CHAPTER 14

13 1 0
                                    

Benjo.
    Apat na superset birds ang naiwang live sa mga ibon nila, walo pa lahat ang superset nila na nag-clock  pero may cut ang dalawa sa Matnog at yung dalawa ay sa Calbayog race na bumigay at na-cut off ang mga ito. Mabuti pa nga sila na mga   nakauwi kaysa doon sa walong iba pa na hindi na lumitaw pa sa Matnog pa lang. May naglambat daw. Sa video ay nasa ibabaw ng bundok ang mga malalaking lambat, malayo ang mga iyon kung tutuusin at alatsamba pang makahuli ng maramihan. Pero T
totoong may mga mahuhuli iyon pero sa tantiya nilang mag-asawa ay malaking factor ang makulimlim na kalangitan. Ayaw lang aminin ng marami na iyon ang kahinaan ng kanilang ibon. Sabi ni Cristy sa kanya ay may dalawang klase pa ang mga long flying pigeons. Iyon ang ibon na  sun path  ang basehang marker ay araw. Kapag sikat ang araw ay ginagawang guide iyon sa direction ng lipad nila. Lilipad ng mataas tapos diretsong uwi na. Ang gusto ni Cristy ay isang pedestrian na gamit ay mga land marks. Mapaaraw man o maulan  once na naliparan na niya ang lugar ay palatandaan na iyon sa pag-uwi niya. Most winners ay pawang pedestrian race birds, pangalawang gamit lang ang kanilang ilong. Mas nakalusot pa si Procyun ng OB na hindi nila inaasahang aabot sa dulo dahil fifty percent niya ay Janssen at di talaga pang long races, kasi known speed birds sila. Kaya lang yung mga last race niya ay puro down sa 800 sv na. "Okay lang iyan, " ang sabi ni Jokjok kasi gamit na ng ibon ang dugo niya na vdb,  long flights characteristic nito.  Tutal naman ay puro 1240 sv ang unang tatlong races arrival niya sa Bicol area. Kung makakauwi siya ng Tacloban ng may 800 sv sa bilis ay papasok siya average speed sa buong race na 1000 sv, bale sixty kilometers per hour ang takbo niya sa kabuuan. Sa standing ay nasa pangkinse na siya sa OA at may differential na 2000 sv sa nasa top one. Halos dalawang oras din iyon na habulan sa oras. Si Lady Alexandrea ay nasa top list ng mga leading sa race pagkatapos ng Calbayog, third place behind Cricket's bird. Leading ang kalapati ni Spider. Ang masaklap na inaabot ni Spider sa pustahan ay maling pagpili ng ilalaban sa pusta, puro palso siya sa apat na races. Bale sixteen million na ang nasa stake at magiging thirty two million na ang perang paglalabanan nila ngayon, yung two million lang ang puhunan. Last race na  nila kasi hindi pumasok si Cristy sa special race sa Abuyog. Serious dealing is on going sa final na pustahan. Ito ang ibinabala ni Cristy sa kanya noon na kapag milyon na ang usapan ay may nagpapalit ng kulay, lumalabas ang kasuwapangan ng ilang opisyal. Cristy wanted to counter it--kung iyon ang gagawin ni Spider.
   Nakaharap nila si Spider sa opisina. Nandoon lahat ang mga opisyal ng club at sila na lang ang hinihintay.
    "Sixteen million pesos," ani Spider. "Thirty two million ang total. Labanan ito ng best birds namin sa race na ito."
     "Not one-on-one birds," ani Cristy, "Three pigeons per entry tayo," sundot ni Cristy. "Ang rules ay tulad noong lagi ninyong pinaglabanan  ni Mr. Israel Ngo noon."
     Gulat siya sa ipinasok ni Cristy pero mas gulat ang lahat lalo na si Spider mismo, "Parang napakarami kang alam sa mga nangyari noon ha?" usisa na nito sa asawa niya. "Kilala ba ninyo siya?" sa iba nilang kasama nagtanong ito.
      Iling pang nangingiti si Max,. "Filing clerk ni Boss Rael noon," sagot nito. "Iginaganti yata ang boss niya sa iyo?" sabay tawa pa nito. "Kami nakalimutan na iyon pero siya ay hindi pa,"sabay turo kay Cristy. "Sabagay, halos nga ampon na iyan ni Boss Rael kasi paaral niya iyan."
     Laking gulat nito. "Kasama ninyo sa club?"
      Tango si Zandro. "Si Tinay iyan, yung apo ni Mang Lucio na tagalinis ng mga umuwing truck mula sa race," kindat pa nito sa kanya.
       Naalaala na niya ang anyo ng  dalagitang iyon. Saglit na pinagmasdan nito si Cristy. Nakita niya na napangiwi ito sa inis. "Siya nga!' anito. "Tinuruan ko pa siya noon kung paano mag-vaccine ng PMV."
    Nanukso na si Jokjok. "Ah kaya pala, estudyante mo. Ayan, ang daming pinataob...pati ako ay tinatalo."
     Sumingit si Cricket. "Yung isang talo ko sa kanya na 50 k ay di na ako umulit. Ikaw na ang kumana, so pinabayaan na lang kita. Ang kulit mo kasi, ayaw mong pakinggan ang mga babala namin. Ayan mag-suffer ka! He he, malutong na thirty million pesos ang maisusuka mo kapag nasibak ka sa Tacloban."
      "Tapos first birds pa hamon mo? E two laps winner na iyon. Kung hindi pa nakalamang ng malakilaki iyong iyo sa Matnog ay baka wala iyan sa unahan. Akin ang nasa lead."
     "Mabuti pa ang three entries per group race kayo," payo ni Marty. "Siguro ay alam na ninyo ang rules noon di ba?"
     Tango si Spider. "Pwedeng,.." saglit na pag-iisip nito, " sige call na ako."
     Ang asawa niya ang hinarap ni Zandro. "O Cristy, pumayag na sa suggest mo. Three birds race ito."
     "No draw...collected time ng mga napauwi, " ani Cristy.
    "Points against time," ulit ni Max sa rules. "Three-two, two-one, winner ang mas maraming napauwi. Sa three-three, two-two at one-one ay collected time. Ang share ng club na ten percent ay kokolektahin na ng club sa final race ninyo. Am I clear?"
     Tanguan na.
    "Sige let's put it in a paper,"ani
Zandro.
      Matapos magpirmahan ay Lumabas na sila para i-show birds nila ang mga ilalaban. Isang babae ang nag-aabang sa labas ng office, si Isabel Ngo.
     Ngitian ang lahat dito.
     Si Cristy ay parang natulala sa nakaharap na babae. Kita niya na parang iniiwasan nito ang mukha niya sa  lumitaw na babae.
     Sinalubong ito ni Zandro at hinalikan sa pisngi. "A Honey natatandaan mo pa ba si Tinay, yung apo ni Mang Lucio?"
   Iling ito. "Di ko pinakikialaman ang mga tao ni Rael. Si Kristine ang pumapalit sa kanya sa club, di ako. Ginawa  niya akong pangbahay lang para di ko nga naman nakita ang mga kahayu-pang ginagawa niya!" ngisi nito.
     Napatango na lang si Zandro na hindi na ipinakilala si Cristy. Siguro sa isip niya ay wala ring kwentang ipakilala ang asawa niya sa dumating na babae. Si Cristy ay dumiretso sa lalagyan ng mga training box nila.
     Napatingin ang babae sa asawa niya. Parang natigilan.
     "Kristine?" tawag ng babae sa kanya. Lingon ang lahat sa tumawag.
      "Si Mrs. Ngo!" anang isang member na nakalakilala dito.
       "Siguro sinilip si Zandro."
       "Sila na buhat noong mawala si Boss Rael."
       Si Cristy ay hindi lumingon, siya ang tumingin dito. Mama pala ni Cristy ang dumating na babae. Kaya pala umiwas agad si Cristy para di nakilala. Maganda pa rin kahit nasa fifty years old na ito, di tandain ang mukha.
     Awat si Zandro dito, "A, di siya si Kristine, Cristy ang pangalan niya, yung sinasabi kong apo ni Mang Lucio na nag-member dito sa club."
     Naobligang lumingon dito si Cristy, kinopya ang tinig ni Tinay "Ma'am, ako ba ang tinatawag ninyo?"
    Iba ang mukha nito, mas singkit pa ito sa anak niya. "Ah, hindi. Ako'y namalikmata lang siguro," at kay Zandro siya nagpaliwanag. "Parang si Kristine kasi siya pag nakatalikod eh. Kaya lang mas may katawan ang babae ng ito, mas seksi sa anak ko."
      It's been five years siyang nawala sa piling niya. Alam niyang marami na ang ipinabago ni Cristy sa porma niya to elude detection. Ipahanap lang siya sa mga detectives ay makikita agad kung nasaan siya.  Sabi ni Cristy ay total change ang ipinagawa niya sa kanyang anyo. Small breast siya noon kaya pinalaki niya ito sa twenty centimeter. Her eyes ay medyo bilugan kaya ipinabanat niya para sumingkit ng todo. Add some flesh sa ass niya para umalsa iyon, di tulad noon na may kanipisan. Ang clef chin ni Tinay ay ipinalagay din niya pati na ang tila guhit na lang na pilat sa mukha nito ay ipinalagay rin niya. Iyon ang isa sa markings ng kinopya niyang mukha. Nilingon niya ang Mama ni Cristy. Narinig pa niya ang dagdag na sinabi nito. "Ang feeling kasi ang nagamit ko sa babaeng iyon, pareho. Alam mo na kasi ako ang ina. Di man kami totally close pero iba ang dating as ina kapag kaharap ang anak."
     "Miss mo lang si Kristine. Siya natural na parang malapit ka kasi nga e nakikita mo na siya sa office ni Rael."
    Nakita niya ang paglabi nito, "Siguro nga," anitong nilingon uli si Cristy.  "Sa maraming bagay ay pareho silang dalawa e." labi pa nito.
     Naniningkit ang mga mata ni Cristy, halata niyang galit pa ito sa ina. "Ang ganda pa rin pala ng Mama mo."
      Tumuwid nang tayo ito at tumitig sa kanya ng mata sa mata. "Kung may babae si Papa ay may lalake si Mama. Di lang ako naghinala na si Zandro iyon."
      Pabulong halos ang tinig ni Cristy pero may galit iyon. "Don't spill nerve," paalaala niya.
      "Trained na ako Benjo."
      "Good."
      "Kikilos na ako after this race. I can't wait any longer."
      "Why too early?"  he ask.
      "Pineperahan lang ni Zandro si Mama." Lingon nito sa office, nakadantay ang isang braso ng Mama niya sa balikat ni Zandro. "Baka nga pera pa namin ang ginamit niya sa pagtatayo ng club na ito."
     Di malayong totoo ang hinala ni Cristy. Natigil sila sa pag-uusap nang lumapit sa kanila si Marty.
     "Napagkamalan ka pang si Kristine," anito. Napalabi pa ito, "Kung sabagay ay totoo. Marami kasi kayong similarities. Di nga lang kayo magkamukha."
     "Ang ganda ni Kristine ano?" pangangatwiran ni Cristy. "Anong panama ng pigura ko sa kanya?"
     "Kung sabagay nga," anitong pinanonood ang paglilipat ni Cristy ng mga ilalaban sa isang training box. "Socialite, mayrong panggastos sa mga beauty kits niya. Aba eh, natural ahon ang lamang niya sa  iyo. Kaya nga lang mas may pigura ang katawan mo sa kanya."
     "Kanya-kanyabg katangian lang iyan,"  Iniabot na ni Cristy ang mga ilalaban nila.
  "Yung nga lang!" ani Marty.  Turo nito ang mga naiwang pigeons. "Bitbitin mo na yang iba para maisakay na rin pagkatapos ng show down."
     Nahihiya siya sa mga member na malalaktawan nila.
     "Special race naman kayo eh. Pwedeng mauna na."
      Kumakaway na sa kanila si Max.
      "Sandali lang!" sigaw ni Marty
"Andyan na!"
      Sina Alexandrea, Porcena at Labinia ang pinili ni Cristy na ilaban, Di na siya kumibo. Lahat naman at live lahat.

Let Me Fly That Horizon.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon