CHAPTER 18

9 1 0
                                    

Zandro (same time of Kristine's arrival)
    Pinagmasdan niya  ang babae na umibis sa Mazda sport car. It was Cristy Lacernas in all angle, the lady na nakasama niya doon sa club. She was then as simple as she was,  an ordinary house wife of Benjo. Manipis na make up lang para sa control ng oil sa mukha niya and dressed like as an  ordinary as those teenagers sa paligid. Hindi naman masasa-bing walang pera to buy those beauty paste, they had money. Kasi si Spider ay hinamon niya ng two million pesos.  And to think siya si Kristine Ngo kaya imposibleng hinalain na walang pera. But she prepared to be a simple house wife of Benjo and lived a simple girl. What is the potion Benjo did to her? Makaya iyon ni Kristine. Heto siya pa, ang Kristine na hindi  sanay na walang million sa bulsa. And he remember one time ay nagpunta siya sa club na nakapuki short lang not the usual  pants she used to wear kada naroon sila at ang T-shirt ay midi kaya labas ang pusod niya. Those legs are fully develop for a young lady like her. Often na magsuot ng ganitong outgear si Kristine noong she was just a teenager. Pero ngayon dahil buo na ang katawan niya as an adult ay halos tumulo  ang laway ng  lahat ng mga lalake sa club. , di mabaklas ang tingin sa kanya na parang gusto siyang hubaran. Maladiyosang katawan ba naman na  ang yellowish skin ay lutang na lutang indicating there is a high percentage of  Chinese  blood running on her veins. Walang naghinala na siya si Kristine Ngo.  Now the same lady ay bumababa sa isang sport car and dressed like Kristina Ngo, Naka- blouse at palda. Ang buhok na laging nakatali ng isang goma  noon sa club ay nakaladlad  ngayon at lalo pang nagpaahon sa pagiging Chinese girl niya. Pwedeng siyang itabi kahit kay Katriona Gray, ang Pinay na Miss Universe ngayon. Pagharap niya ay huli ng camera ang kabuuan niyang anyo, it's Kristine Ngo. Ang mga mata niya ay muling ipinabalik sa dati, tulis nga pero medyo bilog. Hindi siya magkakamali, siya nga ito. Si Cristy Kang Lacernas is Kristina Ngo. Her eyes ay ibinalik sa dati. Nang napatagilid dahil sinita ng isang security guard ay si Cristy Kang Lacernas na uli ang nakita niya.
    "Anak ng sampung bakang nabungal oo!" Palatak nito dahil sa sobrang inis. Ginawa silang mga  tanga ni Kristine doon sa pigeon club, pinaglaruan sila. And now he knows na nagtatawa ito inside her dahil nadaya niya sila. Damn! Hindi naman siguro ganoon katanga si Rigor para mamali ng research niya sa family back round ni Ms. Kang. Complete files iyon na naka-record pa lahat pati na ang mga hospital records kung saan siya ipinanganak, kung kailangan namatay ang mga magulang niya. Alam pa nga nila na si Cristy ay anak sa dalagang labandera ng mga Kang ng Greenhill. At ang mga Kang ay bumalik na sa Beijing dahil di naaprobahan ang permanent residency application nila dito sa Pilipinas. Naiwan si Cristy sa pangangalaga ni Tandang Lucio at ginamit na pangalan sa club ni Rael ay Martina Kang Cristobal. Talagang napakatalino ni Cristy, nagawa niyang bumuo ng isang mundo at ang pagkopya sa buong anyo ni Martina Kang Cristobal, yung apo ni Tandang Lucio sa anak niyang naanaksn ng isang Chinese trader. Lusot nga naman at hindi siya basta-basta nati-trace sa kanyang pinagtataguan. Just imagine, she was just nine or ten kilometers away sa lugar ng mga Ngo but she can roam the entire city na walang nakakakilala sa kanya. Whatta clever tactic!  Sa isang almost shanty house siya tumira. Ang daming agents at detectives ang pinaghanap sa kanya pero bigo lahat dahil hindi siya nila natagpuan. Makikita ba yung nagpalit ng anyo? Ayun kahit sa club ay nakagago.
    And now she's back.
    For What?
    Siguro naman ay alam na niyang ang Ninong niya ang may balak na magpapatay sa Papa niya dahil sa onsehan sa drugs. And that shit Spider, nagbuga ng sama ng loob doon sa club not knowing na si Kristine mismong ang Cristy na kapustahan niya. Sinabing fall guy lang ang ama niya. Iyon marahil ang tumulak kay Kristine na muling bumalik dito,  para saan? Bumalik sa dating niyang position sa Auditing o kunin sa Mama niya ang CEO position?
      Not that. Hindi papayag si Isabel  kunin iyon ni Kristine. Tiyak ng giyera ang mag-ina.  Pwedeng kung sa Company presidency siya pupuwesto at second only to her ay open si Isabel. That will pushed Cricket to vice presidency--kung papayag si Cricket na bumaba! Another gulo na kakaharapin ni Kristine. Poor lady, sa pagbungad palang sa Ngo Enterprise at sasalubong ang napakaraming problema. And he expected that will happen kasi di rin marunong yumuko si Kristine, mahadera rin ang isang ito na akala mo'y siya lang ang pinakamagaling.
     Bale dalawang front ng away ang inaasahan niya. Nasa upper hand si Isabel dahil sa nahatak niyang thirty-two percent sa share of stock ni Rael. Hindi nakakakaba si Kristine na may twenty-five percent na hawak mula sa mana niya sa Lola niya na See dahil solo siyang apo at tagapagmana sa mayernal side ni Rael at si Cricket na nakahatak ng dagdag na sixteen mula sa kuya niya at sa eight percent niyang share ay nagpataas. Bale may bente-dos si Cricket, ang natitira ay sa side nina Marty nahahati. Suwapangan ang mga Ngo, wala silang bigayan ng pagkakataon kahit kanino man.  Kaya sa pag-alis ni Kristine ay agad na sinunggaban ni Isabel ang share ni Rael para di mapag-hatian ng mga ito. Walang problema ang share ng See dahil fixed iyon na nakapangalan kay Kristine. At kung sakali mang maiiwan ito ni Isabel ay kay Kristine din babagsak. Total na lagpas sa kalahati ang magiging share niya sa ari-ariang ito. Pero sa pakiwari niya ay sa ibang direksyon nakatuon si Kristine di sa kayamanan nila. Kung iisiping mabuti iyon ay sa iisa lang ang lagapak--revenge!
   Feed agad siya sa isang picture  announcement na si Kristine Ngo ay may unexpected visit sa Ngo Tower. Anyone na masita niya ay tiyak na sibak sa trabaho. Ayan na nga first minute pa lang ng pagsulpot niya ay first victim ang guard na sumita sa kanya sa pag-iiwan ng kotse sa entrance. Ito ay inilagay na ni HSO Kit Guttierrez sa tentative suspension. Hindi na kailangang utusan pa si Kit kasi ay directive #1 ng Tower ang nalabag nito. RESPECT VIP. Si Kristine ay masahol pa sa VIP, siya ang second highest ranking office ng negosyong ito. Buti pa na hiningi niya ang susi para maiparada ng Parking Vallet   sa designated parking ng mga Board Members ang car at ibalik kay Kristine  o sa secretary niya ang susi nito.
      "Sir, ioopen po ba ang mga cctv sa penthouse?" tanong ng isang CCTV operator.
       Privacy ni Kristine ang makikita nila. "No, doon lang sa hallway at sa tapat ng pinto ng penthouse."
       Executive room iyon. "How about transmitters?"
      "Open it. Baka bigla niyang maisip na tumawag dito para sa maintenance doon sa penthouse o anumang kailangan niya doon. First priority siya sa lahat ng tawag. Am I clear?"
      "Yes Sir!"
      Nagulat ito nang nakita si Spider na papasok din sa Tower. Shit, baka magkita silang dalawa ni Kristine. Di pa ito ang tamang oras para mag-meet uli sila ng personal. Pindot ito sa radio ni Cricket. "Cricket come over, si Zandro ito. Asap!"
      "Cricket to Zandro, got you loud and clear."
     "See my feed back?"
     "Yah, Kristine."
      "Spider too, just three minute late."
      Gulat din siya "What?"
      Kristine could destroy all operation na inilatag nila sa kaso ni Rael, "Go meet Kristine. She's still at seventh floor. Ako ang bahala kay Spider."
    "Go. I could catch her at 15th."

2:00 pm.
   "Where had you been?" sita ni Isabel kay Cricket. "Hinahanap ka ni Mr. Chou."
     "Galing ako sa penthouse."
     Kay Kristine. "Aw shit!"
     "Nagpapahinga pa. Maybe bukas na siya pupunta sa office niya."
      "Iyan pa nga ang problema ko eh. Kailangang ayos na iyon pati ang mga staff niya sa pagpunta niya doon bukas."
    "Let me handle that."
     Nakahinga ng maluwag si Isabel. "Oh sana good day siya bukas. Marami pa kasi akong aasikasuhin, dagdag ng sakit ng ulo siya kapag magngangakngak bukas. Hay naku Cricket, ang oras mo nga bukas ay ibigay mo sa kanya. Baka before the day ends ko na siya kakausapin."
    "Okay have your time Madam."
     Tawa si Kristine sa naririnig na usapan nina Cricket at Mama niya. "Whose next?"
     "Sshhh." saway ni Cricket sa kanya."I will be with Zandro and Spider."
     "So he arrived?"
    "Three minutes late next to you."
      Kasunod niya kanina ito, Buti hindi siya naabala ng husto ng buwisit na tangang guard na iyon sa  entrance. Gutierrez save her to meet Spider. "Check him out please."
      "I'm on it. He got no schedule here. Mang-aabala lang sa amin ang lokong ito. But I will attend first Mr. Chou."
  "Thanks,  Okay ...out." paalam niya. Sa pagbasa niya sa  files ng mga former employee ay ang CPA na si Sas Obabo ang natitira pa sa office, lahat ay puro bago na. Hindi na niya kilala ang iba. Nangingiti siya sa tawag ng Papa niya dito-- Palindrome. Kasi nga naman e kahit na baliktarin mo pa ang pangalan niya ay iyon din ang basa. Si Hanah ay ganoon din pero tama lang kay Sas dahil pati surname niya ay palindrome din.
   
    

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Fly That Horizon.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon