Benjo
Kina Benjo at Cristy nakatuon ang paniningin ng lahat ng mga dinatnan nila sa club.
"Ayan na yung mag-asawang nanalo sa pooling."
"Six hundred k iyon, ang laki."
"Nakatsamba lang!"
Kinontra iyon ng isa. "Hindi raw sabi ni Boss Max. Van den Broucke/ Janssen ang ginamit. Si Boss Max pa ang nagbenta noon kay Lacernas. Mula sa loft ni Sir Joseph Olivenza."
Last years winner ng one loft, "Putris, ang bigat palang kalaban iyan. Birador ang lahat ng mga panglaban. Di ba newbie yang si Lacernas?"
"Ayon sa source ko sa amin," turo nito ang asawa niya, " yung babae ay nakasabay pa niya sa Bioresearch na bumili ng tagpa- 5 k na Armando at Fabry. Tatlo pa nga daw ang binili, Seven k ung isa. Hindi niya matandaan yung isang pang linya, pero isa raw champion line sa Belgium."
"Ha, yung babae marunong?"
"Di ba sabi nga ni Boss Max, yung babae ay dating posting clerk ni Sir Israel Ngo, yung nag-suicide na club owner may mga six years ago na ang nakaraan."
Nakita niya ang paglingon ni Cristy sa mga ito. Ramdam sa kamay nitong nakahawak sa bisig niya ang humigpit at lumuwag na kapit ng kamay nito sa inis sa mga nag-uusap. "Don't mind them," payo niya.
"Hmmm... oo na," tingin ito sa kanya, "Gusto ko lang malaman kung ano ang ikinalat na mga balita sa outside tungkol doon sa nangyari noon. Hindi ko na kasi nasundan iyon. Magulo ang isip ko at hindi ko na kilala ang mga nakapalibot sa akin. Just wanted to vanished, get away at lumayo , kalimutan ko kung sino ako. Just like that-kasi I hated why I was born... Am I had the right to live? Thanks God He saved me, then gave me the answer--you."
"Coz you hadn't done wrong--He will not bless an erring child or answer their wishes if that is for ill wills...yours then is His guidance, for you to continue living your life."
"Kahit revenge ang gusto ko?"
"You are not that kind. Maybe dating kang suplada, maldita, so on and so fort... but with those five years almost I hadn't seen that to you. Cristina had beaten Kristine. I got a feeling your real name is Kristine Cristine--- your Mom is an avid Sharon Çuneta fan di ba?"
Napalingon si Cristy sa kanya, "Where in the hell did you...?"
"You are acting indifferent every time Israel Ngo is the topic of chats. I'm noticing that."
"Cut it off Benjo," awat nito sa kanya, "We are not in proper site to talk with it."
"Tamo ito, inihambing ko lang kay Kristine, selos na agad!"
Ibinayo na ni Cristy ang saradong kamay niya sa braso niya. Nang sulyapan niya ito ay nakangiti na, "Yan , di ka na tatablan ng mga parungit kapag ganyan ka. Wonder Girl Cristy!"
"Kaya ko na!"
Tuloy ang kuwentuhan dahil akala ay libre sila at walang spy, di nila kilala si Cristy.
"Ayos nga doon ang sistema, maayos naman. Kaso nga lang e nadawit sa kaso yung may-ari kaya natigil ang operation "
"Totoo ba na smuggler?"
"Siguro, pero nag-suicide. Baka, kaya lang wala raw patoo na ganoon nga. Ewan ko. Kagalit daw yung anak na babae, di niya nakayanan ang bunganga nito kaya lumundag sa bintana. Marami ang galit sa anak pero marami rin ang tagapagtanggol. Di na ito nakipaglibing pa. Si Ngo parang napolitika, di mo na alam kung sino noon ang nagsasabi ng totoo."
"Oo nga," ayon ng kausap,"Kasi yung dati kong kapit-bahay na tao ni Mr. Chou, yung tycoon ng Hong Kong. Kasosyo ni Mr. Ngo. Double crosser daw kasi si Ngo, ang kumpadre tinalo. Deal yata sa drugs iyon, Ewan di malinaw ang kwento."
"Drug lord din siya?"
Naisubsob ni Cristy ang ulo sa dibdib niya, naririnig niya ang ungol na sanhi ng pagpipigil nito.
. Iling ito sa pagtanggi, "Hindi, mukha ng siya ang nagsumbong sa mga pulis. Ipapapatay daw sana ng kumpadre niya pero naunahan daw."
Gulat ang lahat ng mga nakarinig. Si Cristy ay napapitlag pa.
"May nakaunang mga dumale, ibang grupo at inihulog daw sa bintana. "
"Iba na naman iyan?"
" Baka kamo marami siyang ginago?"
"Bagong twist iyan ha?" singit ng ikaapat na katsismis nila.
"Iyon ang kuwento. Pero tila imbento e? Kasi sikat si Mr. Ngo kaya kung anu-ano na ang mga lumulutang na kuwento."
"Sawsaw ba ga ang marami, akala mo'y may alam 'ala naman, epal lang!"
Napahigpit ang kapit ng mga kamay ni Cristy sa braso niya.
Sa utak ni Cristy ay nagraram-bol ang mga naririnig. Pinatay ang ama niya hindi ito totoong nag-suicide. Sino at bakit?
Nanginginig na ang mga kamay ni Cristy "Cristy hold on, time ain't appropriate still," bulong na saway niya, ni wala sa hinagap niya na family affair na ang iniinda nito, "Pag-isipan mong mabuti ang tamang action at approach... maselan iyan."
Wala pa ring masagap si Benjo, tango ito, "I can control still "
"How about that one... That Mr. Chou? Is he really involve?" tanong niya, kinakapa niya kung totoo ang kanyang hinala.
Iling itong parang nalilito. Ang kaso ng amo niya ay lalo pang nagiging complicated. Lalong dumadami ang involve. Pero bakit masyadong apektado si Cristy? She headed Cristy murmuring, mahina pero dinig pa niya, "I know him, he's my godfather." paniniyak nito sa kuneksyon nila. "At yung pamangkin niya sana ay takda kong mapangasawa. Alam ko na alam mo ang Chinese tradition sa marriage? "
"Chinese marriage? Oo."
"Oo."
"How about d'on sa kuwento?"
"Si Mr. Ngo?"
"Oo."
"Isama sa tatanungin."
"Dagdag na trabaho mo."
"Kung makakapagbigay ng liwanag sa kaso ni Papa okay lang. Ninong can understand it."
Ibinuga niya ang hinala niya "Cristy, you are Kristine Ngo," rekta na niyang sinabi ang hinala niya. "Hindi mo na maitago ang galit na nasa dibdib mo. All indications lead to real you."
"Benjo..."
"I love you, you, not the name," ngiti niya. "Who ever you are, I don't care. Even you used a million names, lady it doesn't matter... ang minahal ko ay ang babaeng katabi ko ngayon."
Hindi na siya makakapagtago kay Benjo, "Ako nga si Kristine."
And he assured her, "I am your man now. All the promises I made before ay lalong tumibay. Mark it. I will stand besides you."
"That made me love you more." "Pahirin mo ang luha sa iyong mga mata. Itatayo mo muli ang totoong ikaw, " he release a simper, "Haharapin mo na ba'ng iyong Ninong?"
"Oo."
"E kung siya nga ang pumatay, baka saktan ka din niya?"
"No," tanggi ni Cristy. He is a just man, yung kalaban lang niya ang pinipiga niya. Anak na halos ang turing niya sa akin, kasi wala siyang anak na babae, dalawang lalake lang. Kabarkada ko pa. At kung siya man ang trumabaho sa pagpatay kay Papa one thing lang ang sasabihin niya sa akin-- NAGKALAT ANG PAPA MO."
Kumot ang noo niya sa sinabi ni Cristy, "What does it mean?"
"Cluster of Chinese families ang kinasasalihan ng angkan namin... proteksyon sa negosyo. Dito hanggang sa Hong Kong. Kapag isa ang nagtaksil ay dapat siyang mawala o mamatay."
"Kung iyon nga ang nangyari....I mean--drug deal?"
"Negative iyon. Pareho nilang iniiwasan iyon. Ibang dahilan, something went wrong para mauwi sila sa ganoon. Masakit man pero dapat na tanggapin kaysa makasira ng malaki sa mga kuneksyon sa negosyo."
"Walang mababago sa mga transaksyon?"
Tango si Cristy, "Dapat maalis ang bulok na kamatis."
Malaki ang tiwala ng asawa niya sa mga Chou. "Sasamahan kita sa kanila."
"No," tanggi nito sa offer niya na parang inilalayo siya sa mga ito. "Maaasiwa lang siya sa presensya mo."
"Okay, basta kaya mo ha?"
Hindi na ito nakasagot pa nang lapitan sila ni Cricket. "Congratulation!" lahad nito ng kamay kay Cristy pero siya ang tumanggap sa nakalahad nitong kamay na tila pananadya para iiwas ang asawa sa hipo ng ibang lalake. Gulat man ang lalake ay di ito nagbago ng porma para di siya malagay sa alanganing tayo , iyon pa rin.
"Oy Benjo," kambyo na nitong siya ang kinausap. Ang lokong ito ay sanay humarap sa ganitong uri ng blangkahan, ang tulin ng shifting mode.
"I guessed you is that the man to beat here..." pananadya niyang bigkas sa dating race result.
"Am I a bully...iyon ba ang tingin mo sa akin?" alanganing ngiti nitong umusig, "Ganoon na ba ako kagulo dito?"
Todo ngiti siyang itinuring na isang biro ang bitiw ni Cricket at ipinadama na di siya nasapol ng birada nito. "Syempre, ikaw ba naman ang depending champion e, natural na targeting namin na talunin ka ngayon."
Wasiwas nito ng isang kamay na parang inaawat siya nito sa pagpuri sa kanya. "Ah iyon ba? Akala ko iba na ang tinutumbok mo! Tsamba lang iyon. 'Kala mo ba?"
"Ow?" bulalas niya na tila di makapaniwala pero iyon ay sa ginawang pagkurot ni Cristy sa tagiliran niya. "Yung lagay ba na iyun ay muntik ka pang nasilat?"
Ngiti na ito, medyo maluwang na. "Ikamo, nakauna lang ng kaunti. Kung dumating ng medyo huli ala na. "
"Oras?"
"Oo. Umabante ako ng thirty- five minutes. 500sv ang lamang ng kalapati ni Marty sa Calbayog sa akin."
"Kalahating oras iyon ha?" taya
niya sa sinabing lamang.
"At five minutes lang ang lamang ng champion sa first runner-up."
"Oo nga, pukpukan!"
Natatawa na ito,
"Mahusay kumana sa pusta ang asawa mo," sundot agad ni Jokjok. "Nasungkit ang unang bira."
Nalingon niya si Cristy, alam niya sasagot ito. Rumebat nga! "Ilang minuto ang ini-hold mo sa entrance waiting our pigeons to clock?"
Nagkatitigan ang dalawang lalakeng kaharap nila sa bira ng asawa niya. Pinalalabas nito na may niluluto silang dayaan sa susunod na pooling, "What is this Mrs. Lacernas?" tanong na ni Cricket. "You are hitting some-thing..."
Nilingon kunwa ni Cristy ang mga nasa palibot nila, baka may nakikinig sa kanila, Wala "Shhh, your voice," bulong pa nito sa dalawa na sinasaway maglakas ng tono. "Baka may makarinig sa usapan natin."
Halos matawa siya sa paglalaro ni Cristy sa dalawa. "Sa club ni Ngo, nakalimutan nyo na ba kung paano padamahin ang iba. Papanaluhin sa una,, Tapos next ay ipinadudukot ninyo sa akin yung reserbang counter number sa band ng ibon ninyo, yun ang kinakaskas para mabasa. Yung darating ay di kakaskasin para ipamalit sa counter sticker?"
Napaatras ang dalawa sa gulat. Alam ni Cristy ang modus nila sa karera ng pooling.
And he can read what is on their mind. Who is this lady?
"Out na kami. Bahala na kayo sa susunod. Inyo na." ani Cristy, he knows na bumibira sa muling pagbawi ng sarili niya. "Ilabas na ninyo kami dyan."
About face na ang dalawa na nawalan ng mga ngiti sa mukha. Si Cricket sa tingin niya ay parang ibinabad sa suka dahil sa pamumutla. Kaway na si Cristy nang makita si Max. Nagbalik din ito ng ngiti at kaway. Si Cricket ay may sinasabi kay Max sa dialect nila. Chinese, di niya alam kung anong klase iyon basta Chinese. It change Max aura, napapailing. Balik sa loob ng opisina ito na may sinabi kay Zandro, nagsumbong. Sabay pang lumabas ang mga ito para salubungin sila.
"Hi Zandro, bati ni Cristy dito."
Walang ngiti na sumalubong ito at iniabot agad ang dala niyang envelop ng panalo nila. "Ito ang panalo ninyo, Buo iyan na 600k walang bawas. Then you can leave now " anitong parang may takot sa kanila. "Out na kayo sa race namin," he then declared na ikinairita agad ng asawa niya.
"Why Zandro?" usisa na ni Cristy. "May mali ba kami para ma-disqualify mo? Explain it, " hingi nito ng paliwanag.
Hirap itong magpaliwanag, kitang-kita niya ang takot nito kay Cristy. "Anyone na may connection sa dating office ni Rael ay ban dito. Yung lang."
"Why now?" buwelta ni Cristy, he can traced on her na di siya nabasag sa opensa ni Zandro. "Dapat noong unang magkita tayo ay sinabi mo na. Hinintay mo pa na makapasok sa race ang mga birds namin. Pinagastos mo muna kami bago mo sasabihing disqualified kami. Unfair ito sa amin." Sabay turo kina Cricket. "Look, si Cricket ay pamangkin. More than enough reason para iyong ma-disqualify dahil kin pa siya. Si Jokjok ay dating isa sa programmer ng mga Bundy clock, si Marty ay ang camera man sa bawat site ng mga toss." Ngisi na nito kina Max at Zandro. "Ikaw Max ang locator at si Sir Zandro ang operation manager. Sa posting lang ako, anong malay ko sa pagpapalakad ng isang club?".
"Shut your mouth!" impit na sigaw nito. "Masisira mo ang club!"
Baling ito kina Cricket. "Di ba pabulong pa nga tayong nag-usap kanina para wala ngang makarinig. Pinagsabihan ko lang kayo na h'wag na ninyo akong isabit sa modus ninyo. Wag ako, iba na lang, dahil alam ko nga. Hindi ba maliwanag iyon na iniilag ko lang kayo para 'wag mabisto! Masisira ang club na ito kapag bumuga iyon. Alam ko yun. Muntik na ang club ni Rael dahil doon, Buti nag-abono siya. Pinoprotektahan ko ang club. Think about it people?"
Ibat-ibang reaction ang lumutang sa mga kinakausap ni Cristy. Yung iba sorry look sa nagawa nila. Gayun din si Zandro sa inasta nito. Si Max ay ikot sa kinatatayuan niya.
"Pumasok nga tayong lahat sa office. Baka may makarinig sa usapan natin. Sumama kayong mag-asawa," utos na nito.
Sa loob na nag-sorry si Cricket kay Cristy. "Natakot kasi ako na baka isigaw mo kami."
"Oo nga eh," segunda ni Marty."Magkakagulo ang mga member."
Iling si Cristy. "Malabo kong gawin iyon. Pareho- pareho tayong nasabit noon sa ganitong kaso, bakit ako sisigaw ngayon ! Ano bale?"
Awat yung isang kasama nila. "Teka, teka, may isang dalagita noon na ganyan magsalita e..." tingala pa ito sa saglit na pag-iisip, may naalaala na, "ikaw ba iyong apo ni Tandang Lucio na ginawang clerk ni Boss Rael... yung kain lang ninyong maglolo ang bayad ha?"
Walang nakakaalam sa aksidenteng inabot ng maglolo sa Calbayog. Sila lang na mga Ngo ang nakaalam. Patay na si Martina. Palibhasa nga'y naikuwento na iyon ni Cristy sa kanya at iyon ang ginamit niya sa pagpapanggap at sa mukha na ginayahan.
Tutal naman e may ganda rin siyang nakatago, pwede na. Muli niyang gagamitin ngayon sa mga kausap niya.
" Ako mismo iyon. Si Tinay!"
"Pumuti ka?"
"Maraming gamot na ngayon ang pampaputi at pampaganda. Idol Korean pop, e di kopya ng kutis. At saka malaki na ako, di yung losyang na si Tinay!" sabay imbay pa ng baywang at kumapit sa bisig niya, "At may kasamang nagpapaganda pa lalo."
Napalabi pa si Cricket, "ikaw ba iyon?"
"Ako nga walang iba!"
"Aysssss!" Maktol nito sa katangahan niya. "Naisahan mo ako!"
Pasimpling nangingiti siya dahil naisahan sila ng asawa niya. At laging maiisahan.
"Ang laki kasi ng ipinagbago mo eh. Hindi ka tuloy namin nakilala eh " reklamo ni Cricket. Baling ito sa mga kasama. "Kakutsamba nga ito, shut her mouth!"
"O papaano yung premyong nahakot ko?" tanong ni Cristy sa kanila, "Ano soli?"
"Kasi talagang kalaban yung iba e. Talo sila, bakit pa isosoli?" ani Jokjok. "Ano sinusuwerte ba sila?"
Napalabi si Zandro. "Lahat kami de kotse, ikaw wala." tingin sa mga kasama. "O mga pard's sa kanya na lang, para masabitan ito at di na pumiyok pa!"
Tawanan na silang lahat.
"Bawi tayo next pool race," Lingon ni Marty sa kanila. "O out na kayo ha?"
Tango siya.
Thumbs up pa ang mga ito.
"Basta mouth close ha Tinay?" ani Jokjok.
"Cristy!" sita niya dito. "Iba na porma ko ngayon, seksi na!"
"Cristy!" diin ni Max.
Nakipag-appear ito kay Max. Siya ang hinarap ni Zandro. "O lap winners yung dalawang ibon mo."
"Yung OB subok lang. 50℅ na Jannsen iyon e." kamot siya sa ulo niya. "Short distance."
"Anong malay mo sumipa yung vdb niyang dugo."
Balik ito sa dating pakikitungo sa kanila. Good job Cristy, "Sana nga!"
"Good luck na lang next race!".
"Thanks!"
"Out ba kayo sa next pooling?"
"Oo," sagot niya, "pambawi sa 100k na nagastos namin noon sa paggawa ng loft at sa foundation birds."
"O ano pang hinihintay nang nanalo? Patikim naman kayo!"
tukso ni Max, "Pabili na ng ating makakain!"Papauwi na sila nang magsalita si Cristy sa kanya. "All are falling in a right place."
"Pinaglaruan mo yung mga tao doon sa club," sita niya sa asawa. "Pinaikot mo sa iyong mga kamay."
Walang ngiti itong pinakawalan at lalo pang nabaon sa lungkot.
"Ako ang sinisi sa pagkamatay ni Papa. Pati ang sarili kong ina ay nagalit sa akin." anitong gigil sa nangyari. "Kasalanan ko ba na mabisto ang mga kawalanhiyaan niya?" hikbi nito. "Nagsusugal na nga sa mga casino, nagsasabong, tapos may kabit pa...ang mabigat ay nalaman kong sabit siya sa smuggling--ayaw kong mapahiya siya sa ibang tao, Papa ko siya, ama ko kaya sinita ko!"
Pinisil niya ang kamay nito. "I can fell your sorrow now."
"Oh Benjo...hindi ko alam na daramdamin niya iyon. Nang pumasok siya sa office niya ay nag-lock na doon." Iyak na nito, "Not an hour after that he's at the ground floor, lying dead!"
Niyakap niya ito.
" Benjo, ikaw na lang ang taong masasandigan ko ngayon."
"Tulong tayong dalawa," aniya "Bawiin mo na ang tunay mong pagkatao. Liligaya lang ako 'pag nakita kong maligaya ka at ang mukhang iyan ay masisilayan kong punong-puno ng ngiti at ang mga mata mong halos magdikit na ay nagsasaad ng lipos ka ng saya. As I promised you, hanggang sa kabilang buhay tayo, sasabayan kita. Ganyan kita kamahal."
Kahit na nasa sidewalk sila ay hinalikan ni Cristy ang mga labi niya. "I love you Benjo."
Maraming kasabay silang nainggit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Let Me Fly That Horizon.
RandomPigeon racing is his hobby. None can replete his boredom but his birds. He loved them see flying high up the sky brating their wings freely as fast as they can. As the strong wind hamper them, he loved to see how they tried to play with it. And now...