Cristy.
The room had been divided in six parts. Male and female breeders got one each. Nasa tapat siya ng male's room. Nandito ang mga birds na dala ni Kuya Biboy. She counted them, seven. Five ang males sa dala ni Kuya Biboy at ito ay seven. It is clear to her his husband had taken two more to equalized the count of females. Perch are being place properly on the three sides of the rooms. Seven lines by files of five, the cage is for thirty-five pigeons, that's over populated. Kasi 1.2 m x 1.5 m square lang ang area at kung mapupuno ay agawan ang mga ito. Sa ngayon dahil pito lang sila ay tama lang. Ang ceiling ay may mga outlets na tila singawan ng hangin kahit may kisame pa iyon. That is exhaust system. Sa center ay isang led lights, pero at each corner ay may alalay na mga pin lights- four in each room. What for? She wonder. Was a dimmer lights necessary for pigeons? Di ito living room na kailangan pang i-reduce ang lumens ng mga bulb na ginagamitan pa ng potentiometer kung gusto mong manood ng TV o kaya ay kung magpahinga na hindi nasisilaw. Lapit siya sa isa sa pin light. Kamukha iyon ng isang twelve volt na backlight motor cycle ni Benjo. Blue color iyon, not ultra violet light na pang-filter ng mga bacteria. Napalalim siya ng pag-iisip kung bakit blue ang color ng mga iyon?
"Bulag sila sa blue color," sabi ng isang kilala niyang nag-aalaga ng mga hamster. Daga rin ang hamster, kapareho sa mgà ugali. Maliwanag na daga ang target ni Benjo na di makapeste sa mga pigeons na nasa kulungan niya sa gabi. E ang mga kalapati kaya, ano ang epekto ng blue light sa paningin nila?
Napangiti na lang siya. Pati sa mga gamit sa lightings ng mga kalapati ay nag-iisip si Benjo ng makakapagtipid siya. Two twelve volts na transformers na wala pang one watt ang bawat isa para sa lightings. Oo ng naman kaysa gumamit siya ng dalawang five watts na led lights. She got out at lumipat sa kabilang silid, yung dating bedroom. Breeding room ito dahil sa presence ng mga mating rooms. Sa 8 x 8 na sukat ay may sampung silid na nandoon. At sa katabi nito ay ang dalawang silid ng stock room, ang silid ng mga patatandain niyang stocks. Ang dating kusina ay maintenance room. No, still kitchen ito. Sa tabi ng lababo at may lagayan ng mga plato. Four plates ang mga nakasalansan doon, six cups for his coffee, kubyertos at dalawang knives. Nasa tabi ng thermos ang mga tumblers. Pinuntahan nito ang hanging cabinet. Unang binuksan ang left side. Laman noon ang mga condiments , mugs ng black coffee, creamer and sugar. Sa center cabinets ay naka-stock file doon ang mga dish washing ingridients, sabong panglaba, one gallon ng zonrox, sabong pangligo. At sa pinakasulok ay may isang 120 ml na bote ng malathion. Tiyak niyang gamit sa paligo ng mga kalapati. Sa right cabinet naman naka-stock ang mga vitamin ng mga pigeons niya. No not just vitamins, may mga gamot din siyang stock. Salmostop, Curegold, Amtyl ... Terraprim, ciprotyl...WN, 4 in 1," napahigop siya ng hangin. Some of this drugs worth 150 pesos per sachet. And that Terraprim is 1800 pesos per bottle. May mga nakahiwalay na mga kahon at supot. Sa pagkakatitig niya sa mga laman ay sure siya na ito ay pink mineral, picutrin at Cecical ang mga ito. He even bought bottles of Calciumlactate and the Brewer's yeast. She's sure Benjo is preparing to breed all his pigeons. Dito sa kusina lalagi si Benjo habang inaasikaso ang mga gamit at mga pagkain ng mga pigeons niya. Pero parang may kulang? Wala atang flyers room? Dapat ay dalawang rooms iyon na separated ang males at ng female flyers. Linga ito at nakita ang pinto papuntang laundry room. She knows na may hagdan dito paakyat sa bubong. Napailing na lang siya sa naisip na ginawa ng asawa. Sa bubong ipinuwesto ni Benjo ang mga flying cages at ang fly pen. Aakyat sana siya sa bubong when he heard a motor cycle entering their gates. It's Benjo. Dumating na siya? Mukhang maaga yata ang uwi niya ngayon? Four pm palang, five ang labasan nila sa opisina. Kaso walang may motorbikes sa mga tenants nila. Si Benjo nga ito.
Agad siyang bumaba to meet him. Ibang tao ang inabutan niya sa parking di si Benjo. Ang kapatid na dalagita ng tenant nila ang nagpapasok dito.
"Te, hanap si K'ya Benjo."
Tinanguan niya ang kapatid ng umuupa sa kanila para iwan na siya nito. Napapailing siya sa katangahan nito sa dapat iasal sa Manila. Di dapat nagpapapasok ng basta-basta sa lugar nila lalo na kung hindi kilala. Agad niya itong pinaalis dahil ang bisita ay isang site locator ng isang pigeon association. The logo on his jacket dictated it. Si Max ito, dati niyang katrabaho.
Kung ang dati niyang itsura ang nakita ni Max ay agad na mangungumusta ito sa buhay niya ngayon at hinaharot na siya. But she's a different person now after that surgery. Di na siya si Kristine Christine Pelagio Ngo, si Cristy Lacernas na siya ngayon gamit ang sa asawa. She change even her maiden name and surname- Cristy Kang.
Hindi siya nakilala ni Max, so makakalantad na rin siya sa iba pa na di rin makikilala.
"Anything I can do for you?" unat nito ng kamay para ituro ang pagpaparadahan ng motor niya. Nang maiparada na iyon at ang lalake ay bumalik sa harapan niya ay inunahan na niya ng tanong ito. "Ang asawa ko ba ang contact mo?"
"Oo,"sagot nitong hinubad ang helmet nito. Ipinilig ang ulo para umayos ang mga buhok niya bago inilapag sa upuan ng motor ang hinubad na helmet. Mula sa shoulder bag ay dinukot ang isang papel at ballpen.
It's the same kid five years ago when she last met him. None change on him even it was four years ago noong huli niyang nakasama sa trabaho ito. Masyadong mabagal ang pagma-mature ng mukha niya. He still had that matinee idol looking face na kinababaliwan ng mga babae noon. Even her ay na- in love sa mokong na ito, crush lang naman. Pero priority niya ang pag-aaral kaya she resisted him, hindi siya napabilang sa mga maikama ng lokong ito. But to her own intuition ay hindi siya papatusin ni Max dahil di naman siya kagandahan, ordinary looking Pilipina, skin lang ang nakuha niya sa father niyang Tsinoy but that round squared face and round eyes are all of her mother. The surgery trimmed her nose to a mere Spanish shape, medyo pinatangos. Whatever the doctor did to her chin and her eyes para maging almost Korean looking siya ay di na siya nag-usisa. Bawas ng mga taba sa bilbil para medyo kumorte ang torso niya. Viola! New look siya, a total change. Heto ang first contact niya sa mga dating bff niya, hindi siya nakilala ni Max. That surgery put her in her new look and new life, of course with Benjo. Good for her. Mabubura na niya tiyak ang pangit niyang nakaraan. Isang ulilang lubos na siya na walang kamag-anak dito sa Manila. Living alone at hindi yung si Kristine na libot nga ng yaman pero lahat ng iyon ay mula sa dugo ng maraming taong namatay lang ng ganoon dahil sa kasakiman ng ama niya. Tingin uli ito kay Max. Until now Max had that power, ang lakas makaakit ng mga maamo niyang mga mata. Kaya nga pati yung kapatid ng tenant nila ay agad pinapasok ito sa gate. Ang kiri ay sinumpong ng kalandian kay Max. Kinikilig pa nga ang bruha nang iwan sila.
"Kasi nag-member siya sa Pigeon Club Association of Metro Manila," he said.
Ang kinatatakutan niyang pasukin ng asawa niya. "I see," tango na lang siya. Nabubuksan ni Benjo ang dating niyang mundo.
"Loft visit po ito at kasabay na ang pagkuha sa site ng loft niya--sukat sa GPS."
Global Position System. "Ah eh ganoon ba?" aniyang kunway walang malay sa mga kalapati. "Para saan ba iyon?"
"Para sa loft distance niya," anitong parang nangingilala sa kabuuan ng itsura niya.
Ang she was waiting kung magtanong siya ng HAVE WE MET BEFORE? "Kaso wala siya. I am alone here."she said, but deep inside her ay bumabangon ang takot.
"Ganoon po ba?" dismaya nitong pormang aalis na.
Inawat niya agad ito dahil scheduled visit ito, "No, you can check his loft ang do your job... alone, inside," turo nito sa daan paakyat ng loft. "Para hindi lang masayang ang lakad mo," she knows na may porciento ito sa mga nabibisita niya. Kung hindi niya papayagan itong magawa ang trabaho niya ay mag-aabang na naman uli si Benjo ng panibagong schedule ng loft visit. Siguro ay baka next month na ang kasunod noon.
Tango ito sa kanya.
Natural babae siya at makakasama ay isang lalake. Natural umiwas na lang siya para hindi maintriga. Ramdam iyon ni Max.
"Thank you," ang sabi nito sa kanya at umakyat na sa loft mag-isa.
Naiwan siya at dito na lang maghihintay na matapos ang trabaho niya. E yung dalagita pa naman ay sisilip-silip sa siwang ng pinto na inaabantan ang mga gagawin niya. Nag-aabang ng maitsitsismis. Napapangiti siya. Neneng, napakabata mo pa para maging tsismosa.
Natapos ang trabaho ni Max. Kinausap siya nito. "Ma'am na-notice ko na bata pa ang mga pigeons ng mister ninyo. All are tagged pigeons ng recent races."
Ayaw niyang umayon dahil mabubuking siya na may alam sa mga pigeons na iyon, "Luwas ang mga iyan ng kuya niya mula sa Bicol. Mga nahuli sa bukid niya."
"Hindi niya na-trap?" ngisi nito na hinuhuli sya. Naghihinala na sabit sila sa mga nangta-trap ng mga pinakakawalan sa Bicol
"Sa bukid iyan, sa Daet."
"Some had combined Beyer Cup ring bands, " anito.
Bayers ay supply lang ng mga gamot noon sa mga hogs at ng poultry. Pinasok na rin pala nila ang pigeon world. "Anong ibig sabihin noon?" she continually playing a none knowledgeable sa industry.
"They added support sa mga association by bonds for the winners of the race...surely to promote their products--wala na akong maisip pa na motibo nila kung hindi yoon...Beyer ma'am di Bayer's. Sponsored by some Belgian fanciers like Joel Vershoot, Heggermont, Decru Vergote... Henk De Weertz and many more. "
New names are cropping up sa Belguim. Si De Weertz lang ang datihan-the pigeon veterinarian. "Mukhang nagulat ka sa mga pigeons ng asawa ko?" subok niya, baka makapagbuga ito ng mga alam niya tungkol sa lahi ng mga iyon. .
Nagbuga nga. "Big loft ang source ng ilang ibon niya," anito, "May mga galing sa champion lines."
"Alin doon?" gusto niyang matiyak kung Tournier o Melucci ang grizzed hen.
"Tournier, yung brown checkered ay Florizoone." suot na nito ng helmet at ngumiti pa sa kanya. That famous Max smile ang pamatay niya sa mga babae noon. Halos lahat sila'y kinikilig.
Pisil nito sa start button ng motor, umangil sandali and the motor started. Sumakay na si Max. "Itanong mo kay Benjo kung gusto niya ng kapares noong mga sinabi ko. Sige bebentahan ko siya...para agad siya ay pumasok sa listahan ng mga novice winner."
Tango siya na. umatras ng kaunti para maluwag ang dadaanan ng motor. Nilingon pa siya ni Max bago tuluyang umabante. That smile again. Iling siya na naaalala ang mga kakengkuyan ni Max noon.
"Sagutin mo lang ako ngayon ay magpo-propose na ako sa mga parents mo. Pakasal na tayo agad!" pagyayabang nito sa awarding ceremony ng club nila.
"Unggoy mo!" sagot niyang turo lahat ng mga syota niyang dumalo rin sa celebration. "Ayaw kong masabunutan no?"
Ikot si Max. Tatlong syota nga niya ang nagkita sa party. Lahat ay galit sa kanya. Yari si Max! But deep inside her ay mahal niya si Max, as a friend lang. Pwedeng ma-develop na something special kaya lang siya umiiwas dahil puro pasakit ang aabutin niya sa piling nito. Oo na sige, siya ay magtino. E sa dami ba naman ng may gusto sa kanya ay imposibleng matakasan niya ang lahat, tiyak na may lulusot na kakabit sa kanya. So bago Siya lumuha e di forget. Heto e di nakatsamba siya ng matino. Hindi man siya ang nakauna sa kanya ay binalewala ni Benjo iyon. Aniya, mahirap nang humanap ng virgin ngayon. Totoo iyon. Pero kung hindi nga nangyari ang masaklap na pinagdaanan niya ay baka virgin pa siya nang sumama kay Benjo. But that needed to happen. Kung hindi dahil doon ay baka sa sandaling ito ay kapiling pa niya ang mga kaibigan at pamilya niya, di magko-cross ang landas nilang dalawa.
Balik siya kay Max. Naramdaman kaya nito ang dati nilang closeness noon? Nine years old lang sila noon, mga totoy at neneng pa sila ay nagkikita na sila sa mga loading ng mga pigeons. Bunso si Max at siya ay unica-iha naman, nag-iisang anak. Mga bata palibhasa kaya naglalaro habang parehong hinihintay na matapos ang loading. Then naging director ang Daddy niya sa club. Siya ay pumasok bilang filing clerk at bonding official. Natural na laging magkasama kaya puro kakengkuyan at kalokohan. Until that tragedy hit them, they part ways. Nagpalit siya ng anyo at mukha para makatakas lang. At di siya nakilala ni Max. Even her voice ay di niya nakilala. Nagbago din ba iyon as she grow older? Pero the surgeon who handled her surgery had made some innovation sa boses niya, pinatinis iyon. Mabuti naman! Kahit magssigaw siya ay ipit iyon at may pagka-high pitch doon sa dati niyang boses. Lately lang niya natuklasan na pwede pa niyang palabasin ang dati niyang boses. A little practice pa ay two voices lady siya.
BINABASA MO ANG
Let Me Fly That Horizon.
RandomPigeon racing is his hobby. None can replete his boredom but his birds. He loved them see flying high up the sky brating their wings freely as fast as they can. As the strong wind hamper them, he loved to see how they tried to play with it. And now...