Calista
"Anak, kilala mo 'tong gwapong binatilyong ito?" Tanong ni Mommy.
"The annoying bastard." Inis kong bulong.
"Ha?" Tanong ni Mommy.
"Nothing, Mama." Pwersa kong ngiti.
"He introduce himself to us, his name's Riggs." Pakilala ni Mommy sa kaharap ko ngayon na lalaki.
Agad nagsalubong ang kilay ko at tinignan ito mula ulo hanggang paa.
"Paano mong nalaman ang address ko?" May diin at galit kong tanong, ang tanging sagot nito ay pag ngiti.
Gusto kong dakutin ang mukha niya!
May dala pa itong isang bouquet ng bulaklak na naging dahilan para lalong uminit ang ulo ko at magsalubong ang kilay ko.
"Sinadya niyang bumisita sa bahay natin anak para pormal na magpakilala sa amin at manligaw raw sa 'yo." Ani Mommy tila kinikilig.
"Ah, so young and innocent love!" Dagdag niya pa.
Pinasadahan ko ng tingin ang suot ng Riggs na 'to at nakitang naka longsleeve pa ito na kulay puti habang itinupi na aabot bago lumagpas sa siko, may suot pa siyang necktie na itim habang ipinares ang pantalon na babagay sa kanyang pang itaas na suot.
Uso pa ba ang necktie??
Nakita ko ang mainit na tingin ni Daddy sa Riggs na ito.
"I tend to disagree." Komento ni Daddy, that's my father!
"S-Sir," Utal na ani Riggs.
Agad kong naalala ang narinig ko nang nasa garden ako at nagtatago.
"Don't you broke up with your girlfriend a while ago?" Napaigting ang panga ko, agad naagaw ang atensyon ni Daddy sa sinabi ko.
Gagawin pa 'kong panakip butas ng putanginang 'to.
"H-Ha? Gan'to kasi 'ya—" hindi na natapos ni Riggs ang paliwanag niya nang sumabat si Daddy.
"I told you Catharine! Paalisin mo ang lalaking 'to sa pamamahay ko!" Tila binalot ng galit si Daddy, can't help but to smirk.
"T-Totoo ba ang sinasabi ng anak ko?" Tila ayaw mag paawat ni Mommy at patuloy na tinatanong ang lalaking nasa harap namin.
Napatingin tuloy ako sa sarili kong ina, is she doubting me??
"Brix!" Tawag ko sa aking formal driver, nakita ko ang pagkagulat sa reaction ni Riggs.
"Brix!" Tawag kong muli sa pangalawang pagkakataon, lumitaw naman ito sa aking tabi.
"Yes po, Ma'am?" Anito.
"Pakilabas ang lalaking 'yan." Utos ko kay Brix at ako nama'y naglakad sa gilid ni Riggs para lampasan ito na parang wala akong nakita.
"Calista mali ang intindi mo! Tito, Tita! Mali po ang pagkakaintindi niya!" Rinig kong angal pa ni Riggs, napaharap tuloy ako sa kanya.
"I have a 20/20 hearing, I heard every detail of the words you said very clear! Now, get the hell out of our house!" Gagawin niya pa 'kong bingi eh tama ang mga narinig ko kanina?
"Language, dear." Bulong ni Mommy. "Sorry," mahina kong paumanhin.
"Hindi gagawa ng kwento ang anak ko, at 'wag mo akong ma-tawag tawag na tito." Tila may galit din sa tono ni Dad ngunit nangibabaw ang pagiging kalmado niya.
"Kanina pa nag iinit ang dugo ko sa 'yo nang nasa school pa!" Hindi na 'ko nakapagtimpi at tumaas na ang boses ko.
"Anong ibig mong sabihin anak?" Takang tanong ni Mommy.
"He set me up on a booth." Taas kilay kong saad habang nakatitig kay Riggs, umiiling ito na para bang gustong magpaliwanag.
"Planning to make me as your rebound?" Tawa ko ng mapait, gusto ko itong sampalin.
"Added me on my social media account and only few knows my home address!" Irita kong saad. "Kinikilabutan ako sa 'yo!" Habol ko.
"What is it that you want from me?!" Inis kong sigaw.
Hindi ito maka imik.
"Ayoko na makita ang pagmumukha mo rito sa pamamahay ko!" Sigaw ni Mommy. "You disappoint me, boto pa naman ako sa 'yo." Pahabol ni Mommy.
"Brix, ilabas mo na 'yan." Utos ni Dad, buong lakas na hinatak palabas ni Brix ang lalaking 'yon. Narinig pa namin ang pag angal niya habang hinahatak palabas ni Brix.
"Gagong 'yon, tama ang hinala ko, Hon. Sinabi ko naman na kasi sa 'yo na may gut feeling ako na hindi maganda ang intensyon ng lalaking 'yon." Si Dad.
"Akala ko kasi'y totoo dahil ang ganda at ang pormal niyang makipag-usap, dagdag na gwapo rin." Komento ni Mommy.
"Please parents, don't let that creep enter this home again." Paki-usap ko sa kanila. "And he is not good looking." Iling ko.
Sigurado naman akong papakinggan nila ako dahil nag iisa lang akong anak nila at ayaw nilang masaktan ako ng lalaking kagaya non.
"We will, anak." Maikling sagot ni Dad ngunit may assurance.
Nagtungo na lang ako sa aking kwarto at tinawagan si Charmaine via video call, ikinwento ko sa kanya ang nangyari pagkarating ko rito sa bahay.
Syempre, she's my living diary.
"What?! Paano niya nalaman ang address ng bahay niyo?" Anito sa video call.
"Ewan ko rin, I told you! There's something odd that I don't like about him, tama ako! Ah, basta gigil na gigil ako kanina." Komento ko.
"Girl, baka naman hindi lang stalker, admirer or what 'yan, kasi kaka-meet niyo lang kanina tapos iba na agad ang da-moves? Nalaman agad bahay niyo?" We actually have the same thoughts. "Creepy!" Tila kinilabutan pa siya.
"Basta kapag nasa school ako bantayan mo 'ko teh." Sabi ko sa kanya.
"Ay ayoko! Tutal mayaman ka naman, what if mag hire ka ng bodyguard o butler?" Anito at kumindat pa, I heard my Mom calls my name. "Tapos no need na ng manliligaw dahil mai-inlove 'yong butler mo sa 'yo—"
"May iniuutos si mudra, chikahan na lang later!" I immediately hung up the call before she learns to finish her sentence. She's not making any sense.
Well, I didn't let her bid a goodbye, that doesn't make me a bad friend, right?
"Coming!" I responded to my Mom as I close my laptop and went out of my room.
***
YOU ARE READING
The Moment of Truth (Completed)
RomanceA Tagalog-English story where a distorted love story of Riggs Hernan and Calista San Andres exist.