Benjo.
Tumungtong sa tabi ng flyer's loft si Benjo at sinisipat mabuti ang South, inaaninaw ang ulap baka may nakita siyang tuldok. Sa South-southeast ay mayroon, sa lugar ng Makati area. Pero papaikot iyon sa paglipad na sa direksyon pa nila ang punta, di diretso na tulad ng asal ng mga race pigeons. Nanatili siyang nakatitig dito ng ilang minuto. Umaabante naman pero in circular motion. This is not a pigeon. Sumilip si Cristy sa kanya at iniaabot ang isang baso ng iced tea.
"O palamig ka muna."
Kinuha niya iyon. "Alam mo ba kung anong klase ng ibon ang lumilipad paikot sa isang lugar?"
"Kalapati!" walang pag-isip sa iba pang isasagot sa tanong niya
"Paikot habang papalapit o kaya ay paalis," aniya dito, "May kabagalan at malaki," dagdag niya sa deskripsyon para magka- ideya si Cristy.
Birds of prey! "Agila."
"Siguro?" di rin siya tiyak. Siya ay taga-Bicol pero mas malaking oras ang inilagi niya sa city kaysa baryo dahil sa pag-aaral. Malayo ang biyahe paluwas sa bayan at napakamahal pa ng pamasahe. Kaya noong makagraduate na siya ng elementary ay iniluwas ns siya dito sa Manila. Maraming bahay at kaalamang bukid ang hindi na niya alam. Hindi nga niya matagalan ang masyado ng katahimikan ng paligid 'pag siya ay nagbakasyon doon. Para bang inip na inip siya na hindi niya maintindihan. Kasi ba naman sa paglatag ng dilim ay ligpitan na ang mga tao sa mga bahay nila. Para bang isang orasan ang takipsilim. Uwian na sila sa mga bahay nila! Mapaama, ina, lolo, lola, Tito, aunty, tiyak na sina kuya at ate ay karay-karay si bunso na ayaw pang umuwi dahil nakikipaglaro pa. Kasi ang power ng kuryente ay hindi pa umaabot sa baryo nila. Dulo na kasi at tabing dagat pa. Puro posteng bato pa nga lang ang nakatayo at hindi makabitan ng linya. Ewan kung bakit na ang pagkilos ng cooperatibang may kontrata sa lugar nila ay ang bagal ng paggawa. Kaya sa sobrang dilim sa gabi ay hindi na sila gumagala pa. Nakakainip doon dahil sanay siya sa buhay Manila na halos walang tulugan dahil sa dami ng paglilibangan. Kung sa probinsiya ay sasakit ang likod mo sa kahihiga sa kama sa pag-aabang ng liwanag dito sa Manila ay mahaba na ang anim na oras na pagtulog. Ang hits mo naman ang mapapagal sa halos walang humpay sa mga paggala
Nasa bubong na si Cristy."Saan iyon?"
Turo niya ang nakita. "May agilang rumoronda doon sa may Makati."
Sampaloc area sila kaya malayo iyon kung tutuusin. Pero iyon ang dadaanan ng mga papauwi nang mga race birds nila. "Anak naman ng impakto oo!" agad na napaakyat na ito sa bubong at tanaw sa direksyong turo niya. Sinipat niya iyon. Mahirap nakita ng gusto dahil sa blue sky. Nang matapat iyon sa mga ulap ay nakatiyak, "Agila nga!" at agad na dali-dali na bumaba. Walang isang minuto ay nakabalik na ito agad sa itaas na dala ang limang whistle bomb.
"Mayroon ka pa niyan?" tira iyon noong bagobg taon.
"Itinago ko. Para sana noong celebration ng Chinese New Year ay gagamitin ko, Kaso di ba nga ay lumabas tayo?"
Napatango siya, Alam niyang si Cristy ay Chinese pa rin sa maraming asal kaya nag-date sila noong New Year nila. Nanood sila ng fireworks at dragon dance sa MOA. Halos one am na sila nakauwi sz bahay kaya di na pinaputok ni Crsty ang mga inihanda niyang paputok. Isang bundle pa naman iyon na five dozen ang content. Bale si Ogie na ang bumili noon para sa kanila. Kapitbahay nilavito na taga-Obando, Bulacan. Pumayag dahil dala niya ang service niya sa kumpanyang pinapasukan, isang L-300 van iyon. Sabi niya na mas safe sa sita ang pag-uuwi ng mga paputok kung may dala kang service."Paputukin mo?" tanong niya habang ang mga ito ay itinutusok sa sako na lalagyan ng mga dumi ng pigeons nila.
"Oo," sagot nito na inilabas na ang lighter ng gasul nila. "Ito ang ipangbubugaw ko sa agila."
Kumot ang noo niya sa pagta-taka, "Ang layo niya, maririnig pa ba iyan?"
"Oo naman." tingin pa nito sa kanya na ngumiti, "Matalas ang mga pandinig nila. Tapos sa itaas puputok kaya malawak ang sakop ng sound waves, at tiyak na tatangayin pa iyon ng hangin. Mahina na lang pero pag umabot sa agila iyon ay may impact pa. Rerihistro iyon sa utak nila kaya lalayo sila sa source ng sound."
"Aber nga, tignan kung totoo," tukso pa niya, to see is to believe ba ga. Hindi kasi niya inintindi ang lesson nila sa agham ng high school tungkol sa sound wave. Ayan, tunganga siya na di niya matapatan si Cristy tungkol dito.
Ngingiti- ngiti si Cristy na sinindihan ang limang kwitis.
Nang umusok ang mga mitsa at natiyak na nasindihan lahat ay atras na ito palapit sa kanya. Sunod-sunod na umangat ang mga ito na tila nag-uunahan pa. Pinanood nila ang pagsirit ng mga iyon paitaas.
Pak, pak,pak, pak!
Sunod-sunod na pagputok ng mga ito, apat lang ang pumutok Syung isa ay dumayb pababa, mintis. Buo pa iyon na bumagsak sa isang bubong sa di kalayuan.
Pinanood nila ang epekto noon sa agila. Pumitik nga na parang nagulat. "Abat totoo nga!" bigkas niya sa gulat. Ang agila ay dumiretso ng lipad papuntang Antipo. "Ang galing talaga nitong esmi ko!" selebra pa niyang pinuri ito "May mga natutunan ako."
Hindi iyon pansin ni Cristy na parang may natanaw sa dako ng Luneta. Paboritong saan ito ni Procyun, yung VDB/Jansen na kasali sa OB, pero parang sumasalok ang kalahati sa mga reminges niya-dulong pakpak ang gamit. Si Lady Alexandria! Speeding too fast dahil nakita na ang loft niya. "Baba na!" hawak pahatak sa kamay niya si Cristy.
"Bakit?" maang pa siyang nagtataka.
Turo nito ang direksyon ng MOA. "Si Lady Alexandria na iyan!" turo nito ang isang tukdok sa isang columbus cloud.
May isa ngang kalapati na papalapit sa kanila.
Sunod siya na nagtataka na'y natatawa pa. "Pangalan iyan ng isang city di ba?"
City nga na isinunod kay Alexander the Great "Chinese girl ito, hilig naming magpangalan ng mga alaga na nakikita sa langit at sa paligid Ako nga Luna ang tukso, the wolf girl.".
"E ba"t sa hayup?"
"Oy, may WOLF star no?"
" Star iyon na kasama ng Sun sa cluster na nasa gilid ng Milky Way. E bakit nga wolf Luna?"
"Maldita, madaling mapikon, panay epal sa usapan ng mga matatanda noong maliit pa ako, galit kapag sinaway...laging si AKO ang bida!"
"Natural sa bata iyon."
"Oo na, kasi ako sobra!"
Natawa siya, "O di ba sobrang suplada mo noon? Sininghalan mo pa nga ako e."
"Hu, presko ang approach mo no? At saka nasa library ako kasi may tinatapos akong thesis. Busy po at lalapit kang bigla sa akin na makikipagkilala."
Tawa siya. "Magtatanong lang ako noon dahil sa hinahanap kong tatanggap ng order sa aming company. Grupo ang nakatak na pagbibigyan di name Kasi nga'y nasinghalan mo e di ikot uli ako sa buong building."
"At sa akin din pala ang bagsak ng delivery mo!" tawa ni Cristy. "Nanglilimahid na sa pawis yung mama nang makaharap ko uli. Naawa tuloy ako."
Napalabi siya. "Hindi bale na. Nakilala ko tuloy ang future Mrs. Lacernas!"
"Ku yabang!"
"Na-nuetralized ng venom ni Benjo!"
"Gagong to!" buweltang ang kulungan ang sinilip kung may tubig pang inuman sa cage. Wala na. "Anong oras na?"
Tingin sa relong pangbisig niya, "Nine-o five!"
Bumali ng lipad ang ibon, pa-dive na ito. "Ang cp mo sigurado kang may load sa YONA PRO?"
"Oo. May regular at all text to all network pa."
Dumapo na sa diving board ang flyer nila. Bahagyang angat ang mga balikat pero di bagsak ang mga iyon, nabubuhat pa. It is a sign she can still fly a hundred kilometers more.
Kita niya ang ilalim ng tuka ay gumagalaw sa paghahabol ng hangin pero walang tubig na tumutulo sa dulo ng tuka. Good! Di niya kailangan ng gamot sa sipon, pakakapitin lang ang mga lose muscle niya sa kanyang mga buto. Amino can do it.
"Pasok na baby," ani Cristy.
Para nang naintindihan iyon ng kalapati. Lakas ito papunta sa trap door. Saglit na sumilip muna na parang may hinahanap.
Tubig! Dampot ni Cristy ang painuman pero winisikan lang ng tubig. Ipinasok niya iyon sa loob ng loft. Matanaw pa lang ng pigeon ang bitbit ni Cristy na painuman ay pumasok ito agad at hinintay na ilapag iyon. Pagkababa niyon ay Subsob agad ang ulo sa drinking cup. Walang tubig. Angat ito ng ulo at ang mga mumo ng tubig ang dinilaan nito para mabasa ang bibig niya. Naawang dinampot ito ni Cristy pero inunang inalis ang race sticker at inabot sa kanya.
"Scratch mo na at i-ready mo na ang camera ng cell phone."
Idinikit iyon sa pakpak ng ibon at pipiktyuran at ipadadala niya sa Race coordinator. Si Cristy ay pinatakan ng dalawa ng drops ng Reload ang bibig ng ibon.
Pagkatapos maipadala sa coordinator ang picture ay agad na kinalikot ni Cristy ang computer niya para malaman kung pang-ilan sa puwesto ang ibon nila. "H'wag mo akong panuorin. Doon ka sa loft baka may dumating uli."
Akyat naman siya. Nasa diving board na si Procyun. "Si Procyun nandito na. Standby!"
"Istikin mo na. Makulit iyan!" sigaw ni Cristy. "Yung latang lalagyan ng pagkain ang patamaan mo."
Dampot niya sa tako ng pool at mahina nya ipinalo ng sunod- sunod sa isang lata na malapit sa kanya. Nang marinig iyon ng ibon ay agad na pumasok. May pasalubong siyang pagkain!
Pumasok sa record ang na-received ng sensor pad nila. "Benjo yung sticker at picture nai-send mo na ba?"
"Sending!" sigaw niya. "Ang dami nang dumadaan na mga race birds," turo niya sa mga dumadaan.
"O baka mayroon kasama sa atin?"
"Panik ka na nga dito, may dalawang pa-dive na! Kasama si Mighty Mite!"
"Andyan na!"
Pagkaakyat nito ay sinalubong niya ng tanong. "Anong puwesto ni Procyun?"
"Collection tayo ng tama!" tila parang balewala dito ang laki ng perang panalo nila. "One k si Procyun at one point five k itong si Lady...parehong first arrival, lap winner."
First blood nila sa race. Sa pooling ay six hundred thousand pesos iyon. Parang nanalo na sila ng race.
"Hanggang sa Legaspi ko lang aasahan si Procyun."
"At bakit naman?" tanong niya dito.
"Ang characteristics ng mga Janssen ang dala niya, isang sprinter bird, di pangmalayuan siya."
"Kaya ba inalisan mo siya ng race band?"
"Oo," sabay pa ang tango sa sagot nito. "All indications sa mga namana niya ay sa Janssen, hindi sa cross niyang Van den Broucke."
"At least ay kumabig," agad comment niya. "Malaki rin iyon!"
"Tamang handling Benjo." sagot nitong maalaala ang pabibiro ni Zandro na siya ang dapat na bantayan sa race. Tama siya. Anak siya ng isang fancier na alam kung paano mag-alaga ng mga race birds. Magkundisyon ng mga breeders at flyers pero ngayon pa lang niya sinubukang magpalipad ng mga race birds.
Heto, first taste ng lap win ng siya mismo ang nag-handling. Kung buhay pa ang Papa niya ay matutuwa ito. Yung unika iha niya ay nakapagpauwi na ng isang race pigeon mula sa isang lap race. Party iyon tiyak na todo yabang sa mga kumpadre niya.
Napalis ang ngiti niya nang maalaala ang pagpanaw nito. Alam kasi niyang namatay itong may tampo sa kanya. Sorry Papa!
BINABASA MO ANG
Let Me Fly That Horizon.
RandomPigeon racing is his hobby. None can replete his boredom but his birds. He loved them see flying high up the sky brating their wings freely as fast as they can. As the strong wind hamper them, he loved to see how they tried to play with it. And now...