Benjo.
Hindi siya makatulog ng maayos ng gabing iyon dahil release na ng mga flyers ngayong umaga sa Naga. Six-forty-five am daw iyon ayon sa schedule ang liberation. Nasa isip niya iyon nang makatulog. Pero mababaw lang iyon. Sabik kasi sa unang race niya ng pigeons. First try niya ay pumasok agad sa race ang mga ibon niya. Sixteen YB at apat na OB. Bale pito ang entry sa OB dahil tatlo ang YB/OB ang entry nila. Sa kasabikan kaya di siya makatulog ng maayos. Agad ay bumangon siya ng four a.m. para ihanda ang lahat para sa arrival.
"Ano ba?" angal ni Cristy sa kanya, "Ang likot-likot mo!"
"Di ako na makatulog e," sagot niya.
"Maaga pa!"
"Exited kasi ako e!" bigkas nito sa dahilan.
"Lumayas ka sa tabi ko, doon ka sa sala!" inis na biling nito sa paghiga. "Newbie kasi, ayan atat na atat!" hatak nito sa kumot at nagkulubong.
Nangingiti siyang bumaba ng kama para pumunta sa kusina at magtimpla ng kape. Papalabas na siya ng pinto nang muling lumitaw ang ulo ni Cristy sa kumot. "Oy, kung pupunta ka sa flyer's loft yung pads ay ipuwesto mo na sa diving board. Testingin mo na rin kung gumagana."
"Di ba tinesting mo na kagabi?" usisa niya.
"Testingin mo uli," sabay muli ay talukbong nito. "Mabuti ang sigurado."
"Oo na," sagot niyang lumabas at marahang isinara ang pinto. Di na niya nakitang mag-alis ng kumot si Cristy at tumayong pumunta sa computer niya.
Mainit pa ang tubig sa thermos kaya salin siya ng tubig sa isang lusa, di sa tasa. Tatlong doble ng tubig ang ilalaman ng malaking basong China ware kaysa sa tasa. Dalawang 3 in 1 coffee ang ibinuhos niya dito at hinalo ng balot mismong ng kape na ginamit. Ganoon sila kapag nasa bukid. Sa sala niya napiling pumuwesto. Tama si Cristy na maaga pa para mag-abang ng mga ikinarera nilang pigeons. Ang sabi sa club ay mga nine- thirty am ang first batch ng mga arrival. Ang totoong dahilan ng hindi niya pagkatulugan ay ang pasya ni Cristy na palakihin sa fifty thousand pesos ang pusta. Kagaling, tinalo pa siya sa lakas ng loob na tumaya ng ganoong kalaki. Tapos ang inilaban ay yung inalisan niya ng race band na sa OB inilahok. Bakit iyon ang choice niya? Ah, simila't sapul noong siya ang humawak sa mga pigeon nila ay kakaiba na ang mga kilos ng asawa niya. Hindi na siya yung Cristy na na kaagaw ng atensyon niya. Hyper siya sa mga kilos. Nawala yung mabini niyang galaw. Yung bang kada imbay ng balakang niya ay laging niyang pinagmamasdan at ang pagkalalaki niya ang mayroong pagmamalaki na ang asawa niya at di nawawalan ng pang-akit sa kanya. Di naman nababawasan iyon. Talagang makakaakit siya. Five-five sa taas, okay di siya pandak. Dalawa ng dali na lang ay qualify na siya sa mga beauty contest. Sa katawan ay talagang seksi na makatulong laway ika nga, tama lang sa sukat. Medyo bilugan ang mukha niya pero Chinese ang kabuuang porma-- kutis, skin color, medyo pointed nose at singkit na mga mata. Pag tumawa siya ay nagdidikit na halos ang mga matang iyon na sasabayan pa ng paglitaw ng mababaw na mga dimpkes. Oo, inamin niyang may half-Chinese siya, isang Chinay. Pero sabi nga ay hindi na niya nakilala pa ang ama niya na di mapakisamahan ang ina niya dahil may asawa ito doon sa Hong Kong. Benson Kang daw ang pangalan. Nagtataka siya dahil alam niya ay pangalan ng isang lalake ang Kang hindi surname. Pero walang dapat na sisihin. Maski dito rin sa Pinas ay may mga surname na pangalan din. Katulad lang iyon ng Pedro na pangalan na ay surname pa rin ng marami kaya lang ay may kabit nga lang na San. Ang problema ay walang file na mahagilap na ma-match sa mga description ng mga magulang niya. May mga kapangalan nga pero di tama sa edad at address nila. Isang malaking question ang asawa niya. Naghihinala siya na baka nagpalit lang siya ng pangalan, di Cristy ang totoo niyang pangalan. Bakit uli ang kakabit na tanong. Naghihinala siya tuloy na baka may pinagtataguan ito o kaya ay isa siyang wanted sa batas. Pero pag nag-punch siya ng pangalan nito ay picture niya ang lumalabas. Kahit sa instagram ay iyon din. Kung wanted siya ay tiyak na buburahin niya ang lahat ng mga impormasyon sa kanya. Mayroon nga pero yung iba pang info kung lalawakan ang pagsisiyasat ay block lahat. Sino ka ba talaga Cristy?
Naputol ang pag-iisip niya nang makitang sumunod sa kanya si Cristy. Labas itong dahan-dahan patungong kusina. Napasunod ng tingin si Benjo kasi ay walking cinderela ito at isang manipis na nighties lang ang suot no under wears. Walang pagbabago sa katawan niya, seksi pa rin at lalo pang gumaganda sa bawat araw na magdaan. Grrrrr! Talagang nakakagigil pa rin siya despite of those years na magkasama sila sa isang bubong. Almost five years na. Five years na kasiping niya ito gabi-gabi pero hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya dito. E ganoon din naman siya e, palitan lang silang dalawa ng niloloob. She's so beautiful at totoong maasikaso sa kanya at sa loob ng bahay. Wala siyang nari- nig dito na reklamo. o umingit man lang ng gustong ipasalubong sa pag-uwi niya. Ang Linggo ay araw ng pasyal nila. Actually ay di pasyal iyon. Sa labas sila kakain tapos kasunod na ang paggo-grocery nila para sa isang linggong gamit. Minsan ay destino siya sa Bohol kaya isinama niya ito. Di yung puro sa loob na lang sila ng bahay sa loob ng anim na araw at sa Linggo lang masisikatan ng araw. Tuwang-tuwa ito nang ang buong Linggo ay namamasyal sa kung saan-saan at sa Chocolate Hills. Yung pa ngang naitatampo niya sa sarili. Sana kahit man lang isang linggo ay maipasyal niya ito. Sa Baguio, sa Palawan cave, sa Boracay man lang. Kaso di nawalan ng rush na trabaho sa factory. Supervisor siya doon at laging inaasahan ng mga tauhan niya para walang palpak na mga trabaho. Bawas pa naman sa suweldo nila kapag nakasira sa mga produkto nila. Di na nga niya natutupad ang mga gusto niyang gawin nila ni Cristy Tapos heto siyang nagpapasimulang magduda. Hoy Benjo tigil! Silip uli ito sa kusina, si Cristy ay papalabas ng banyo. Napatingin siya sa dibdib ni Cristy. It is normal sa laki, not small pero di rin malaki. That was her body part na iniiwasan niya lamutakin. Puro magaan na haplos ang ginagawa niya. Iyon kasi ang payo ni Mr Caligwa sa kanya na ang asawa at suffering from breast cancer. "Touch it gently baka may mums siya. That is cancerous, elude gripping it hard," nasa mukha nito ang pagsisisi sa ginawa niyang pagtrato sa dibdib ng asawa niya. "Kahit hilingin pa ng asawa mo, hwag mong gawin." At iyon ay tinandaan niya. She love Cristy very much. It is unchanged, it will never change or be change. Kung may sapat lang siyang salapi ay ibibigay niya ang lahat ng ikaliligaya nito. Magarang tahanan, maayos na kasuotan, mga mababait na mga anak. Not even pain or any kind ng mga mahahayap na salita ay iniwasan niyang gawin, yung pa kayang masaktan niya ang mga laman nito? No way!
Pagbalik ni Cristy ay naupo ito sa tabi niya at lumagok sa baso ng tinimpla niyang kape. Ilang lagok lang iyon ay humilig na ito sa dibdib niya. "I love you babe."
"I can feel it," she countered.
"Will you marry me?" he ask.
"Kasal na tayo sa huwes di ba, remember?"
"Again...formal."
Church wedding ang gusto ni Benjo. "Why?"
"I wanted to make it more legal to the eyes of the people around us. That when our kids watching our portrait wedding turned too proud of us." kagat ni Cristy ang bibig niya nang tignan niya ito. "You are crying again."
"Kasi I can feel you wanted us to be complete, a family. You the father and I the mother...and our kids playing around."
Hinalikan niya ito sa pisngi. "Until you decide when," bulong niya.
"Next year Benjo. Bago mag-year end you will hug our baby."
anitong yumakap. "Matatapos na ang trabaho ko. You will know who really I am."
Ang hinihintay niyang kusang pagtatapat nito, "Talaga ba? Promise mo iyan ha?"
"Oo," halik nito sa labi niya "I love you so much. No man ever controlled me and made me happy, you gave me that peace na hinahanap ko, filled my heart with total contentment, a real one, really. Napayapa ang loob ko. Sana hindi mo ako kapootan pagdating ng araw na iyon-- 'pag nakilala mo ako nang lubusan."
"I will always be supportive to you, the kind of love that never know what hate and pain is."
"And I wanted when we are decided to have our baby, I am perfectly clear to you. You will wed me again? Oo, I heartily accept it, with my real name... I am the real me, free of all lies."
" I don't want any sorry from you or you say sorry to me. I"m not going to admit it. My love to you needed no any sorry at all. I know something bugging you. I will never dare to ask you about it. Whatever it is, no matter how painful it is I will accept, I will always be on your side to help you. I can always forgive you... that's the kind of love I can offer you. I can wait always. That's a promise."
Watery eyes na si Cristy, hindi siya namali ng minahal na lalake "Thank you love."
Pinagsaluhan nila ang biyaya ng tunay na pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Let Me Fly That Horizon.
RandomPigeon racing is his hobby. None can replete his boredom but his birds. He loved them see flying high up the sky brating their wings freely as fast as they can. As the strong wind hamper them, he loved to see how they tried to play with it. And now...