung anong uri ng trabaho iyon.
Napangiti siya. Di nga alam. E di ipaliwanag. "Gamit ho ang computer para magbenta ng mga paninda niya."
Napapailing ito. Alam niyang nagala na nito ang kabahayan pero walang nakitang dapat itinda ni Cristy. "Anong itinitinda niya?"
"Mga gamit pangbabae... mga pampaganda, kolorete, bags, mga sapatos damit...at iba't-iba pa na pwedeng hatakan ng kita. Minsan ay nakabenta siya ng narra na sala set.."
Napatango ito na napatingin sa mga kalapati. "Doon niya ibebenta ang mga ito?" tanong ng kuya niya.
"Oo Kuya, doon nga."
"Ah, akala ko'y bibitbitin pa niya sa bentahan e."
Napangiti na siya na nakapa ang USB sa bulsa niya. Sa ginagawa ni Cristy ay hinahanap pa sa computer kung sinu-sino ang may-ari ng mga kalapati ng dala ni Kuya Biboy. Sa saglit na pagsilip niya kanina sa files ay may nakita siyang for sale na kalapati. Finisher iyon ng Aparri race. May record na almost seven hours nilipad ang 403 kms na liberation site pauwing Manila. Sixth overall sa standing at for sale na ng 5k. 5 thousand pesos na kalapati iyon. Halos di siya makapaniwala na may ganoong kalaking halaga ng pigeon. At mgayon ay interesado sitang malaman kung may tataas pa rito na nasa ten thou per head. Napangiti siya. May one million pesos kaya na halaga ng isang race pigeon?

Bumangon si Cristy ng higaan. Agad sa computer nagpunta ito dahil di niya ito nai-log out. Off ang lap top. Malamang na ito ay nadaanan ni Benjo kaya nito pinatay. Iniayos na nito ang lap top para ibalik sa dating table nito nang mapansin niya na parang luminis ang suksukan ng usb. Someone inserted a usb. E silang mag-asawa lang ang gumagamit ng silid na ito since noong makasal sila seven months ago. Bukas ito ng box sa drawer na pinapatungan ng lap top. Doon nakatago ang lahat ng mga gamit nila sa cp at computer nila. Sa kahon ng usb siya tumingin. Kulang ang mga gamit nila sa tv. Si Benjo tiyak. Ano kaya ang ni-research niya?
Binuksan nito ang lap top at binuksan sa mga record ng down load niya. Sumalansan iyon sa paningin niya. "PHA Calbayog liberation?" Balong nitong hindi makapaniwala sa interest na bumabangon sa asawa niya. At na tiyak niya iyon sa mga sumunod na download. Pati ang mga known illnesses at cure nito ay kinopya. Sa huling download siya nakatiyak na nagkainteres nga si Benjo sa mga pigeons. Ang mga bloodlines at mga records ng mga known fancier worldwide ang kinopya niya. Alam niyang pwede nitong reviewhin ang mga downloads doon sa trabaho niya. Sana naman nadismaya sa laki ng magagastos kung mag-aalaga siya ng mga kalapati at sasali ng mga races.

Let Me Fly That Horizon.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon