CHAPTER 13

5 1 0
                                    

Benjo
     Loading ng Sorsogon, the third lap of the race nang isang member ang sumalubong sa kanila. Mayabang ang approach nito. "Kayo pala ang Naga lap winner?"
    Iba ang dating sa kanya ng uri ng pagsasalita nito. Isang may kayabangang tao. Kung siya lang ay palalagpasin niya ito, tabla lang pero  ang problema ay si Cristy. Palibhasa ay galing ito sa alta sosyedad kaya ang mga ganitong kaimpokrituhan ay di niya pinalalagpas. At tiyak na di palalampasin lalo kapag ito ay nanapak na ng kapwa member. Heto ang isa na umuusok pa ang katawan   sa kayabangan. Sibak ka mamaya.
   "Nakatikim lang kayo ng isang panalo ay pumorma na kayang parang sobrang yabang?"
     Arko na agad ang mga kilay ni Cristy. Not far from them ay nakatambay si Jokjok na nakabang sa gagawin nito sa kanila. Thumb-up ito, patulan daw.
    "Hudas?" salubong agad ni Cristy dito ng tanong. "You are Jude, if I'm not mistaken?"
     Ikot si Jokjok sa puwesto niya para itago ang pagtawa niya. Si Cristy ay tinawag na Hudas si Jude 'Spiderman' Quintos. Ha ha, ang lakas talagang mambuska ni Tinay. Yung patanong na WHO DOES ay binigkas na HUDAS! Mapipikon ka kung di mo ito kilala. Sabakan mo nang todo Inday Tinay!
    "Kayong dalawa, di ba?" ulos nito sa kanila. "Sabi ni Max, nang manalo kayo sa pooling ay agad kayong umayaw. Ganon na lang ba iyon kahit nahatakan ninyo kami! Hindi pwede!"
   Kamot siya sa noo niya. Parang inihamon sila ni Max sa ibang tao. Tapos tawa nang tawa si Jokjok. Malamang nga na totoo ang hinala niya. Yari kayo sa akin mamaya, naku Max ka!
     Tinanong uli siya ng kanyang asawa. "O ano  gusto mo?"
      Si Spider ang inasikaso niya. 
     "Single fight tayo." hamon nito sa kanya,  "Half million pesos sa Sorsogon. Yung lang naman ang pera ninyo eh di ba?"
     " A ganoon?" alsa ng nguso ni Cristy, nag-square na ang top ng lip niya. "Sobrang makapaglait ang buwisit na ito ah!" lakas pa ng boses nito para marinig ng ibang member ang usapan sabay tutok ng mga paningin kay Jude. "If I did a bigger bet then do you think na may kakasa  pa sa kanila...I mean those other who established that Naga pooling?"
     "I can't get your point?"
     Ngiti si Cristy, "I was offered then a ten k entry, I said if there is someone to go for fifty k. It caught me off stride because all of them ay pumayag, that's including you."
      "After winning at umayaw ka na."
       "Well, my husband here is a newbie, I don't want him to learn this game. Halos mag-away kami niyan when he started buying his breeders. Tama yung karanasan ko kay Boss Rael."
    "Heto nakaentra kayo!"
    "Kaysa lagi kaming magkagalit ay nag-go na lang ako."
    "At nakasagasa pa!"
    At muli kitang sasagasaan Jude "E di mag-two million pesos tayo, ano? Naliliitan ako sa pustahan e,?" sabay titig nitong sinusukat ang kausap. "Di porket masalapi ka ay yayabangan mo kami dito. Bakit ka di makaporma sa PHA ha? Ipot ka doon at kami ang binubugbog mo dito?"
     Halos mapaatras siya sa sinabi ni Cristy, wala silang ganoong kalaki na pera. Pero mas gulat si Spider. Wala kasi sa porma nila ang kakasa sa ganoon kagarbong labanan Tapos biglang bumira si Cristy ng todo. Umupasala pa ng personal.
     Tawa itong lalong nambuska. "Noong una nakagulat ka na. Ten ginawa mong fifty. Two million itong isinusulong mo ngayon. E iba baka lumulutang ka sa ulap ng mga pangarap. He he he... sumubasob ka?"
      Hindi sumabay ng yabang si Cristy na walang kibo o ngiti man lang na binunot sa clutch bag niya ang isang account niya sa computer sale. "Tapatan mo!"
     Account ni Cristy iyon sa isang bank na ang lama'y thirty-eight k dollars. Si Jokjok pa ang siyang tumingin sa laman ng card.
       "Credible!"
     Halos ubuhin ang kapustahan niya dahil sa gulat. Wala kasi sa pigura nila ang kakagat sa isang malakihang pustahan. Wala sa porma nila ang may salapi.
    "O, ano tunaw ba ang yabang mo Spider?" tukso na ni Jokjok kay Jude. "E kung naliliitan ka pa ay sasabit ako ng 500k o mas higit para lumaki lang ang ating pusta, matuloy lang. Name your venom."
     "Sasabit ka sa kanila?"
     "Oo, matuloy lang sige."
     "Ibon nila ang gagamitin?"
     Sabi ni Ace ay Armando ni Joel Verschoot ang binili ni Cristy sa kanila, yung linya ng pangwalo sa OA sa Belguim, iyon ang dugo ni Lady Alexandria nila na may cross na Fabry. Pangbuga nga talaga."Oo," walang alis ang titig nito sa kausap. "Hindi dapat na tinatapakan ang mga member dito," paalaala nito, "kapatiran kami, respetohan. Sinubukan mong magyabang? Ayan na may tumapat sa iyo," ngiti pa nito, "At titiyakin kong patas ang labanan ninyo, Walang haselan na tulad ng pinaggagawa ninyo ni Rael noon. If you win you win, be proud of yourself dahil malinis ang labanan."
     Gigil si Jude, "Parang sinasabi mong nangdadaya ako sa race?"
      "Bakit draw ang huling race ninyo ni Rael?"
         Nakita niya ang pagkislot ng mga masel sa panga ni Jude. May alam kasi si Jokjok sa race na iyon.
     Ngisi si Jokjok. "Pareho lang kayong mangdadaya noon kaya parehong ipinadukot ang mga panglaban ninyo. But here you can't do that. Tanggapin mo ang pustahan or just back-out."
     "Tell that sa boss mong si Real ha?"
      "Gusto mong padapain ang mga tauhan ng numero uno mong katunggali kaya narito ka," sabay ngiti ni Jokjok na nakaka-susot. "Si Zandro ang tutoong target mo!"
   Halos matawa siya sa ayos ng mga ito. Si Spider ay six-five sa taas at si  Jokjok ay five-three naman. Matangkad ang hinahamon at ang  humahamon ay pandak. Yuko si tangkad at tingala si naman si pandak.
     "Ako muna!" gigil na wika ni Cristy, "Ang filing clerk noon ni Boss Rael."
     "Tinay..." Iling si Jokjok
     "Umpisahan niya sa akin," ang paningin ay tutok sa mga mata ni Jokjok  na may pakikiusap.
       "Ngayon ka pa lang sasabak sa ganito," ani Jokjok na may pag-aalala.
     "Kasama ko si Lolo sa loft ni bosing. Nakikita kung paano ang mga ginagawa nina Lando at Jack sa mga kalapati."
      Ang loft man at handler ni boss Rael. Parehong bihasa sa paghawak ng mga champion birds. Natural na matutong  rin ito sa kapapanood lang. Aakalain ba nina Lando at Jack na sasabak din sa race ang batang babae na nanonood lang sa kanila, "Okay Tinay, go!"
       Tiwala ang pakawala ni Jok-jok kapag tinawag siyang Tinay. Nakita niya ang pagtanggap ni Cristy sa palayaw niya.
       Binalikan ni Jokjok si Spider,
"Ano call?"
     "Call!" sagot ni tangkad.
      Pitik ng mga daliri si pandak. "Lay down the money first."
       Sigurista ang buwisit! "Wala akong dala!"
        Wala? " Show your bank deposit or any kind. If there is pirmahan tayo!" turo nito ang credit line na inilatag ni Cristy kangina. "Sure na kami ay may pamusta, ikaw siguruhin mo."
      "Duda ka sa yaman ko?"
      "Hindi," anitong lumakad papunta sa lamesa na parang isang beauty pageant contestant. "Alam ko mayaman ka...kaya nga lang wala akong tiwala  sa iyo na tutupad ka sa usapang pagbaba-yad 'pag natalo ka. "
      "Pera lang iyan Jok. Si Rael ba e tinakbuhan ko?"
      Kung napapitlag siya si Cristy naman ay pinaningkitan ng mga mata. Iyon ang katiyakan na kilala niya si Spider kaya nang maghamon kanina ay sinabakan agad ng tanggap. Noon ay Rael vs Spider ngayo'y Cristy vs Spider. Ang walang nakakaalam ay anak ni Rael si Cristy. Noon ang upper hand ay hawak ni Spider dahil director siya sa club na pinaglabanan nila, baliktad ngayon ang sitwasyon dahil si Cristy ay hawak ng mga director ng club.
       "Hindi ikaw ang kapusta ko!"
       "Member dito sila at ikaw,  director ako. Sinisiguro ko lang na sa mga pustahang gagawin dito ay walang onsehan, malinis. Both kayo na walang contact sa mga namamahala ng club para walang dudahan ng sabotahe. O tapos may pirmahan pa. Clear ba ako ha?"
      Tango na ito, "Basta out ka sa pustahan namin!"
      "Good!" sabay lingon nito sa kanila na parang ordinaryong member lang. "Ayos na, call na laban ninyo. Piliin na ninyo ang paglaban ninyo para malagyan ng tag ng one-on-one pooling at mailista ang mga ID ng ibon."
     "Thanks Jokjok!" ani Cristy.
      Tango itong may ngiti sa sulok ng labi niya.

One week later.
     Talo sa pusta si Spider. Smash kasi ang labanan kaya ang mga ibon nila nagkahirapan sa uwian. Ang ibon nila na may record na 1230 sv average sa dalawang una na races ay nag-clock ng 780 sv, mga forty-five minutes na lang bago ma-cut off. Ang nakakaloko ay siya pa ang pinakahuli sa mga ibon nila na dumating. Nag-clock din yung ipinanglaban ni Spider kaya lang ay lamang pa sila ng six minutes.
    Tahimik ang lahat na nadatnan nila sa club, muli nakatingin sa kanilang dalawa. Flat ang mukha ni Cristy para walang mabasang emosyon niya.
     "Smash kasi. Ang lakas ng ulan!" katwiran ng isang kampi kay Spider.
     "Six thousand birds, two thou-three twenty-two lang nag-clock."
      "Heto pang nakakaloko 'no. E seven hundred plus na lang ang live ng superset."
      "E may low pressure pa raw na magpapaulan sa  Pinas. Two days ay nasa  Philippine Area of Responsibility na ito."
      "Sibak na naman tiyak ang Matnog!"
     "Laban," diin ng isang fancier, "Patibayan na lang ng ibon ito."
      "Oo nga e," turo sila ng isa sa nag-uusap. "Sinibak nila yung si yabang Spider. Minuto lang-six minutes."
     "Nasa office na si Spider para sa rebanse ng race."
     Nakita niya ang pag-angat ng mga kilay ng isa sa kakwentuhan "Aba four million  na iyon. Ang laki na!"
    "Ganyan sila ni Boss Rael noon. Umaabot sila ng thirty million."
     Heto pala ang humahakot ng pera ni Rael noon. Lingon niya sa asawa. Nakangisi ito. "Ano na'ng nasa isip mo?" bulong niya dito.
     "Daughter's Revenge," sagot nitong wala na ang ngisi. Flat na uli ang mukha nito. "Si Lady na ang ilalaban natin."
     Maang siya. "One zero-seventy sv sila sa Legaspi."
     "Siya ang hindi stress. Naitulak siya ng hangin papalayo di papalapit sa Manila. Bumalik siyang paiwas sa ulan kaya late pa nga siya."
     "Paano mo nahalata iyon?"
     "Tuyo ang mga pakpak niya. May dumi pa siya sa paa, tae ng ibon na natapakan sa truck. Kung sumabak siya sa ulan ay mahuhugasan ang mga paa niya at mamumuti dahil sa babad sa tubig. Not Lady, nandoon pa rin ang dumi, namumuti ang mga powder sa singit ng mga kaliskis ng paa niya."
    "So tatanggap ka uli ng hamon ni Spider?"
      Kilala niya si Spider, sugarol ito na tulad ng Papa niya. "Ang pustahan ay niluluto na niya," turo nito sa office. "Naghahagilap na siya ng kakutsamba sa loob para sa last race result. Dadayain tayo."
      "Papayag kaya sina Zandro at Max?"
     Ngisi uli si Cristy. "Anything can happen when money is involve. It can change inclination when it is million on the stake. You must not trust no one. Feed that in your mind."
     "Snake is everywhere!" gigil din agad siya.
     "Ako nga tinutuklaw ng ahas mo e!"
      "Patawa!"
       "Chill out. Maayos na wisyo ang kailangan natin para ang isip natin ay gumagana ng maayos. Di pwedeng hyper sa pagharap sa mga ito."
      Oo nga naman, "I'm in line now "
      "Tara," yaya na nito sa kanya, "Harapin na natin ang mga halimaw!"
      Bumuga ang lahat ng kulob na hangin sa baga niya, natawa siya. Cristy too is smiling.
   "Rebanse daw  kayo sa pera ng Sorsogon," salubong ni Marty sa kanila, "Ano call kayo?"
     That will be eight million na "Go Marty!" sagot agad ni Cristy, "Minamata niya ang mga bataan ni Boss Real, ako na isang clerk lang ang magpapagulong  sa kanya dito."
     Tawa si Marty. "Ha ha ha, di nga makapaniwala na nanalo kayo e. Tsamba raw."
      Taas ang noo ni Cristy. "Ako ay nakakapanood ng pag-aalaga noon ni Lando, e siya? Puro handler ang may hawak. Bago pa raw ang handler niya?"
     "A oo, si Vio. Marunong din."
     "Kakabisaduhin pa niya ang mga characters ng mga alagaan niya. Maybe next year Oo baka may ibubuga," sabay labi pa nito "Pero ngayon kapa pa siya."
    Kaya pala ang lakas ng loob "Sabakan mo!" sulsol pa nito. "Yung balato ko ha?"
      "Oo," paniniyak ng misis niya sa kausap. "Basta walang patrol sa mga kalokohan niya."
       "Kalaban iyan Cristy," ani Marty na nag-iwan ng ngiti. "Siya ay nagkamaling pasukin ang ating lungga. Trust my word."
    "Then, ihanda mo ang bulsa mong pagsisiliran ng balato mo."
    Tawa na ito sa paglayo.
    Binulungan niya si Cristy. "Sa tingin ko'y kinakabig mo na sila sa panig mo."
      "Lahat sila," paniningkit ng mga mata nito sa pagsagot sa kanya. "Mananalo tayo.'
     "What does it mean?"
     "Titiyakin nila na laging talo si Spider sa laban."
     "How sure you are?" tanong niya.
     "Cricket first before Jokjok and now Marty...uubusin ko sa kanila ang panalo natin."
     "Ikaw ang magpapakawala ng pera?"
      Tango ito sa kanya. "As I told you, it can change people."
      "We are the one, yung mamu-mudmod ng pera?"
      Tumawa ito. "Batiin ang ating pusta, kumurot ng kaunti sa panalo...mga forty percent then give them sa sixty percent."
       "That will be million pesos."
      "And see them work for us."
     
   

Let Me Fly That Horizon.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon